PCUP - DOTr Project Management Office

PCUP - DOTr Project Management Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PCUP - DOTr Project Management Office, Public & Government Service, 8th Floor Sunnymede IT Center 1614 Quezon Avenue, South Triangle, Quezon City.

A collaboration of Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) and Department of Transportation (DOTr) Project Management Office (PMO) for South Long Haul Project

๐— ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ: ๐—•๐—ฎ๐—ด ๐—ช๐—ฒ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ, ๐—จ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ! ๐Ÿ‘œโœจPatuloy na umaarangkada ang isinasaga...
02/06/2026

๐— ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ: ๐—•๐—ฎ๐—ด ๐—ช๐—ฒ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ, ๐—จ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ! ๐Ÿ‘œโœจ

Patuloy na umaarangkada ang isinasagawang Livelihood Skills Training para sa Bag Weaving na masigasig na dinaluhan ng mga Project-Affected Persons (PAPs) ng South Commuter (SC) Railway Project.

Bilang pagpapakita ng buong suporta sa interbensyong ito, personal na bumaba at nakibahagi si PCUP Chairperson at CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales upang siguruhin na ang mga programa ng ahensya ay tunay na naghahatid ng konkretong oportunidad para sa mga maralitang tagalungsod.

Higit pa sa simpleng pagbabahagi ng kaalaman sa paghabi, ang programang ito ay may kalakip na pormal na assessment kung saan ang mga papasa ay bibigyan ng direktang oportunidad na makapagtrabaho sa ilalim ng ating bag manufacturer.

Tinitiyak ng inisyatibong ito sa ilalim ng Cottage Industry na ang mga ipinagkakaloob na alternative livelihood interventions ay hindi natatapos sa mismong araw ng training, kundi magreresulta sa isang tuluy-tuloy at pangmatagalang pagkakakitaan para sa mga apektadong pamilya. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ


๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—ข๐—ช: Monthly Coordination Meeting for the South Long Haul (SLH) Railway Project! ๐Ÿš„๐ŸคQUEZON CITY โ€” Pinangungunah...
02/06/2026

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—ข๐—ช: Monthly Coordination Meeting for the South Long Haul (SLH) Railway Project! ๐Ÿš„๐Ÿค

QUEZON CITY โ€” Pinangungunahan ngayon ng PCUP-DOTr PMO ang isinasagawang Monthly Coordination Meeting kasama ang iba't ibang katuwang na ahensya ng gobyerno.

Kasalukuyang dinaluhan ang pagpupulong na ito ng mga pangunahing kinatawan mula sa Department of Transportation (DOTr), Philippine National Railways (PNR), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at National Housing Authority (NHA) mula sa Batangas-Quezon at Laguna Districts.

Pangunahing layunin ng gawain na ito na mailatag ang mga pinakabagong implementation updates, komprehensibong status reports, at mga isyung kinakaharap sa ground operations upang mabigyan ng agarang solusyon.

Masusing tinatalakay rin ng bawat ahensya ang kani-kanilang mga nakalatag na aktibidad at work plans upang masiguro ang maayos na timeline synchronization ng buong proyekto.

Sa ilalim ng patuloy na direktiba ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales, nananatiling nakatutok ang ahensya sa pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng mga sektor upang matiyak ang maayos na transisyon at kapakanan ng ating mga apektadong pamilya. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ


๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—œ ๐—”๐—ง ๐— ๐—จ๐—ก๐—ง๐—œ๐—ก๐—Ÿ๐—จ๐—ฃ๐—” โ€” Sa pagtatapos ng unang buwan ng implementasyon ng Joint Livelihood Needs Assessment (LNA) para sa...
23/05/2026

๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—œ ๐—”๐—ง ๐— ๐—จ๐—ก๐—ง๐—œ๐—ก๐—Ÿ๐—จ๐—ฃ๐—” โ€” Sa pagtatapos ng unang buwan ng implementasyon ng Joint Livelihood Needs Assessment (LNA) para sa South Commuter (SC) Railway Project, umabot na sa kabuuang 645 na Project-Affected Persons (PAPs) ang matagumpay na nasuri ng PCUP-DOTr PMO.

