18/08/2026
Usapang Barangay: Minsan, may napapansin tayong problema o pangangailangan sa komunidad at naiisip natin: βSana may gawin tungkol dito."
Pero paano nga ba mula sa isang idea o usapin nagiging isang resolusyon?
Sa barangay, nagsisimula ito sa pagkilala sa isang pangangailangan o isyung dapat pagtuunan ng pansin. Pinag-uusapan, sinusuri, at tinitingnan kung ano ang pinakaangkop na tugon.
Mahalagang alamin muna kung may umiiral nang batas, ordinansa, resolusyon, o patakaran na tumutugon na sa naturang isyu. Kung mayroon na, maaaring hindi na kailangan ng panibagong resolusyonβmaaaring ang kailangan ay mahigpit, maayos, at pare-parehong pagpapatupad ng mga umiiral na alituntunin.
Kung kinakailangan naman ng bagong hakbang o panukala, saka ito binabalangkas at dumadaan sa proseso ng Sangguniang Barangay para talakayin at pagdesisyunan.
Hindi lang ito tungkol sa paggawa ng dokumento. Ang mahalaga ay malinaw kung ano ang problema, ano ang layunin, ano na ang mga umiiral na tugon, ano pa ang kailangang gawin, at paano ito makatutulong sa komunidad.
Mahalaga ring naiintindihan natin ang proseso. Ang mabuting pamumuno ay hindi lang tungkol sa βmay gagawin tayo.β Mas mahalaga ang pag-alam kung ano ang dapat gawin, kung kailangan pa ba ng bagong panukala, bakit ito kailangan, at paano ito maisasagawa nang maayos at may pananagutan.
Ang isang ideya, mas nagiging makabuluhan kapag may malinaw na plano, tamang proseso, at konkretong hakbang para sa komunidad.