05/06/2026
Malaking insulto ang pag-apruba ng anti-political dynasty bill dahil sa katotohanan, hindi nito pinipigilan ang pag-iral ng mga dinastiya; pinagbabawalan lang natin sila sa ilang bagay pero kinukunsinti naman natin silang gumawa ng mas malala pa.
โIn reality, this anti-political dynasty bill is nothing but a grand illusion. Pinapaniwala tayo na winawakasan na ang monopolya sa kapangyarihan, pero ang totoo, ginagawa lang nilang mas malinis, mas organisado, at protektado ng batas ang patuloy na paghahari ng iisang apelyido sa Pilipinas.
Ano nga ba ang nasa batas?
Based on the official text of "House Bill No. 6771" , which was introduced by Rep. Faustino G. Dy III and Rep. Ferdinand Alexander "Sandro" A. Marcos, makikita mo agad kung bakit isang malaking political theater at "mema" lang ang bill na 'yan.
Ayon sa Section 3 (c) ng panukala, ang sakop ng "political dynasty relationship" ay umaabot hanggang "fourth civil degree of consanguinity or affinity" (magulang, anak, kapatid, lolo/lola, tito/tita, pamangkin, hanggang sa mga pinsang-buo). Sa ilalim ng batas, narito ang mga restriksyon:
1. National Positions: Kung ang isang tao ay kasalukuyang nakaupo o tumatakbo sa isang pambansang pwesto (gaya ng Presidente o Senador), ang asawa at mga kamag-anak nito ay bawal sabay na humawak (simultaneously hold) ng kahit anong pambansang posisyon.
2. House of Representatives: Kung ikaw ay miyembro o tatakbo sa Kamara, ang asawa at kamag-anak mo ay bawal sumabay sa parehong legislative district.
3. Local Government: Bawal magsabay sa parehong probinsya, lungsod, o barangay ang magkakamag-anak.
Mukhang maganda dahil umabot sa mga pinsang-buo ang sakop, 'di ba? Pero ang totoo, punong-puno ito ng malalaking loopholesโpartikular ang succession at geographic loopholes.
Before we dive into these loopholes, alamin muna natin ang konteksto: ano nga ba ang isang totoong "political dynasty"?
Ayon s Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD):
"A political dynasty can be described as a family with at least two of its members securing at least one elected position in at least two elections."
Sinuportahan naman ito ng pag-aaral mula sa Ateneo School of Government (ASOG):
"Political dynasty" refers to the situation wherein members of the same family are occupying elected positions either in sequence for the same position, or simultaneously across different positions."
In short? Ang anti-political dynasty bill na ito ay hindi tuluyang nagbabawal (NOT entirely banning) sa mga dinastiya na tumakbo. Sa halip, binibigyan lang natin sila ng mga opsyon at" mere restrictions" upang maging legal at "malinis" ang kanilang dinastiya sa mata ng batas.
Sa paanong paraan ito nagiging legal? Dito na papasok ang mga loopholes:
1. The Succession Loophole
Hindi nito tuluyang ipinagbabawal ang pamilya sa politika. Ang bawal lang sa bill ay ang "SABAY-SABAY" (simultaneously hold) na pag-upo sa parehong lugar.
Halimbawa: Kung ang tatay ang Mayor ngayon, hindi pwedeng tumakbong Vice Mayor ang anak o kongresista ang pinsang-buo sa parehong lungsod o distrito.
Pero, kapag natapos na ang termino ni tatay, pwedeng-pwede pa ring tumakbo ang anak o pinsan para pumalit sa kanya bilang Mayor. Kumbaga, bawal lang silang magtabi sa pwesto sa iisang termino, pero pwedeng-pwedeng magpasa-pasa ng korona na parang salit-salitang shift sa trabaho (in sequence). Tahasang binalewala ng batas ang "temporal component" o ang elemento ng panahon na siyang nagpapanatili sa kapangyarihan ng isang pamilya.
2. Pwede sa Ibang Lugar o Ibang Posisyon (Geographical Loophole)
Ang limitasyon ng "fourth-degree ban" ay nakakulong lang sa loob ng parehong probinsya, lungsod, o distrito. Dahil dito, madali lang mag-split ng teritoryo ang malalaking pamilya upang palawigin ang kanilang kapangyarihan (simultaneously across different positions).
Halimbawa: Ang isang kapatid o pinsan ay tatakbo sa isang lungsod, samantalang ang isa naman ay lilipat ng rehistro at tatakbo sa kalapit na probinsya. O kaya naman, ang isa ay nasa National (Senador/Party-list) habang ang buong pamilya ay nakasalpak sa Local (Gobernador/Mayor). Hindi nito pinuputol ang kontrol ng iisang apelyido sa bansa; pinag-iiba lang sila ng nasasakupan.
See what the bill seeks? Ginamit lang ang katagang "Anti-Political Dynasty" para magpabango sa publiko, pero sa katotohanan, ginagawa lang nitong legal, mas organisado, at protektado ng batas ang patuloy na paghahari ng mga iisang pamilya sa Pilipinas!
References:
Anti-Political Dynasty Bill
https://docs.congress.hrep.online/legisdocs/basic_20/HB06771.pdf
Political Dynasty definition
(1)
https://cpbrd.congress.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/CN2024-04-Political-Dynasty-FINAL.pdf
(2)
https://archium.ateneo.edu/asog-pubs/101/