Naging posible ang tagumpay na ito dahil sa walang patid na ground operations ng Komisyon, kung saan umabit sa kabuuang 351 na PAPs ang nakonsulta noong ika-4, 6, at 7 ng Mayo sa Brgys. Pio del Pilar at San Antonio sa Makati, at Brgy. Alabang sa Muntinlupa. Sinundan pa ito ng karagdang pagkonsulta mula sa Brgy. Pio del Pilar, Alabang, at Sucat noong ika-11 hanggang 14, at ika-16 ng Mayo, 2026.

Sa ilalim ng direktiba ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales, patuloy na tinitiyak ng ahensya na ang bawat hakbang ay nakabatay sa datos upang makabuo ng mga eksakto at akmang programang pangkabuhayan na direktang tutugon sa pangangailangan ng bawat apektadong pamilya. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ



๐Ÿญ,๐Ÿฏ๐Ÿณ๐Ÿฎ ๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐˜€, ๐——๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐——๐—ถ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ด๐˜‚๐—ฒ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—–๐—จ๐—ฃ-๐——๐—ข๐—ง๐—ฟ ๐—ฃ๐— ๐—ข! ๐Ÿค๐—Ÿ๐—”๐—š๐—จ๐—ก๐—” ๐—”๐—ง ๐—ค๐—จ๐—˜๐—ญ๐—ข๐—ก โ€” Matagumpay na isinagawa...
22/05/2026

๐Ÿญ,๐Ÿฏ๐Ÿณ๐Ÿฎ ๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐˜€, ๐——๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐——๐—ถ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ด๐˜‚๐—ฒ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—–๐—จ๐—ฃ-๐——๐—ข๐—ง๐—ฟ ๐—ฃ๐— ๐—ข! ๐Ÿค

๐—Ÿ๐—”๐—š๐—จ๐—ก๐—” ๐—”๐—ง ๐—ค๐—จ๐—˜๐—ญ๐—ข๐—ก โ€” Matagumpay na isinagawa ng PCUP-DOTr PMO ang serye ng Community Consultations and Dialogues (CCD) noong ika-6 hanggang 15 ng Mayo, 2026. Ang aktibidad na ito ay naglalayong personal na abutin at ihanda ang mga Project-Affected Persons (PAPs) ng DOTr-PNR South Long Haul (SLH) Railway Project para sa mga nalalapit na livelihood skills trainings.

Naging katuwang sa aktibidad ang National Housing Authority (NHA) at mga Local Government Units (LGUs) na nagbahagi ng mga naging resulta at oryentasyon ukol sa tatlong (3) napiling soft at hard livelihood skills na akma sa pangangailangan ng bawat komunidad. Pinuri naman ng NHA at mga LGU ang inisyatibong ito bilang isang mahalagang hakbang tungo sa mas matibay na koordinasyon at kooperasyon para sa relokasyon at pagpapabuti ng kabuhayan ng mga benepisyaryo.

Sa pamamagitan ng masigasig na ugnayan sa ibaba, matagumpay na natipon ng ahensya ang kabuuang 1,372 na PAPs mula sa mga sumusunod na prayoridad na barangay:

๐Ÿ“ San Pablo City, Laguna
๐Ÿ‘ฅ Sta. Ana (100 PAPs)

๐Ÿ“ Candelaria, Quezon
๐Ÿ‘ฅ Malabanban Sur (372 PAPs)
๐Ÿ‘ฅ Malabanban Norte (300 PAPs)
๐Ÿ‘ฅ Mangilag Sur (100 PAPs)
๐Ÿ‘ฅ San Andres (100 PAPs)

