05/06/2026
HB 9584: Revised Cooperative Code of the Philippines Advances in the House
Isang mahalagang hakbang para sa kooperatiba ang muling naisulong sa House of Representatives.
Ang House Bill No. 9584, o ang "An Act Providing for the Revised Cooperative Code of the Philippines," sa ilalim ng Committee Report No. 417, ay pinagsama-samang walong (8) panukalang batas na inihain ng iba't ibang Kinatawan sa 20th Congress upang i-update at palakasin ang umiiral na Cooperative Code ng bansa.
Matagumpay nang naipasa ng panukalang batas ang Second Reading sa House of Representatives. Sa plenaryo, ipinagtanggol ni Cong. Emon Espares ang panukalang batas sa panahon ng sponsorship, debates, at amendments, kung saan binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng mga kooperatiba sa pagsusulong ng inclusive growth, financial inclusion, at sustainable community development.
Taos-puso nating pinupugayan at pinasasalamatan ang mga cooperative leaders, officers,practitioners, at advocates mula sa iba't ibang panig ng bansa na nagbahagi ng kanilang panahon, kaalaman, karanasan, at expertise sa serye ng Technical Working Group (TWG) meetings. Ang inyong mga rekomendasyon, position papers, at written manifestations ay naging mahalagang bahagi sa paghubog ng panukalang batas na ito.
Ang HB 9584 ay isang patunay na kapag sama-samang kumikilos ang sektor ng kooperatiba at ang pamahalaan, mas makakalikha tayo ng mga polisiya at batas na tunay na tumutugon sa pangangailangan ng mga kooperatiba sa mabilis na nagbabagong panahon.
Patuloy nating isulong ang isang mas matatag, mas makabago, at mas inklusibong cooperative sector para sa kapakinabangan ng ating mga miyembro at ng sambayanang Pilipino.
Maraming salamat sa buong kilusang kooperatiba. Ang tagumpay na ito ay tagumpay nating lahat.