Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya

Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya, Political organisation, NCPAG Student Lounge, NCPAG, RP De Guzman Street, UP Diliman, Quezon City.

Ang Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya (SANDIGAN-NCPAG) ay ang bagong tunay, palaban, at makabayang partido ng mga militanteng Lingkod-Bayan mula sa Pambansang Dalubhasaan ng Administrasyong Pangmadla at Pamamahala, UP Diliman.

  |   Call for Donations and VolunteersIn light of the southwest moonson, the Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Dem...
17/08/2026

| Call for Donations and Volunteers

In light of the southwest moonson, the Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya (SANDIGAN-NCPAG) and the UP Diliman University Student Council (UPD USC) is calling for donations for those affected in the Brgy. UP Campus area and nearby areas.

For UPD students, you may refer to your local college council for urgent needs, or access the sensing form for organized by the UPD USC: https://tinyurl.com/IskoOpsHabagatPHSensing

Transparency report for Donations may be accessed through this link:
๐Ÿ”— https://tinyurl.com/IskoOpsHabagatPHDonations

IskoOps will start tomorrow, August 18. The operations tomorrow will be specifically for the distribution of hot meals in our communities. The next days will be dedicated to packing and distributing relief packs.

For those who would like to be part of the IskoOps Team, you may join through the link below:
๐Ÿ”— https://tinyurl.com/IskoOpsVolunteersCoordGC

Noong ika-13 ng Agosto, tinangkang arestuhin ng kapulisan sina Jerome Adonis, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno, at Jacq ...
17/08/2026

Noong ika-13 ng Agosto, tinangkang arestuhin ng kapulisan sina Jerome Adonis, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno, at Jacq Ruiz, tagapagsalita ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan, sa mga gawa-gawang kaso ng paglabag umano sa Artikulo 153 ng Revised Penal Code na isinampa bunsod ng isinagawang kilos-protesta noong Mayo Uno. Higit na kataka-taka ang kaso lalo naโ€™t ibinasura na ng piskal ang mga naunang reklamo sa kakulangan ng sapat na ebidensiya. Wala ring naging umanong maayos na paunang imbestigasyon bago isinulong ang kaso at inilabas ang arrest warrant.

Mariing kinokondena ng SANDIGAN ang pagtatangkang gamitin ang batas upang gipitin ang mga lider-manggagawang kapwa tagapagtaguyod at tagapagtanggol ng demokratikong karapatan ng mamamayan. Sa halip na tutukan at tugunan ang lumalalang kalagayan at mga panawagan ng mga tagapaglikha ng yaman, gaya ng pagtaguyod sa nakabubuhay na buwanang pasahod, trabahong naaangkop sa kanilang kakayahan, seguridad sa paggawa, tunay na reporma sa lupa, at ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin, mas inuuna pa ng PNP at ni Marcos Jr. na supilin ang sinumang maglakas-loob na mag-organisa at kumilos.

Pilit man ipinagmumukhang kalaban ang mga lider-manggagawa sa mata ng mamamayan, hindi nito matatakpan ang lantad nang katotohanang si Marcos Jr. ang tunay na kalaban ng masang Pilipino sa patuloy niyang pagkiling sa mga malalaking negosyante at sa amo nitong U.S., na isinusulong ang Pax Silica, na pagsasamantalahin lamang ang likas na yaman at murang paggawa ng bansa para sa makinaryang pandigma nito laban sa Iran, sa halip na pagtuunan ang kapakanan ng lipunang pinaglilingkuran.

Kaya mga lingkod-bayan, halinaโ€™t sumanib sa malawak na hanay ng uring manggagawa at masang anakpawis, labanan ang pasistang makinarya ng U.S.-Marcos Jr., at itatag ang gobyernong tunay na naglilingkod tungo at para sa masa. Wala tayong maaasahang manunubos kung โ€˜di ang sariling pagkilos!

HANDS OFF JEROME ADONIS!
HANDS OFF JACQ RUIZ!
HANDS OFF FILIPINO WORKERS!


