OSCA QC

OSCA QC OFFICE FOR THE SENIOR CITIZENS' AFFAIRS QUEZON CITY - OFFICIAL
(1)

13/05/2026

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข ๐Ÿ“ข

Ipinapaalam ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) na pansamantalang hindi matatawagan ang landline ng aming Central Office dahil sa isinasagawang ๐˜€๐˜†๐˜€๐˜๐—ฒ๐—บ ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ.

Para sa agarang tulong o katanungan, mangyaring tawagan kami sa mobile number na ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿฒ๐Ÿฎ-๐Ÿฎ๐Ÿณ๐Ÿฐ๐Ÿฏ-๐Ÿฒ๐Ÿฎ๐Ÿฎ o mag-email sa ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฐ๐˜@๐—ป๐—ฐ๐˜€๐—ฐ.๐—ด๐—ผ๐˜ƒ.๐—ฝ๐—ต.

Muli naming ipinababatid na ang Central Office ay opisyal nang lumipat sa 20th Floor mula sa 29th Floor ng The Upper Class Tower, Quezon Ave. corner Scout Reyes, Bgy. Paligsahan, District 4, Quezon City.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pag-unawa at kooperasyon.

PAHAYAG NG PAMAHALAANG LUNGSOD QUEZON Kaugnay ng isang ulat tungkol sa panlilinlang o modus na target ang mga senior cit...
11/04/2026

PAHAYAG NG PAMAHALAANG LUNGSOD QUEZON

Kaugnay ng isang ulat tungkol sa panlilinlang o modus na target ang mga senior citizen, mariing pinapaalalahanan ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang ating mga nakatatanda na mag-ingat at maging mapanuri.

Hinihikayat ang ating mga senior citizen na huwag basta-basta magbubukas ng pinto o magpapapasok ng mga hindi kilalang tao sa kanilang tahanan. Mahalaga ang kaligtasan, kayaโ€™t makabubuting tiyakin muna ang pagkakakilanlan ng sinumang kumakatok o umiikot sa inyong komunidad.

Nililinaw rin ng lokal na pamahalaan na HINDI ito namamahagi ng birthday cake. Sa halip, ang ibinibigay ng lungsod ay BIRTHDAY PACKAGES na naglalaman ng mga pangunahing grocery items tulad ng gatas, pasta at sauce bundle, biscuit, at iba pang produktong makatutulong sa kalusugan ng ating mga lolo at lola.

Ang mga birthday package na ito ay ipinapamahagi buwan-buwan sa pamamagitan ng ating mga barangay, batay sa opisyal na listahan ng QCitizens na may senior citizen ID. Nagtatalaga ang bawat barangay ng schedule kung kailan maaaring makuha ng mga benepisyaryo o ng kanilang kinatawan ang nasabing package.

Para naman sa mga bed-ridden o may limitadong kakayahang lumabas ng tahanan, ang mga birthday package ay direktang inihahatid sa kanilang bahay.

Para sa karagdagang impormasyon, hinihikayat ang publiko na bisitahin at sundan ang opisyal na communication channels ng Pamahalaang Lungsod Quezon at ng kani-kanilang barangay, tulad ng pages at website. Kung may katanungan sa mga programa at serbisyo ng pamahalaan, maaari ring tumawag sa QC Helpline 122.

Sa ating mga minamahal na QCitizen na lolo at lola, patuloy po kayong mag-ingat. May mga indibidwal na maaaring manamantala sa inyong kalagayan. Sa mga kaanak, hinihiling namin ang inyong pakikiisa sa patuloy na pagpapaalala sa ating mga nakatatanda tungkol sa kanilang kaligtasan.

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 116 mula sa Malacaรฑang, ipatutupad ang work-from-home arrangement mula 8:00 AM hang...
31/03/2026

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 116 mula sa Malacaรฑang, ipatutupad ang work-from-home arrangement mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN para sa mga kawani ng Quezon City Government bukas, April 1, 2026 (Miyerkules). Simula 12:00 NN, suspendido na ang pasok sa mga tanggapan.

Gayunpaman, tuloy ang operasyon ng mga ahensya ng gobyerno na naghahatid ng serbisyong medikal, disaster at emergency response, at iba pang vital services.

Hinihikayat ang lahat na gamitin ang QC e-Services para sa inyong online transactions:
https://qceservices.quezoncity.gov.ph/

Para sa mga katanungan o emergency concerns, tumawag sa QC Helpline 122.

Ipinapaubaya naman sa pamunuan ng mga pribadong kumpanya at opisina ang desisyon sa pagpapatupad ng work-from-home arrangement at kung sususpendihin ang kanilang operasyon.

Tumutok lamang sa official page ng Quezon City Government para sa iba pang anunsyo.

Source:
Official Gazette of the Republic of the Philippines
https://www.officialgazette.gov.ph/2026/03/31/memorandum-circular-no-116-s-2026/

Mahalagang abiso mula sa Social Services Development Department (SSDD)Alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11982 o ang Exp...
31/03/2026

Mahalagang abiso mula sa Social Services Development Department (SSDD)

Alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11982 o ang Expanded Centenarian Law, narito ang mga benepisyong matatanggap ng mga kwalipikadong Senior Citizens.

Alamin din rito ang updated guidelines para sa mga senior citizen na nag-apply noong Calendar Year (CY) 2024, batay sa memorandum na inilabas ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) Central Office.

