26/05/2026
SAMAHAN NIYO KAMI NGAYONG HUWEBES AT PAG-USAPAN NATIN ANG KALAGAYAN NG MGA TRANSPORT WORKERS SA GITNA NG KRISIS SA LANGIS!
Dito lang βyan sa π½ππ π πππ’ππ£ ππ¬πππ?, 2:00 n.h.
Ngayong Labor Month, aming kinikilala ang mga Pilipinong manggagawa at ang mga ambag nila sa patuloy na paggalaw ng ating lipunan. Nitong mga nakalipas na buwan, ramdam ang bigat ng patuloy na tensyon at hidwaan sa pagitan ng Iran, US, at Israel. Ngunit ang epekto ng sigalot na ito ay hindi nananatili sa Gitnang Silangan, direkta itong pumapasok sa ating mga kalsada at pumipilay sa ating pampublikong transportasyon. Dahil sa pagtaas ng presyo ng langis, malubhang apektado ang ating mga tsuper at transport workers.
Sa episode na ito, talakayin natin ang patong-patong na pasanin ng ating mga tsuper mula sa krudong umuubos sa kanilang arawang kita at boundary, hanggang sa domino effect nito sa mga ordinaryong komyuter at manggagawa. Layon nating suriin kung naging epektibo ba ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan, at kung bakit nananatiling mahalaga ang sama-samang pagkilos upang maipagtanggol ang kabuhayan ng transport sector sa gitna ng krisis.
Makakasama natin sa episode na ito sina G. Jaime Aguilar (SecGen, NCTU) at si G. Luis Garcia (Instructor, UP CSWCD). Makakapanayam naman sila ni Trishia Carbaja (Research Associate, AteneoβIPC).
---
Ang programang π½ππ π πππ’ππ£ ππ¬πππ? ay isang knowledge dissemination initiative ng Institute of Philippine Culture na nagbibigay ng culturally sensitive, kritikal, evidence-based, at down-to-earth na pagsusuri ng mga napapanahong social issues gamit ang ibaβt ibang kalinangan sa agham panlipunan. Nakabatay ang inisyatibong ito sa prinsipyo na ang pagbubuo at pagbabahagi ng kaalaman ay dapat maging isang genuine na collaborative process kung saan ang iba't ibang karanasan, pananaw, at problem-solving approaches ay binibigyan ng espasyo upang makilala, maipaliwanag, at magamit.