SA GITNA NG KRISIS AT SAKUNA: LUPA SA MAGSASAKA, HINDI SA PAX SILICA!Unang linggo ng pang-akademikong taong 2026-2027 su...
11/08/2026

SA GITNA NG KRISIS AT SAKUNA: LUPA SA MAGSASAKA, HINDI SA PAX SILICA!

Unang linggo ng pang-akademikong taong 2026-2027 subalit sakuna at kalamidad ang sumalubong sa mga Iskolar ng Bayan. Hindi man bago ang taunang pag-ulan sa komunidad ng UP, ngunit sa bawat taong lumilipas ay nararanasan natin ang paglala ng mga ito.

Habang patuloy ang pagbaha sa ibaโ€™t ibang mga lugar, paglubog ng mga kabahayan sa ating mga komunidad, at pagkawala ng kuryente sa ating mga dormitoryo, nananatiling walang ginagawa ang mga nasa tuktok. Ang mga karanasang ito ay hindi hiwalay sa danas ng buong sambayanang Pilipino.

Katumbas ng bawat patak ng ulan ang katiwalian na nangyayari sa loob ng ating gobyerno. Mula sa mga huwad na flood control projects, sa walang pananagutan ng hari at reyna ng korapsyon na sina Marcos Jr. at Sara Duterte, hanggang sa pandarambong ng imperyalistang US. Ang bawat buhay na nawawala ay hindi bunsod ng kawalan ng kahandaan ng mga Pilipino, kundi dahil sa kanilang kapabayaan.

Nakalipas na ang isang taon mula nang pumutok ang isyu ng korapsyon sa SONA ni Marcos Jr., ngunit wala pa ring napapanagot hanggang ngayon. Kung mayroon mang pag-unlad, ito ang pagdami ng mapanirang proyekto ng gobyerno sa ating kalikasan upang patabain lang lalo ang bulsa ng iilan.

Kung kaya't, bumagyo man o umaraw, may pasok man o wala, buhay ang diwang palaban ng mga Iskolar ng Bayan.

SINGILIN ANG REHIMENG US-MARCOS SA KAPABAYAAN, KALMIDAD, AT PAGSIRA NG KALIKASAN!



  | Call for Donations and VolunteersIn light of  , the Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya (SANDIGAN-NCPA...
10/08/2026

| Call for Donations and Volunteers

In light of , the Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya (SANDIGAN-NCPAG), together with the UP Diliman University Student Council (UPD USC), are calling for donations for those affected in the Brgy. UP Campus area.

For UPD students, you may refer to your local college council for urgent needs, or access the sensing form for organized by the UPD USC: https://tinyurl.com/IskoOpsMaymayPHSensing

For urgent concerns and Volunteers, contact USC CSAW Councilor, Thirdy Tolentino:
๐Ÿ“ž (0927) 285 9051
๐Ÿ”— facebook.com/ekulolewl
๐Ÿ”— https://tinyurl.com/IskoOpsVolunteersCoordGC

Transparency report for Donations may be accessed through this link:
๐Ÿ”— https://tinyurl.com/MaymayIskoOpsDonations

๐Ÿ“Œ Emergency Hotlines:
โ€ข Brgy. UP Campus Hotline: 09957219867
โ€ข Quezon City: 122, 8988-4242 loc. 8038, 0947 885 9929, 0947 884 7498
โ€ข CMO Quick Response Team: 09777841234
โ€ข UP Diliman Police: 8928-3615

Ay, nakatulog! ๐Ÿ˜ด MALIIIIII!Konting tulog ๐Ÿ’ค na lang at opisyal na nating sasalubungin ang mga bagong Lingkod-bayans ng UP...
04/08/2026

Ay, nakatulog! ๐Ÿ˜ด MALIIIIII!

