PNP QCPD Police Station 11 Galas

PNP QCPD Police Station 11 Galas To serve and Protect

07/08/2026

₱1-BILYONG KONTRABANDO, DROGA AT MGA WANTED PERSONS, TIMBOG SA PNP



CAMP CRAME — Malaking tagumpay ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa buong buwan ng Hulyo 2026 matapos ang sunod-sunod na operasyon laban sa ilegal na droga, smuggling, at mga wanted persons.

Sa ulat ng PNP, 8,199 wanted persons ang naaresto sa iba't ibang panig ng bansa, kabilang ang 2,352 Most Wanted Persons at 5,847 Other Wanted Persons.

Kasabay nito, nagsagawa ang PNP ng 5,526 anti-illegal drug operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 6,368 drug personalities at pagkakasamsam ng ilegal na droga na may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na mahigit ₱387.1 milyon. Kabilang sa mga nakumpiska ang hinihinalang shabu, ma*****na, kush, co***ne, at ecstasy.

Sa kampanya naman laban sa smuggling at iba pang economic crimes, umabot sa 2,927 operasyon ang isinagawa na nagbunga ng pagkakaaresto sa 656 indibidwal at pagkakasamsam ng humigit-kumulang ₱628 milyong halaga ng mga hinihinalang smuggled, counterfeit, at iba pang iligal na produkto.

Alinsunod ito sa PNP Focused Agenda ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., partikular sa Enhanced Managing Police Operations (EMPO), na naglalayong paigtingin ang intelligence-driven operations laban sa kriminalidad, ilegal na droga, at economic crimes sa buong bansa.

Patuloy namang nananawagan ang PNP sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mapagkakatiwalaang impormasyon upang higit pang mapalakas ang kampanya laban sa mga lumalabag sa batas.

Source: PNP Public Information Office (PNP-PIO)




07/08/2026

SUSPEK SA PAMAMARIL, TIMBOG SA LOOB LANG NG 3 ORAS!


Camp Olivas, Pampanga — Wala pang tatlong oras matapos ang isang insidente ng pamamaril sa Baliwag City, Bulacan, agad na naaresto ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang hinihinalang suspek sa pamamagitan ng mabilis na follow-up investigation at hot pursuit operation.

Naganap ang insidente noong umaga ng August 2, 2026, kung saan nasawi ang isang 80-anyos na lalaki matapos barilin ng hindi pa pinapangalanang suspek na agad tumakas sakay ng motorsiklo.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa pamamagitan ng pangangalap ng pahayag ng mga saksi, pagrepaso sa CCTV footage, at pagsusuri ng mga ebidensya. Dahil sa mabilis na koordinasyon ng iba't ibang police units, natunton at naaresto ang suspek sa loob lamang ng tatlong oras.

Narekober sa operasyon ang isang 9mm pistol, motorsiklong pinaniniwalaang ginamit sa pagtakas, mga bala, at iba pang ebidensiyang sasailalim sa forensic examination bilang bahagi ng patuloy na imbestigasyon.

Pinuri ni PRO3 Regional Director PBGEN Jess B. Mendez ang mabilis na pagkilos ng mga operatiba. Ayon sa kanya, mahalaga ang agarang pagtugon sa bawat impormasyon upang hindi makalayo ang mga sangkot sa krimen.

Dagdag ni PBGen Mendez, patuloy na ipinatutupad ng PRO3 ang PNP Focused Agenda ni PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., na nagbibigay-diin sa mabilis, mahusay, at evidence-based na imbestigasyon upang maihatid ang "Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman."

Courtesy: Police Regional Office 3




07/08/2026
07/08/2026
07/08/2026

HIMAS REHAS TOP 2, TOP 3 AT TOP 8 MOST WANTED NG EPD



PASIG/MARIKINA CITY — Sunod-sunod na tagumpay ang naitala ng Eastern Police District (EPD) matapos maaresto ang Top 2, Top 3, at Top 8 Most Wanted Persons sa magkakahiwalay na manhunt operations sa Pasig at Marikina City.