๐Ÿ“ Pagbilao, Quezon
๐Ÿ‘ฅ Ibabang Palsabangon (100 PAPs)
๐Ÿ‘ฅ Binahaan (100 PAPs)
๐Ÿ‘ฅ Alupaye (100 PAPs)
๐Ÿ‘ฅ Mapagong (100 PAPs)

Sa ilalim ng patuloy na direktiba ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales at bilang pagsusulong sa adhikain ng ALPAS Program (Access, Livelihood, Pabahay at Lupa, Agrikultura, at Sustainability), patuloy na nakikipagtulungan ang ahensya sa iba't ibang sektor. Tinitiyak nito na ang mga programang pangkabuhayan ay inklusibo, nakabatay sa tunay na sitwasyon ng komunidad, at epektibong tutugon sa pangangailangan ng mga maralitang tagalungsod tungo sa mas matatag na kinabukasan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ



๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐Ÿฏ,๐Ÿฐ๐Ÿณ๐Ÿฎ ๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐˜€, ๐—œ๐—ป๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—–๐—จ๐—ฃ-๐——๐—ข๐—ง๐—ฟ ๐—ฃ๐— ๐—ข ๐Ÿค๐—Ÿ๐—”๐—š๐—จ๐—ก๐—” ๐—”๐—ง ๐—ค๐—จ๐—˜๐—ญ๐—ข๐—ก โ€” Bil...
06/05/2026

๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐Ÿฏ,๐Ÿฐ๐Ÿณ๐Ÿฎ ๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐˜€, ๐—œ๐—ป๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—–๐—จ๐—ฃ-๐——๐—ข๐—ง๐—ฟ ๐—ฃ๐— ๐—ข ๐Ÿค

๐—Ÿ๐—”๐—š๐—จ๐—ก๐—” ๐—”๐—ง ๐—ค๐—จ๐—˜๐—ญ๐—ข๐—ก โ€” Bilang paghahanda sa paghahatid ng mga akmang programang pangkabuhayan, matagumpay na nakipag-ugnayan ang PCUP-DOTr PMO sa mga lokal na opisyal ng barangay sa Lungsod ng San Pablo, Laguna, gayundin sa Lungsod ng Lucena at mga munisipalidad ng Tiaong, Candelaria, Sariaya, at Pagbilao sa lalawigan ng Quezon.

Pinangunahan ng ahensya ang isang coordination meeting upang ilatag ang mga hakbang para sa nalalapit na Community Consultation and Dialogues (CCD). Nakatuon ang pulong na ito sa ipatutupad na livelihood skills training na naglalayong tulungan at bigyan ng sapat na kakayahan ang aabot sa 3,472 na Project-Affected Persons (PAPs) ng DOTr-PNR South Long Haul (SLH) Railway Project.

Sa ilalim ng patuloy na direktiba ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales, layunin ng inisyatibong ito na mas mapatibay ang koordinasyon sa pagitan ng pamahalaang nasyonal at lokal. Sa pamamagitan nito, masisiguro ang maayos na implementasyon ng mga aktibidad at matitiyak na malinaw na maipararating sa mga benepisyaryo ang mga impormasyon ukol sa mga nakalaang tulong pangkabuhayan para sa kanila. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ



๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—” ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—œ โ€” Bilang pagpapatuloy ng Joint Livelihood Needs Assessment (LNA) para sa South Commuter Railway (SCR) P...
06/05/2026

๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—” ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—œ โ€” Bilang pagpapatuloy ng Joint Livelihood Needs Assessment (LNA) para sa South Commuter Railway (SCR) Project, nasa 120 na Project-Affected Persons (PAPs) naman mula sa Brgys. 628, 629, 630, 472, at 473 ng Manila City at Brgy. Pio Del Pilar ng Makati City ang kinunsulta ng PCUP-DOTr PMO mula ika-27 hanggang 30 ng Abril, 2026. Bunsod nito, umaabot na sa kabuuang 294 na PAPs ang matagumpay na nasuri ng ahensya simula noong nakaraang linggo.

