Kagawad Matu Panoringan

Kagawad Matu Panoringan Kagawad - Barangay Malaya District 4, Quezon City

13/10/2025

Mula 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟭𝟰–𝟭𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟱 (𝗠𝗮𝗿𝘁𝗲𝘀–𝗕𝗶𝘆𝗲𝗿𝗻𝗲𝘀), 𝗶𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝘂𝗽𝗮𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗼𝗺𝗲-𝗯𝗮𝘀𝗲𝗱 𝗹𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 sa lahat ng Child Development Centers (CDCs) sa Lungsod Quezon. Ang implementasyong ito ay alinsunod sa direktiba ng DepEd para sa lahat ng pampublikong paaralan sa National Capital Region (NCR) upang mabigyan ng panahon ang disinfection, sanitation, at building inspection bunsod ng tumataas na kaso ng influenza-like illnesses.

Ang mga Day Care Parents ay inaatasang kunin ang kanilang mga modules sa kani-kanilang CDCs. Samantala, ang mga magulang na naka-iskedyul sa pagluluto ay inaasahang magluto ng hot meals na ipamamahagi kasabay ng pamimigay ng worksheets.

Sa gitna ng mga pansamantalang pagbabago, manatiling ligtas at patuloy na suportahan ang pagkatuto ng ating mga munting mag-aaral!

30/09/2025

TINDAHAN NI ATE JOY APPLICATIONS ARE NOW OPEN!

Sa ika-13 na taon ng Tindahan ni Ate Joy, mabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng sari-sari store items ang mga kwalipikadong solo parent na walang kasalukuyang trabaho at gayundin ang mga naging biktima ng karahasan at pang-aabuso.

Para sa mga katanungan, tumawag lang sa Tanggapan ng Gender And Development (GAD) Council Office - (02) 89884242 loc. 8732.

Scan QR Code for registration

Address

Barangay Malaya
Quezon City
1101

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kagawad Matu Panoringan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category