BAYAN MUNA Quezon City

BAYAN MUNA Quezon City Sa isip, sa salita, sa gawa, Bayan Muna QC!

17/08/2026

Muli, lubog na naman ang mga Pilipino.

Kinakailangan ng tulong ng ating mga kababayan na nasalanta ng malakas na mga pag-ulan. Ang mga larawan sa ibaba ay kuha ngayong araw mula sa Brgy. Talayan, Brgy. Tatalon, at Brgy. Del Monte— lahat ay sakop ng Quezon City.

Maaaring magpadala ng pagkain at tubig, damit, medicine kit, cash, o magpadala online via GCash. Magpunta lamang sa drop-off location para maipahatid ang mga donasyon. Makasisigurado kayo na makararating agad ang mga tulong na inyong ipadadala sa pamamagitan ng pagkilos ng Bayan Muna at Bayang Matulungin.

𝗠𝗮𝗴𝘁𝗲𝘅𝘁 𝗼 𝘁𝘂𝗺𝗮𝘄𝗮𝗴 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴: 𝟬𝟵𝟯𝟮𝟭𝟭𝟳𝟱𝟱𝟴𝟲

Hindi kailanman magiging normal na lumubog ang maraming bayan sa Pilipinas dahil sa kaunting pag-ulan. Ang lahat ng ito ay bunga pa rin ng burukrata kapitalismo, mga ganid na pulitiko, at tuta ng dayuhan na gobyerno.

Lahat ng sangkot, dapat managot!


𝑻𝑰𝑵𝑮𝑵𝑨𝑵 | Matagumpay na idinaos ang Pangkalahatang Asembliya ng Bayan Muna Quezon City Chapter ngayong ika-25 ng Hulyo, ...
25/07/2026

𝑻𝑰𝑵𝑮𝑵𝑨𝑵 | Matagumpay na idinaos ang Pangkalahatang Asembliya ng Bayan Muna Quezon City Chapter ngayong ika-25 ng Hulyo, 2026 sa SUB, UP Diliman. Dinaluhan ito ng mga lider ng BMQC mula sa iba't ibang chapter sa 6 na Distrito ng Lungsod ng Quezon.

Pangunahing layunin ng pagtitipon ang panawagan na tuloy-tuloy na magsikhay sa pagtataguyod ng Politika ng Pagbabago sa pamamagitan ng pagpapalakas at pagpapasigla ng mga chapters ng Bayan Muna.

Naging layunin din nito ang paghahanda para sa malaking pagkilos sa SONA ng Bayan sa Hulyo 27, kasabay ng ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni PBBM.

Pinangunahan ang pagtitipon ng dating kinatawan ng Bayan Muna Partylist na si Congw. Eufemia Cullamat, nagbigay siya ng pagtalakay hinggil sa pambansang sitwasyon. Aniya, "Hanggang sa kasalukuyan, sa magaganap na ikalimang SONA ni BBM, lalong tumitindi Ang kahirapan ng sambayanan. Hindi mapigil ang pagtaas ng presyo habang nakapako sa napakababang halaga ang sahod... Dagdag pang magpapahirap sa mamamayan ang napipintong pagtatayo ng Pax Silica sa ating bansa na magdudulot ng pagkasira ng kalikasan at krisis sa malinis na tubig."

Dagdag pa nya, "Kaya dapat at tama na tayo ay kumilos sa darating na Hulyo 27, upang ipakita ang totoong kalagayan ng ating Bayan at hindi ng kasinungalingan na ibubuladas ni BBM sa kanyang SONA".

Sa pagtitipon, muli ring pinagtibay ang pagluklok sa mga Opisyales ng Bayan Muna QC Chapter, at muling panunumpa sa katungkulan.

Naging masigla ang paglahok ng mga lider ng Bayan Muna, bitbit ang buong determinasyon ng pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa kani-kanilang sinasaklaw na komunidad.

Natapos ang pagtitipon sa hamon ni BMQC Secretary-General Rod Dayta, "Mga kasama, handa ba tayong muling magsakripisyo alang-alang sa paglilingkod sa mamamayan at pagtataguyod sa bagong pulitika?... Kung gayun, paglabas ng bulwagang ito simulan agad natin ang masikhay na pagrerekluta at pagbubuo ng maraming mga chapter ng Bayan Muna sa iba't-ibang komunidad at Barangay sa ating Syudad!"