Isinagawa ng mga operatiba ng District Mobile Force Battalion, Pasig City Police Station, at Marikina City Police Station ang mga operasyon sa bisa ng mga warrant of arrest na inilabas ng mga hukuman. Ang mga suspek ay nahaharap sa iba't ibang kasong may kaugnayan sa r**e, statutory r**e, sexual assault, at paglabag sa Republic Act No. 7610.

Matapos ang kanilang pagkakaaresto, isinailalim ang mga suspek sa standard medical examination bago inilagay sa kustodiya ng pulisya habang hinihintay ang kaukulang utos ng korte.

Pinuri ni PBGEN Melecio Maddatu Buslig Jr. Acting District Director, Eastern Police District, ang matagumpay na operasyon at muling tiniyak ang patuloy na kampanya ng EPD laban sa mga wanted person, lalo na sa mga sangkot sa krimen laban sa kababaihan at kabataan.

Ang mga operasyong ito ay isinagawa alinsunod sa PNP Focused Agenda ni Chief PNP PGEN JOSE MELENCIO C. NARTATEZ JR. at sa Triple A Policy Framework (Able, Active, Allied) ni NCRPO Regional Director PMGEN ANTHONY A. ABERIN, bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Metro East.

Courtesy: Eastern Police District NCRPO





07/08/2026

23 ARESTADO, HIGIT ₱1.7-M SHABU TIMBOG SA SUNOD-SUNOD NA OPERASYON NG PRO-6


WESTERN VISAYAS — Umabot sa 23 katao ang naaresto habang mahigit ₱1.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Police Regional Office 6 (PRO-6) sa magkakahiwalay na operasyon laban sa ilegal na droga at mga wanted person mula 6:00 a.m. ng Agosto 4 hanggang 5:59 a.m. ng Agosto 5, 2026.

Sa siyam na anti-illegal drug operations, 12 drug suspects ang naaresto. Kabilang dito ang anim sa Iloilo City, dalawa sa Iloilo Province, at isa sa Capiz. Nakumpiska rin ang humigit-kumulang 252 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na ₱1,713,600.

Samantala, sa pinaigting na manhunt operations ng PRO-6, 11 wanted persons ang nadakip. Kabilang sa mga ito ang anim na Municipal-Level Top 10 Most Wanted Persons at limang iba pang wanted na indibidwal. Isinagawa ang mga pag-aresto sa Antique, Iloilo Province, at Iloilo City.

Pinuri ni PRO-6 Acting Regional Director PBGEN Randulf Tuaño ang mga operating units sa kanilang patuloy na pagsisikap laban sa kriminalidad. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Ang matagumpay na operasyon ay kaakibat ng direktiba ni PNP Chief PGEN JOSE MELENCIO C. NARTATEZ JR. na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at tugisin ang mga wanted persons sa ilalim ng PNP Focused Agenda at ng programang "Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman."

Ayon sa PRO-6, magpapatuloy ang kanilang mas pinaigting na kampanya upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko.

Sources:
•PTV News
•Police Regional Office 6 (PRO-6)
•Ryan Lesigues

Social Media Card via: Alderson Ras



Isang pagbati ng Maligayang Kaarawan mula sa Galas Police Station sa ating butihing Hon. John M Reyno, Punong Barangay, ...
07/08/2026

Isang pagbati ng Maligayang Kaarawan mula sa Galas Police Station sa ating butihing Hon. John M Reyno, Punong Barangay, Barangay San Isidro Galas, Quezon City.

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusigan, kaligayahan, tagumpay, at gabay sa inyong paglilingkod.

07/08/2026

Address

Unang Hakbang Street Corner Luzon Avenue, Brgy. San Isidro, Galas
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP QCPD Police Station 11 Galas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category