Konting tulog ๐Ÿ’ค na lang at opisyal na nating sasalubungin ang mga bagong Lingkod-bayans ng UP NCPAG! ๐ŸŒป

Sa gitna ng lumalalang krisis, laganap na korapsyon, at patuloy na pagkabulok ng sistema, higit kailanman ay kailangan natin ng mga kabataang handang manguna sa pagsusulong ng tapat na pamamahala at makabuluhang paglilingkod.

Sama-sama nating salubungin ang mga bagong suhay na magtataguyod ng makataong polisiya, episyenteng serbisyo publiko, at tunay na institusyonal na reporma.

Narito ang lahat ng kailangan mong malaman para sa NGAGE 2026! Makikita sa post ang kumpletong programa at venue map ng โ€˜Suhayโ€™. Kita-kits, mga bagong Lingkod-bayans! ๐Ÿ’›๐ŸŒป

Maari kayong magrehistro dito:
: bit.ly/NGAGE2026
: bit.ly/NGAGE2026
: bit.ly/NGAGE2026

Pag-alabin ang diwa ng pagsisilbi, mga bagong Lingkod-bayan! โœŠ๐Ÿผ

Audio-Visual Room, UP-NCPAG, UP Diliman
August 07, 2026 (Friday)
10:00 AM - 5:00 PM

Co-presented by:
UP National College of Public Administration and Governance

In partnership with:
Practice of Administrative Leadership and Service (PALS-NCPAG)
Initiative for Genuine Involvement, Transparency, and Empowerment (IGNITE-NCPAG)
Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya (SANDIGAN-NCPAG)
UP Samahan Tungo sa Progresibong Administrasyon (UP STPA)
Kabataan Partylist - UP Diliman
NCPAG-Umalohokan

In Collaboration with:
UP Varsity Pep Drummers and Crowdleaders


Kumusta, mga Lingkod-bayan? ๐Ÿ‘‹๐ŸผOras na para kilalanin natin ang mga tagapagsalita ๐ŸŽค para sa darating na NGAGE 2026: โ€˜Suha...
31/07/2026

Kumusta, mga Lingkod-bayan? ๐Ÿ‘‹๐Ÿผ

Oras na para kilalanin natin ang mga tagapagsalita ๐ŸŽค para sa darating na NGAGE 2026: โ€˜Suhayโ€™ Haligi ng Pamamahala! ๐Ÿ’›๐Ÿ’™

Si Lydon Rom T. David ay may dekada nang karanasan sa pagiging isang licensed attorney at early-career data and complex systems scientist sa pampubliko, pampribado, panlipunang sibil, at pang-akademikong mga sektor.

Si Charity P. Orense naman ay nagsisilbing Guidance Service Specialist ng University of the Philippines mula pa noong taong 2018. Sa kasalukuyan, ang serbisyo ni Charity P. Orense ay nakatuon sa mga kolehiyo ng National College of Public Administration and Governance, Asian Institute of Tourism, School of Business, at College of Science.

Kilalanin pa natin ang ating mga tagapagsalita at ang mga malalalim nilang kaalaman sa NGAGE 2026! Magkita-kita tayo sa Room 301 ng Institute for Small-Scale Industries, UP Diliman mula 10:00 nang umaga hanngang 5:00 nang hapon! ๐Ÿค—

Huwag kalimutang magrehistro dito:
bit.ly/NGAGE2026
bit.ly/NGAGE2026
bit.ly/NGAGE2026

Pag-alabin ang diwa ng pagsisilbi, mga bagong Lingkod-bayan! โœŠ๐Ÿผโค๏ธ

RM 301, ISSI, UP Diliman
August 07, 2026 (Friday)
10:00 AM - 5:00 PM

Co-presented by:
UP National College of Public Administration and Governance

In partnership with:
Practice of Administrative Leadership and Service (PALS-NCPAG)
Initiative for Genuine Involvement, Transparency, and Empowerment (IGNITE-NCPAG)
Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya (SANDIGAN-NCPAG)
UP Samahan Tungo sa Progresibong Administrasyon (UP STPA)
Kabataan Partylist - UP Diliman
NCPAG-Umalohokan