08/07/2026

PANOORIN: Nagbuo ng human barricade ang mga residente ng Barangay UP Campus sa Quezon City matapos baklasin ng blue guards ng University of the Philippines ang barikada ng komunidad laban sa itatayong rental house at Sustainable Development Goals Park sa kanilang lugar.

Ilang taon na ang nakalipas nang isagawa ang Stonewall Manila—ang kauna-unahang Pride March sa Pilipinas at sa buong Asy...
26/06/2026

Ilang taon na ang nakalipas nang isagawa ang Stonewall Manila—ang kauna-unahang Pride March sa Pilipinas at sa buong Asya-Pasipiko.

Mula noon hanggang ngayon, ipinagpapatuloy ng Stonewall Philippines, kasama ang iba't ibang grassroots organizations at mga kaalyado, ang laban para sa lipunang tunay na malaya, pantay, at inklusibo.

Ngayong , ipaalala nating ang Pride ay hindi lamang pagdiriwang—ito ay protesta. Isang makulay ngunit matatag na panawagan para sa karapatan, pagkakapantay-pantay, at hustisya para sa lahat.

Rumampa sa Lansangan!
Makibeki, Wag Mashokot!

25/06/2026
20/05/2026

ALERT | Nagbarikada ang mga residente ng Pook Malantik laban sa pagpasok ng pulis, SWAT, at DPOS

Nagbarikada ngayong araw ang mga residente ng Pook Malantik upang pigilan ang pag-abante ng mga pulis, SWAT, DPOS, at blue guards sa loob ng komunidad kasabay ng pagpapatuloy ng operasyon kaugnay ng proyektong SDG Wellness Park sa lugar.

Ayon sa mga residente, sinabi umano ng mga pulis, guwardiya, at DPOS na tatanggalin ang bakod na itinayo ng komunidad dahil umano sa “legal violation” kaugnay ng paggawa nito. Dahil dito, lalo umanong tumindi ang pangamba ng mga residente sa posibleng sapilitang pagpasok sa kanilang komunidad.

Bilang tugon, nagpaplano ngayon ang komunidad ng iba pang paraan upang mapigilan ang pagpasok at pag-abante ng mga awtoridad at security personnel sa lugar habang nagpapatuloy ang kanilang pagtutol sa proyekto.

Nauna nang dumating ang mga trak na may dalang materyales para sa diumano’y transition housing project, na ayon sa mga residente ay ipinapatupad nang walang malinaw at demokratikong konsultasyon sa komunidad. Matatandaang ilang linggo na ring kinukuwestiyon ng mga residente ang magkakaibang paliwanag ng mga opisyal hinggil sa mga planong istruktura sa lugar, kabilang ang umano’y “community learning hub” na kalauna’y iniuugnay sa SDG Park project.

Mariing panawagan ngayon ng mga residente ang agarang pull-out ng mga pulis at SWAT sa Pook Aguinaldo, na ayon sa kanila ay nagdudulot lamang ng takot at intimidasyon sa komunidad.

Patuloy ding nananawagan ang mga residente at kanilang mga tagasuporta sa mga Iskolar ng Bayan at iba’t ibang sektor na bantayan ang sitwasyon at makiisa sa laban ng Pook Aguinaldo.



Bidyo mula sa BahAgui Nating Isko Volunteers

Sumama sa pagkilos. Sama-sama nating ipanawagan:Sara panagutin!Bato arestuhin!Senado 930amKagyat na simulan ang impeachm...
12/05/2026

Sumama sa pagkilos. Sama-sama nating ipanawagan:

Sara panagutin!
Bato arestuhin!

Senado
930am

Kagyat na simulan ang impeachment trial ni Duterte. Papanagutin siya sa malawakang pagnanakaw mula sa kaban ng bayan.

Arestuhin si Bato at dalhin sa ICC. Ang Senado ay hindi dapat msging kanlungan ng mga korap at berdugo.

Kumilos at magprotesta. Labanan ang mga tiwali at abusado sa kapangyarihan.

Lahat ng sangkot, dapat managot!

IPAGDIWANG ANG ARAW NG MANGGAGAWA! IPAGLABAN ANG KAGALINGAN AT GINHAWA SA GITNA NG GERA AT KRISIS! IPAGTAGUMPAY ANG PAMB...
30/04/2026

IPAGDIWANG ANG ARAW NG MANGGAGAWA! IPAGLABAN ANG KAGALINGAN AT GINHAWA SA GITNA NG GERA AT KRISIS! IPAGTAGUMPAY ANG PAMBANSANG KALAYAAN, DEMOKRASYA AT SOSYALISMO!

