04/03/2026
πΌπ£π π½ππππ© π£π ππ¨ππ£π πππ‘ππ©ππ£π πππππ‘ππ£π π½ππ£ππππ©ππ£
βAng kabataan ang pag-asa ng bayan.β
-Jose Rizal
Bilang isang estudyante, madalas ko itong marinig. Paulit-ulit. Sa silid pag nasa klase, nakasulat sa mga aklat, binabanggit sa bawat programa.. Ngunit habang tumatagal, mas lumalalim ang tanong sa isip ko, na pag-asa pa ba talaga kami, o inaasahan lang kaming maging matatag kahit pagod na?
Sa panahon ngayon, maraming kabataan ang tahimik na nauubos. Nauubos sa pressure na maging honor student, maging aktibo, maging βmaayos.β Nauubos sa sistemang minsan mas inuuna ang mataas na marka kaysa tunay na pag Unawa. May mga estudyanteng pumapasok sa paaralan na bitbit ang mabibigat na suliranin na problema sa pamilya, sa sarili, sa kinabukasan ngunit kailangan pa ring magpatuloy dahil kami raw ang pag-asa.
Masakit isipin na ang salitang βpag-asaβ ay tila naging responsibilidad na basta na lang ipinapasa. Ngunit marahil hindi lamang ito papuri. Isa itong hamon. Isang paalala na ang pag-asa ay hindi titulo na isinusuot, ito ay tungkuling pinipili araw-araw.
Hindi sapat na tawagin tayong pag-asa. Kailangan nating maging mulat, maging mapanuri, at magkaroon ng paninindigan. Kailangan nating pahalagahan ang edukasyon hindi lang para sa diploma, kundi para sa katotohanan at pagbabago.
Habang nakatayo sa harap ng rebulto, tila may paalala itong hindi nawawala: Ang pag-asa ng bayan ay hindi basta ibinibigay. Ito ay pinaghahandaan, pinaghihirapan, at pinaninindigan.
Kaya ang tanong ngayon, paano tayo magiging pag-asa, hindi lamang sa salita, kundi sa gawa?..