In Collaboration with:
UP Varsity Pep Drummers and Crowdleaders


Pagbati, mga bagong Lingkod-bayan! ๐ŸŒปHanda na ba kayong suungin ang lakbayin ng isang ganap na iskolar ng bayan? ๐Ÿ‘€Maalab ...
31/07/2026

Pagbati, mga bagong Lingkod-bayan! ๐ŸŒป

Handa na ba kayong suungin ang lakbayin ng isang ganap na iskolar ng bayan? ๐Ÿ‘€

Maalab kayong tinatanggap ng komunidad sa pagtungtong niyo sa inyong unang taong panuruan sa Unibersidad! Bilang paggabay ay handog ng Unibersidad ng Pilipinas - Konseho ng Mag-aaral ng Pambansang Dalubhasaan ng Administrasyong Pangmadla at Pamamahala ang isang salubong na pinamagatang โ€˜Suhayโ€™: Haligi ng Pamamahala.

Sa darating na Agosto 7 (Biyernes), magkita-kita tayo sa Room 301 ng Institute for Small-Scale Industries, UP Diliman para kilalanin ang ibaโ€™t ibang opisinaโ€™t makukulay na organisasyong kapuwa nagsisilbing suhay ng ating kolehiyo! ๐Ÿ’›๐Ÿ’™

Maari kayong magrehistro dito:
: bit.ly/NGAGE2026
: bit.ly/NGAGE2026
: bit.ly/NGAGE2026

Pag-alabin ang diwa ng pagsisilbi, mga bagong Lingkod-bayan! โœŠ๐Ÿผ

RM 301, ISSI, UP Diliman
August 07, 2026 (Friday)
10:00 AM - 5:00 PM

Co-presented by:
UP National College of Public Administration and Governance

In partnership with:
Practice of Administrative Leadership and Service (PALS-NCPAG)
Initiative for Genuine Involvement, Transparency, and Empowerment (IGNITE-NCPAG)
Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya (SANDIGAN-NCPAG)
UP Samahan Tungo sa Progresibong Administrasyon (UP STPA)
NCPAG-Umalohokan

In Collaboration with:
UP Varsity Pep Drummers and Crowdleaders


Pagbati, mga bagong Lingkod-bayan! ๐ŸŒป

Handa na ba kayong suungin ang lakbayin ng isang ganap na iskolar ng bayan? ๐Ÿ‘€

Maalab kayong tinatanggap ng komunidad sa pagtungtong niyo sa inyong unang taong panuruan sa Unibersidad! Bilang paggabay ay handog ng Unibersidad ng Pilipinas - Konseho ng Mag-aaral ng Pambansang Dalubhasaan ng Administrasyong Pangmadla at Pamamahala ang isang salubong na pinamagatang โ€˜Suhayโ€™: Haligi ng Pamamahala.

Sa darating na Agosto 7 (Biyernes), magkita-kita tayo sa Audio-Visual Room, UP-NCPAG, UP Diliman para kilalanin ang ibaโ€™t ibang opisinaโ€™t makukulay na organisasyong kapuwa nagsisilbing suhay ng ating kolehiyo! ๐Ÿ’›๐Ÿ’™

Maari kayong magrehistro dito:
: bit.ly/NGAGE2026
: bit.ly/NGAGE2026
: bit.ly/NGAGE2026

Pag-alabin ang diwa ng pagsisilbi, mga bagong Lingkod-bayan! โœŠ๐Ÿผ

Audio-Visual Room, UP-NCPAG, UP Diliman
August 07, 2026 (Friday)
10:00 AM - 5:00 PM

Co-presented by:
UP National College of Public Administration and Governance

In partnership with:
Practice of Administrative Leadership and Service (PALS-NCPAG)
Initiative for Genuine Involvement, Transparency, and Empowerment (IGNITE-NCPAG)
Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya (SANDIGAN-NCPAG)
UP Samahan Tungo sa Progresibong Administrasyon (UP STPA)
NCPAG-Umalohokan

In Collaboration with:
UP Varsity Pep Drummers and Crowdleaders




ERRATUM: The event will be held in the AVR of UP-NCPAG, not Room 301 of ISSI as originally stated.