Kilusang Mayo Uno | 1 Mayo 2026

Ginugunita natin ang ika-124 na Araw ng Manggagawa sa Pilipinas sa gitna ng walang-kapantay na krisis lalong pinasisidhi ng gerang agresyon ng US-Israel sa Iran. Magmula nang sumambulat ang sigalot sa Kanlurang Asya, kinaladkad ng US mat mga kasapakat nito, manggagawa at mamamayan sa Pilipinas at daigdig sa kumunoy ng malubhang gutom, kahirapan at pagdurusa.

Nilumpo ng mga oil price shock ang operasyon ng mga drayber at opereytor sa iba’t ibang moda ng transportasyon. Sa mga komunidad ng karaniwang manggagawa at mga maralita nararamdaman ang pinakamalalim na epekto ng taas-presyo na umuubos sa barat na ngang minimum sa sahod at sa maliit na kita sa iba’t ibang hanapbuhay. Lalong mabigat ang dagan ng krisis sa mga kontraktwal na pinagkakaitan ng tamang sahod at benepisyo at ng kanilang karapatang mag-unyon. Sa kabila ng panganib ng gera, napipilitan ang mga OFW na itaya ang kanilang buhay at kaligtasan upang buhayin ang naghihirap na pamilya sa Pilipinas.

Lumalawak at lumalalim ang kahirapan sa kanayunan dahil sa pandarambong sa lupa at iba pang likas-yaman. Dulot ng krisis sa langis, sumirit rin ang presyo ng abono, pestisidyo at iba pang farm input at lumobo ang pangkalahatang gastos sa transport at produksyon. Patuloy na winawasak ng Rice Liberalization ang lokal na produksyon habang kinakamkam ng dayuhang proyekto at pagpapalit-gamit ang lupain ng mga magsasaka at katutubo.

Biktima ng karahasan at diskriminasyon sa iba’t ibang larangan ng buhay at paggawa. Pinagkakaitan ng edukasyon, oportunidad at kinabukasan ang mga kabataan habang dumadausdos ang antas ng pamumuhay ng mga kawani at propesyunal dahil sa mababang sahod at kawalang-katiyakan sa trabaho.

Inutil, pabaya, korap, kontra-manggagawa ang gubyernong Marcos Jr. Sa halip na bigyang-alwan ang mamamayan - suspendihin ang excise tax at VAT at magbigay ng sapat na suporta sa pinakaapektado, inuna nito ang kita at tubo ng malalaking korporasyon. Ang pabalat-bungang UPLIFT na diumano’y tugon sa krisis ay balon ng pondong pinaglalawayan at kukurakutin ng mga buwaya sa gobyerno.

Tikom ang bibig nito sa umiigiting na gerang agresyon sa Iran. Sa halip, pinaigting pa nito ang pakikipagmabutihan sa imperyalistang amo sa pagtutuloy ng pinakamalaking Balikatan exercises sa kasaysayan, at sa pagtutulak sa Pax Silica na nagpapahigpit sa pwesto ng Pilipinas sa kadena ng kontrol at makinarya ng digma ng US.

Ginagamit nito ang buong lakas ng estado upang supilin ang kumukulong galit ng mamamayan. Pinopondohan ng US at inaarmasan ng Israel ang pasistang AFP-PNP na nagsasagawa ng malawakang paglabag sa karapatang pantao sa porma ng harasment at intimidasyon, mga kampanyang disimpormasyon, pag-aresto at sapilitang pagwala, pagpaslang at mga masaker. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang malalakihang operasyong militar sa Mindoro at Negros na naghasik ng terorismo sa mga komunidad sa kanayunan.

Hindi lamang inutil, korap at pabaya, kundi papet at pasista. Inilantad ng kasalukuyang krisis ang tunay na katangian ng rehimeng Marcos Jr na walang pinag-iba sa mnga nauna pa. Pabor sa mga gahaman, kontra sa mga naghihirap at pinagnanakawan. Lalong nagiging kailangan ang sama-samang paglaban para sa kagyat na ginhawa at kagalingan hanggang sa tunay na pagbabagong panlipunan.

