06/05/2026
Ma, Pagod Ka Na Ba? Kumusta Ka? 🌹
Kilalanin si Nanay Blanche Eileen Antipuesto. Isang ina, lola, at sampaguita vendor na piniling isantabi ang sariling pangarap para itaguyod ang kanyang pamilya nang mag-isa.
Mula sa pagiging mag-isang tumatayo bilang nanay at tatay, hanggang sa pagiging matatag na lola ngayon—si Nanay Eileen ay simbolo ng walang hanggang pagmamahal. Isang paalala na sa likod ng bawat kayod, may isang pusong nagnanais din ng simpleng pahinga at oras para sa sarili.
Panoorin ang kanyang kuwento ng sakripisyo, pag-asa, at katatagan. 👩🏻👵🏻