Malugod na ipinapakilala at taas-kamaong pinagpupugayan ng SANDIGAN-NCPAG ang mga kasapi nitong lingkod-bayan at organis...
14/07/2026

Malugod na ipinapakilala at taas-kamaong pinagpupugayan ng SANDIGAN-NCPAG ang mga kasapi nitong lingkod-bayan at organisador ng bayan na nagsipagtapos sa kursong Batsilyer sa Administrasyong Pangmadla at Batsilyer ng Agham sa Pagpapaunlad ng Komunidad ngayong Taong Panuruan 2025-2026! โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅโœŠ

Buong pusong ipinagkakatiwala ng samahan ang inyong patuloy na pakikibaka sa labas ng apat na sulok ng silid-aralan at bulwagan ng unibersidad. Sa panahong mas masidhi ang pag-atake sa mga progresibong grupo at maging tayo bilang mga Iskolar ng Bayan, mas kinakailangan tumindig at lumaban sa katayuang lipunang ginagalawan.

Ipagpatuloy nawa ninyo na paglingkuran nang may tiyaga at habag ang bayan sapagkat kaakibat ng ating mga ipinaglalaban sa unibersidad ay ang ating mga ipinaglalaban sa mga lansangan at komunidad.

Kaya mga lingkod-bayan at organisador ng bayan, patuloy na pag-alabin ang damdamin at makiisa sa tunay na laban ng masa. Patuloy na manindigan at isulong na ang mga inaapi't nasa laylayan ng lipunan ay makakapagkamit hindi lamang ng kakayahang makaangat sa buhay, kundi pati ang katarungan.

Muli, isigaw natin ang ating panawagan!

Hustisya para kay Alyssa Alano!
Hustisya para kay Maureen Santuyo!
Hustisya para sa Toboso 19!
Shut down Pax Silica Now!
Makabayan, Siyentipiko, at Makamasang Administrasyon!
Impeach Sara Now!
Impeach Marcos Now!
Lahat ng Sangkot, Dapat Managot!
Tsina Layas!
US Troops, Out Now!
Imperyalismo, Ibagsak!
Pyudalismo, Ibagsak!
Burukrata-Kapitalismo, Ibagsak!

Pag-aralan ang Lipunan, Paglingkuran ang Sambayanan! Hanggang sa Tagumpay! ๐Ÿ”ป๐ŸŒป

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—”  ๐—ก๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—š๐—จ๐—˜ ๐—ข๐—™ ๐—ก๐—–๐—ฃ๐—”๐—š ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ญ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ (๐—Ÿ๐—ก๐—ข) ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—š ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—˜๐—”๐—–๐—›๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”...
06/07/2026

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—š๐—จ๐—˜ ๐—ข๐—™ ๐—ก๐—–๐—ฃ๐—”๐—š ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ญ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ (๐—Ÿ๐—ก๐—ข) ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—š ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—˜๐—”๐—–๐—›๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—š๐—ข๐—ง ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฅ๐—˜๐—ฌ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—ž๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ฃ ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—” ๐——๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—˜

๐—›๐˜‚๐—น๐˜†๐—ผ ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก! ๐—›๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ก, ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—š๐—จ๐—ง๐—œ๐—ก!

Ngayong araw, nakatakda ang unang araw ng impeachment trial laban sa reyna ng korapsyon na si Vice President Sara Zimmerman Duterte-Carpio. Ang apat na artikulong inihain sa Senado ay hindi lamang mga legal na argumento, kundi kongkretong tala ng taun-taong pang-aabuso sa kapangyarihan. Sinasalamin ng mga sakdal na ito ang pagyurak sa dignidad at pagsasawalang-bahala sa interes ng milyun-milyong Pilipino, ang walang-alinlangang pagnakaw sa pondo at batayang serbisyo-publiko, at ang tahasang pambabastos sa Konstitusyon ng ating Republika. Ang impeachment na ito ay makatarungang repleksyon ng masikhay na panawagan at sandata upang kitilin ang kultura ng talamak na korupsyon at impunidad sa pamahalan dahil walang sinumang inihalal ng taumbayan ang siyang ligtas mula sa pananagutan.