Dapat patuloy na ipaglaban ang pagwawakas sa gera, pagkamit ng nakabubuhay na sahod - P1200 nationwide, pagpapababa ng presyo ng mga bilihin at pagtanggal sa VAT at excise tax, regular, disente at ligtas na trabaho, paggalang sa karapatang mag-unyon at mag-organisa, at pagtigil sa panunupil sa mamamayan. Gayundin, ang pagbabasura sa mga kontra-manggagawa at kontra-mamamayang patakaran gaya ng Oil Deregulation Law, Wage Rationalization, TRAIN Law atbp. Dapat igiit ang pagtataguyod ng nagsasariling ekonomya kung saan pinauunlad ang lokal na agrikultura at industriya. Tanging sa paghulagpos sa kuko ng imperyalistang gahaman magiging posible na tumindig sa sariling paa at unahin ang kapakanan ng Pilipino.

Sa pakikibakang kinakaharap natin, kailangan ng ibayong tatag at pagkakaisa. Halawan natin ng aral ang 46 taon ng pamumuno ng Kilusang Mayo Uno at ng lagpas sandaang taong paglaban ng mga nauna pang unyon at manggagawa. Dito tayo huhugot ng kaalaman at inspirasyon. Sa pagbabalik-aral, kilalanin nating maigi ang mga ugat ng kahirapan. Bigyang-hugis natin ang mahabang kasaysayan ng paglaban, tagumpay at pagkabigo na pundasyon ng ating kilusan.

Makikilala natin sa pagbabalik-tanaw ang milyong manggagawa na nag-alay ng lakas, talino at buhay sa adhikaing palayain ang sambayanan. Silang mga naglalakad upang magmulat at magpropaganda sa araw at sa gabi. Silang mga nagtirik ng piketlayn at kubol sa welga. Silang mga nagluto at nagpakain upang panatilihin ang lakas ng pakikibaka. Silang sumusuyod sa mga eskinita para mag-organisa.

Silang mga dinukot sa kalsada sa lalim ng gabi. Silang mga binaril sa piketlayn habang tuloy ang welga. Silang nagbuhos ng dugo upang patunayang paglakas lang ang tunguhin ng ating paglaban. Silang tahimik na lumisan at sinuyod ang kanayunan upang magpursige sa rebolusyonaryong pagbabago.

Pagpupugay ang laan natin sa mga bayani at martir ng manggagawa at bayan - sa ating mga lider at organisador na sina Felixberto Olalia Sr, Rolando Olalia, at Crispin Beltran. Hustisya ang sigaw natin para kina Jude Fernandez at Dandy Miguel! Patuloy na panawagang ilitaw sina Loi Magbanua at William Lariosa, at ang pagpapalaya sa 20 unyonista’t manggagawa na nakapiit pa rin hanggang ngayon.

Bigyang-diin natin ang tungkuling pagkaisahin, pakilusin at pamunuan ang pakikibaka ng buong uring manggagawa at iba pang mga sektor sa lahat ng porma at antas. Isabuhay natin ang diwa pakikipagtalakayan at pakikipag-aralin upang hanguin ang pinakamalikhaing mga ideya at pinakaepektibong mga paraan.

Sa gabay ng tunay, militante at anti-imperyalismong unyonismo, ikasa natin ang mga protesta, piket, koordinadong welga, mga multisektoral na protestang bayan na pauunlarin patungong welgang bayan. Tataglayin ng mga ito ang lakas upang epektibong maipanalo ang ating mga kahingian.

Buuin at ipalaganap natin ang mga karanasan at aral ng mga nagdaang welga ng Nexperia at Kowloon. Balik-aralan natin ang mga pagkilos at welga sa nagdaang mga dekada lalo ang mga pangkalahatang welga at welgang bayan ng dekada ‘80. Sa pagpapayaman ng ating sariling karanasan, tinatanglawan natin ang susunod na henerasyon ng manggagawa upang ganap na ibagsak ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo, at hawanin ang landas tungong sosyalistang pagbabago.

Kailangan nating panghawakan at sandigan ang lakas ng ating uri. Ikawing natin ang pakikibaka ng manggagawang Pilipino sa pakikibaka ng lahat ng manggagawa sa daigdig laban sa pandarambong, gera at pasismo. Sama-sama nating ibagsak ang imperyalismong US - ang numero unong kaaway ng manggagawa’t mamamayan ng daigdig.