Sa patuloy na direktiba ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales na siguruhin ang paghahatid ng programang nakabatay sa datos, tuluy-tuloy ang pagbaba ng ahensya sa komunidad upang personal na tukuyin ang mga tunay na pangangailangan ng mga apektadong pamilya.

Sa pamamagitan ng masusing balidasyon ng kanilang kasalukuyang kasanayan, edukasyon, at kalagayang sosyo-ekonomiko sa iba't ibang barangay, mas mapapatibay ng ahensya ang pagtugon nito sa mga livelihood gaps. Layunin nitong makabuo ng mga eksakto at akmang programa upang maiwasan ang pagbibigay ng hindi tugmang tulong pangkabuhayan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ


๐—Ÿ๐—”๐—š๐—จ๐—ก๐—” ๐—”๐—ง ๐—ค๐—จ๐—˜๐—ญ๐—ข๐—ก โ€” Upang masiguro na ang mga programang pangkabuhayan ay nakabatay sa tunay na kalagayan ng komunidad, n...
06/05/2026

๐—Ÿ๐—”๐—š๐—จ๐—ก๐—” ๐—”๐—ง ๐—ค๐—จ๐—˜๐—ญ๐—ข๐—ก โ€” Upang masiguro na ang mga programang pangkabuhayan ay nakabatay sa tunay na kalagayan ng komunidad, nagsagawa ng initial ground research ang PCUP-DOTr PMO sa tatlo mula sa anim na priority LGUs ng DOTr-PNR SLH Railway Project mula ika-27 hanggang 30 ng Abril, 2026.

Sa patuloy na direktiba ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales na maghatid ng serbisyong nakasentro sa tao, matagumpay na nakipag-ugnayan ang ahensya sa City Planning and Development Office (CPDO) at City Urban Development and Housing Office (CUDHO) ng San Pablo City, gayundin sa mga Municipal Planning and Development Coordinators (MPDC) ng Tiaong at Candelaria. Ang pangunahing layunin ng pagbisitang ito ay ang maikasa ang koordinasyon para sa magkatuwang na pagsasagawa ng Social Assessment Report (SAR) at pagbuo ng Strategic Communication Plan.

Bumaba rin ang ahensya sa komunidad upang bisitahin at kapanayamin ang ilang piling pre-relocation at post-relocation Project-Affected Persons (PAPs). Sa pamamagitan ng pagkuha sa kanilang mga kwento at batayang datos sosyo-ekonomiko, tinitiyak na tunay na nauunawaan ng gobyerno ang kanilang karanasan at mga pangangailangan sa kabuhayan mula mismo sa ibaba.

Bilang karugtong ng naunang isinagawang resource mapping ng PMO, ang mga hakbang na ito sa pagbuo ng SAR at communication plan ay isasagawa kasabay ng nakatakdang Community Consultation and Dialogue (CCD) upang masiguro ang isang kolaboratibo, malinaw, at tumutugon na proseso para sa lahat ng apektadong pamilya. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ



๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ผ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป! ๐ŸŒฑ๐Ÿ…๐—ค๐—จ๐—˜๐—ญ๐—ข๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ โ€” Upang isulong ang food security at magbukas ng karagdagang ...
28/04/2026

๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ผ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป! ๐ŸŒฑ๐Ÿ…

๐—ค๐—จ๐—˜๐—ญ๐—ข๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ โ€” Upang isulong ang food security at magbukas ng karagdagang kabuhayan sa mga resettlement sites ng DOTr, nakipagpulong ang PCUP-DOTr PMO sa East-West Seed Foundation.

Sa patuloy na direktiba ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales na maghatid ng de-kalidad na mga programa, tinalakay sa paunang usapan ang mga inisyatibo para sa agriculture at urban farming.

