14/05/2026
TINGNAN: MGA PULIS SA SENADO, SAGLIT NA NAGPAHINGA HABANG TULOY ANG PAGBABANTAY SA SEGURIDAD
PASAY CITY β Matapos ang mahabang oras ng deployment at pagbabantay sa paligid ng Senado, ilan sa kapulisan na naka-duty ay pansamantalang nagpahinga upang makabawi ng lakas habang nagpapatuloy ang kanilang seguridad at peacekeeping operations sa lugar.
Makikita sa ilang larawan na may mga pulis na napasandal muna sa puno, habang ang iba naman ay sa mismong pwesto nila nagpahinga matapos ang matagal na pagbabantay at pagtitiyak ng kaayusan sa lugar.
Sa kabila ng pagod at puyat, nanatili pa ring alerto ang ibang mga kapulisan upang tiyakin ang seguridad, kaligtasan, at kaayusan sa paligid ng Senado lalo na matapos ang mga aktibidad at kilos protesta sa lugar.
Ipinapakita lamang nito ang sakripisyo, dedikasyon, at serbisyo ng mga pulis na patuloy na nakaantabay sa lansangan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan kahit pa kapalit nito ang mahabang oras ng duty at limitadong pahinga.
Sa ilalim ng pamumuno ni PGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR. at PMGEN ANTHONY A ABERIN, patuloy ang Philippine National Police at NCRPO sa pagpapatupad ng seguridad at pagpapanatili ng kaayusan sa Metro Manila habang sinisiguro ang maayos at disiplinadong police presence sa mga mahahalagang lugar.
βBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.β
Photos Courtesy: RMFB NCRPO PNN Correspondent: PCMS Ruiz / Pat Siobal
Disclaimer:
Ang post na ito ay para lamang sa public awareness at pagpapakita ng aktwal na sitwasyon ng deployment ng kapulisan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.