Sa ating palad, nilikha ang yaman. Sa ating bigwas, papandayin ang kasaysayan. Ang pagdiriwang ng Mayo Uno ay pakikibaka. Ang pakikibaka ay pagdiriwang ng ating adhikain, pangarap at dangal.

Mabuhay ang ika-46 na anibersaryo ng Kilusang Mayo Uno!
Mabuhay ang uring manggagawa at mamamayang Pilipino!
Pakikibaka ang tunguhin ng daigdig ngayon!

16/04/2026

DOE unbundling order is a win for public’s right to know; Bayan Muna urges full transparency, sanctions vs overpricing

Bayan Muna Chairperson Neri Javier Colmenares welcomed the Department of Energy’s (DOE) move to order oil companies to unbundle pump prices following Bayan Muna’s formal demand that the agency finally enforce its unbundling circular amid the national energy emergency and soaring fuel prices.

“This is a victory for the public’s right to information and a necessary step toward exposing possible price manipulation and excessive profit-taking,” Colmenares said. “For too long, consumers have been forced to accept pump prices as a black box, even as fuel costs climbed to extraordinary levels.”

It can be remembered that in a letter to the DOE on March 11 and another on March 30, 2026 Bayan Muna pressed the DOE to implement the unbundling circular stating that “it is important for the DOE to ensure that no overpricing is taking place and that oil
companies are not exploiting the current volatility of oil prices to also unjustly
increase their profit margin.” Colmenares warned that “The DOE will find it difficult to ferret out overpricing if the DOE is not aware of the actual cost of a liter of fuel and the profit margins imposed by oil companies.
Colmenares pointedly asked the DOE that while the unbundling circular was promulgated in 2019 and the TRO filed by oil companies
lifted by the Supreme Court in 2024 “it is, unfathomable why the DOE refused to implement the
2019 Unbundling Circular as late as 2026 or nearly seven (7) years from the promulgation of such an important
circular and nearly two (2) years after the Supreme Court lifted the TRO in 2024.”

Colmenares stressed that unbundling must not be treated as a mere compliance exercise, but as a tool for accountability—especially after months of steep fuel price hikes and growing public suspicion of cartel-like behavior in the oil industry.

“Unbundling should answer the basic question: what exactly are Filipinos paying for in every liter—import cost, taxes, logistics, and most importantly, profit margins,” Colmenares said. “If the DOE claims there is no overpricing, then the detailed breakdown should confirm it. If the data shows profiteering, then government must act.”

Bayan Muna noted that the DOE itself has cited a Supreme Court ruling affirming the agency’s authority to require oil companies to submit a detailed breakdown of pricing components under its 2019 circular, and that non-compliance may result in sanctions including possible cancellation of permits.

“Pinatutunayan ng kautusan ng DOE na may kapangyarihan ang gobyerno na singilin ng paliwanag ang mga kumpanya ng langis,” Colmenares said. “Ipatupad nang buo ang unbundling, huwag pahinain sa ‘guidelines’ na pabor sa mga oil firm.”

Colmenares also called on the DOE to ensure the timely release of meaningful public information from the submissions—protecting legitimate trade secrets while making public the key figures needed to safeguard consumers, such as aggregate and range data on cost components and margins, and the basis for weekly price adjustments.

“Dapat ilantad sa publiko ang mahahalagang datos tungkol sa gastos at tubo, lalo na kapag krisis at pambansang interes ang nakataya,” Colmenares said. “Pabilisin ang paglalabas ng impormasyon, at parusahan ang hindi susunod o magsusumite ng hindi makatwirang paliwanag.”

He added that transparency should lead to concrete remedies, including intensified investigation of coordinated pricing behavior, stronger enforcement against hoarding and profiteering, and broader measures to bring down fuel prices and protect workers, drivers, and consumers battered by the oil crisis.

“The DOE’s unbundling directive must be the start of real accountability—not the end of the story,” Colmenares said. “The public expects results: clarity on costs, exposure of unjustified margins, and decisive action against any abuse. The main culprit however is the Oil Deregulation Law which allows oil companies to increase oil prices by merely announcing it without any regulation. Bayan Muna has long filed a bill to repeal it. This is the proper time for the people to demand its immediate repeal. Panahon na para mag panday tayo ng bagong batas para sa oil industry. # # #

Address

Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BAYAN MUNA Quezon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share