Tampok sa nasabing pulong ang konseptong "Gulayamanan," kung saan sa pamamagitan ng posibleng partnership na ito ay layunin ng ahensya na tulungan ang mga Project-Affected Persons (PAPs) sa pagtatayo ng mga vegetable gardens sa kanilang komunidad bilang tuluy-tuloy na mapagkukunan ng masustansyang pagkain at dagdag na pagkakakitaan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ



๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—” ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ โ€” Nagtapos ang unang linggo na umabot sa 174 na Project-Affected Persons (PAPs) ng South Commuter Railway (S...
27/04/2026

๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—” ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ โ€” Nagtapos ang unang linggo na umabot sa 174 na Project-Affected Persons (PAPs) ng South Commuter Railway (SCR) Project mula sa Brgy. 348 at 349 ang sumailalim sa Joint Livelihood Needs Assessment (LNA) ng PCUP-DOTr PMO noong ika-20, 22, at 23 ng Abril, 2026.

Sa patuloy na direktiba ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales na maghatid ng programang nakabatay sa datos, personal na kinunsulta ang komunidad upang tukuyin ang kanilang mga tunay na pangangailangan.

Sa pamamagitan ng balidasyon ng kanilang kasalukuyang kasanayan, edukasyon, at kalagayang sosyo-ekonomiko, matutukoy ng ahensya ang mga livelihood gaps upang makabuo ng mga eksakto at akmang programa (targeted interventions) na makakaiwas sa mismatch sa ibibigay na tulong pangkabuhayan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ



๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป! ๐Ÿญ,๐Ÿฐ๐Ÿต๐Ÿฐ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐˜€, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฆ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—น๐˜€ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด! ๐Ÿ“๐Ÿค๐—Ÿ๐—”๐—š๐—จ๐—ก๐—” ๐—”๐—ง ๐—ค๐—จ๐—˜๐—ญ๐—ข๐—ก โ€” Is...
23/04/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป! ๐Ÿญ,๐Ÿฐ๐Ÿต๐Ÿฐ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐˜€, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฆ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—น๐˜€ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด! ๐Ÿ“๐Ÿค

๐—Ÿ๐—”๐—š๐—จ๐—ก๐—” ๐—”๐—ง ๐—ค๐—จ๐—˜๐—ญ๐—ข๐—ก โ€” Isang malaking hakbang tungo sa pag-asenso ang ginawa ng mga Project-Affected Persons (PAPs) ng PNR South Long Haul (SLH) Project matapos silang matagumpay na magpatala sa isinagawang Coordination and Pre-registration Activity noong ika-13 hanggang 17 ng Abril, 2026.

Sa patuloy na direktiba ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales na siguruhin ang matatag at pangmatagalang kabuhayan ng mga komunidad, bumaba ang PCUP-DOTr PMO sa mga komunidad upang ilapit ang mga programa ng gobyerno.

Mainit ang naging pagtugon ng mga mamamayan, na nagresulta sa pagpapatala ng kabuuang 1,494 na indibidwal na nagnanais matuto ng bagong kasanayan:
โœ… San Pablo City: 184 registrants
โœ… Tiaong: 148 registrants
โœ… Candelaria at Sariaya: 758 registrants
โœ… Lucena City: 404 registrants

Ang listahang ito ay magsisilbing gabay para sa nalalapit na serye ng mga Community Consultation and Dialogue. Sa pamamagitan ng pamamaraang nakasentro sa tao, nabibigyang-tinig ang mga PAPs upang aktibong makibahagi at makapamili ng angkop na mga pagsasanay/skills training na hindi lamang naaayon sa kanilang interes, kundi tugma rin sa aktwal na pangangailangan ng merkado at industriya sa kanilang komunidad.

Naniniwala ang PCUP na ang tunay na pag-unlad ay nakaugat sa pagbibigay ng sapat na kasanayan at oportunidad upang ang bawat maralitang tagalungsod ay makatayo sa sariling paa. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ



Address

8th Floor Sunnymede IT Center 1614 Quezon Avenue, South Triangle
Quezon City
1103

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PCUP - DOTr Project Management Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share