Ang League of NCPAG Organizations (LNO) na binubuo ng UP NCPAG Student Council (NCPAG-SC), Initiative for Genuine Involvement, Transparency, and Empowerment (IGNITE-NCPAG), NCPAG-Umalohokan, Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya (SANDIGAN-NCPAG), Practice of Administrative Leadership and Service (PALS-NCPAG) at Samahan Tungo sa Progresibong Administrasyon (STPA) ay buong tatag na sinusuportahan ang agarang paglilitis at pagpapanagot kay Sara Duterte. Sa pagbubukas ng paglilitis na ito, taas-kamaong naninindigan ang LNO na walang sinumang halal na opisyal ang nakahihigit sa Konstitusyon at sa pananagutang kaakibat ng kapangyarihang ipinagkaloob ng sambayanan. Bilang mga lingkod-bayan na kolektibang sinusulong ang isang administrasyong nakabatay sa integridad, husay, at tunay na paglilingkod sa interes ng mamamayan, hindi natin maaaring ipagsawalang-bahala ang mga seryosong kapabayaan at maling paggamit ng kapangyarihan mula sa kaniyang pamumuno bilang Alkalde ng Davao, Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon hanggang sa Tanggapan ng Opisina ng Bise-Presidente.

Nananawagan ang LNO sa Senado na gampanan ang konstitusyonal nitong tungkulin bilang isang Impeachment Court na walang kinikilingan at buong tapat sa katotohanan. Ang impeachment ay isang natatanging prosesong politikal at moral (sui generis); kung kayaโ€™t hindi ito dapat madaan sa mga teknikalidad o legalistikong pag-iwas. Higit kailanman, panahon na upang kitilin ang kultura ng impunidad na nagpapalalim sa kahirapan ng masang-api at kamtin ang hindi maabot-abot na kaunlaran dahil sa katiwalian at abuso ng kapangyarihan. Sa diwang ito, hinihimok namin ang bawat iskolar ng bayan at mamamayan na aktibong makiisa sa pagmamatyag at sumama sa pakikibaka upang patambulin pa ang panawagan laban sa impunidad at korapsyon. Hindi ito basta pagpataw lamang ng kaukulang parusa, kundi isang malinaw na hakbang upang wakasan ang siklo ng katiwalian na patuloy na nagpapahirap sa mga Pilipino.

๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ'๐˜ ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐˜, ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐˜!

DALAWANG BUWAN NA MULA NANGPASLANGIN ANG TOBOSO 19.Kasama ng buong komunidad ng UP at ng sambayanang Pilipino, nakikiisa...
19/06/2026

DALAWANG BUWAN NA MULA NANG
PASLANGIN ANG TOBOSO 19.

Kasama ng buong komunidad ng UP at ng sambayanang Pilipino, nakikiisa ang SANDIGAN sa panawagan para sa hustisya para kay Alyssa Alano at sa lahat ng biktima ng Toboso 19.

Dalawang buwan matapos ang masaker sa Toboso, Negros Occidental, nananatiling walang pananagutan ang mga responsable sa pagpaslang sa 19 na indibidwal. Habang patuloy ang militarisasyon at mga pag-atake sa mga komunidad ng magsasaka, patuloy rin nating ipinapanawagan ang hustisya, pananagutan, at paggalang sa karapatang pantao at International Humanitarian Law.

Hindi namin malilimutan sina Alyssa at ang iba pang biktima ng Toboso 19.
Hindi kami tatahimik hangga't walang hustisya.





Address

NCPAG Student Lounge, NCPAG, RP De Guzman Street, UP Diliman
Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share