Para sa iba pang mga concern o katanungan, maaaring dumulog sa mga sumusunod:

Office for the Senior Citizen's Affairs (OSCA):

Ground Floor Community Center Building, Gate-3 Quezon City Hall Complex, Kalayaan Avenue, Quezon City
8-703-2843 / 8-703-9518
[email protected]
https://www.facebook.com/profile.php?id=61577955280313

Social Services Development Department (SSDD):

Building E, Mayaman Street, Quezon City Hall Compound, Quezon City
8710-1350 / 8703-6803 / 8703-2940 / 8703-3576
[email protected]

29/03/2026

PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT

Mahalagang anunsyo mula sa Social Services Development Department (SSDD)

Para sa lahat ng mga senior citizen at publiko, gagamitin na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang CBMS-generated data, alinsunod sa Republic Act No. 11315 o ang โ€œCommunity-Based Monitoring System (CBMS)โ€, upang masiguro ang pagkakakilanlan ng bawat benepisyaryo sa mga programa ng gobyerno.

Kaugnay nito, simula ngayong taon (2026) at sa mga susunod pa, ang CBMS na ang magiging basehan ng DSWD sa pagpili ng bagong mga benepisyaryo para sa programang Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC).

Samantala, kasalukuyan namang itinigil ang aplikasyon para sa Social Pension Program sa Office for Senior Citizens (OSCA), upang masiguro ang pagsunod sa mga alituntunin na itinakda ng DSWD.

Para sa iba pang impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan sa DSWD National Capital Region (NCR):

โ€ข (632) 8-93181 o 07
โ€ข Globe - 09178272543
โ€ข Smart - 09199116200
โ€ข [email protected]

Maaari ding bisitahin ang ikalawang episode ng Year 5 para sa mas komprehensibong impormasyon tungkol sa Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC) at Social Welfare Assistance for Senior CItizens.

Bisitahin ang post na ito:

๐Ÿ”— Usapang QC Year 5 Episode 2: Dagdag-Suporta Para Kina Loloโ€™t Lola!: https://www.facebook.com/share/v/187Xaws48L/

29/03/2026

๐†๐จ๐จ๐ ๐ง๐ž๐ฐ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฌ๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐œ๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐ž๐ง๐ฌ! ๐Œ๐š๐ฒ ๐ฆ๐š๐ฌ ๐ฆ๐š๐๐š๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐š๐š๐ง ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐ฎ๐ก๐š ๐ง๐  ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐’๐€ ๐œ๐ž๐ซ๐ญ๐ข๐Ÿ๐ข๐œ๐š๐ญ๐ž๐ฌ!

Ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay may mga bagong serbisyo at inobasyon sa pagkuha ng birth, marriage, at death certificates na mas mabilis, senior-friendly at walang pila!

Ngayong Biyernes, tatalakayin natin:
โœ”๏ธ Mga serbisyo ng PSA para sa seniors
โœ”๏ธ Late registration at karaniwang concerns
โœ”๏ธ Online services at e-Certificate
โœ”๏ธ Proteksyon laban sa mga scam at fixers

Pag-usapan natin yan kasama si:
๐„๐ง๐ ๐ซ. ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ณ๐ณ๐š ๐. ๐†๐ซ๐š๐ง๐๐ž
Assistant National Statistician
Civil Registration Service (CRS) ng PSA

Hosted by NCSC Chairperson & CEO Atty. Ma. Merceditas N. Gutierrezโ€ฆ ๐“๐”๐“๐Ž๐Š na sa ๐†๐จ๐ฅ๐๐ž๐ง ๐‡๐ž๐š๐ซ๐ญ: ๐๐ฎ๐ฌ๐จ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ๐ฌ sa ๐Ÿ“ป Radyo Magasin 1278AM! ๐Ÿ‘ด๐Ÿ‘ต

Huwag palampasin! Alas Dos naโ€ฆ Golden Heart na! ๐Ÿ’›
Para sa mga opisyal na mensahe at anunsyo ng NCSC, makipag-ugnayan sa pamamagitan ng:
๐Ÿ“ž (02) 8567-5646
๐Ÿ“ฒ 0962-2743-622
๐Ÿ“ง [email protected]
๐ŸŒ www.ncsc.gov.ph
โ“•

23/03/2026
PABATID SA PUBLIKO๐Ÿ“ฃSimula Abril 1, 2026, ang Philippine Identification System (PhilSys) o National ID na ang kikilalanin...
11/03/2026

PABATID SA PUBLIKO๐Ÿ“ฃ

Simula Abril 1, 2026, ang Philippine Identification System (PhilSys) o National ID na ang kikilalaning pangunahing ID ng DSWD sa payout ng Social Pension for Indigent Senior Citizens.

Ang mga benepisyaryong wala pang National ID ay hinihikayat na magparehistro sa pinakamalapit na tanggapan ng Philippine Statistics Authority (PSA). Magkakaroon din ng PhilSys registration tuwing payout para mapadali ang pagpaparehistro ng ating mga senior citizens.

Pupuntahan naman ng PSA ang mga bedridden na benepisyaryo para sila ay irehistro.

Para sa iba pang katanungan o reklamo, tumawag sa:
๐Ÿ“ฒ GLOBE: 09171105686 at 09178272543
๐Ÿ“ฒ SMART: 09199116200

o magpadala ng mensahe sa Integrated Grievance Redress Management System (IGRMS) ng DSWD sa https://i-grs.dswd.gov.ph at sagutan ang form.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Social Pension for Indigent Senior Citizens, panoorin ang video na ito: https://www.facebook.com/share/v/14YUkUzGcXk/

โค๏ธ

10/03/2026

Address

Ground Floor Community Center Building, Gate-3, Quezon City Hall Complex, Kalayaan Avenue
Quezon City
1100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OSCA QC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share