01/04/2026
Marso 30, 2026
TINGNAN l Sa ilalim ng temang "Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao," matagumpay na isinagawa ng Kiling Elementary School ang taunang Seremonya ng Pagtatapos.
Dumalo sa nasabing okasyon ang mga mag-aaral, g**o, magulang, at mga panauhing pandangal upang saksihan ang isa na namang makasaysayang yugto sa buhay ng ating mga magtatapos. Ang programa ay nagsimula sa pamamagitan ng isang maikling parada ng mga mag-aaral, kasunod ang pagbukas ng programa sa pamamagitan ng pambansang awit, panalangin, at pagbati mula sa punong-g**o.
Isa ring karangalan ng paaralan ang muling pagbisita at pagdalo sa mahalagang okasyon ng Schools Division Superintendent ng Quezon, Dr. Rommel Bautista, CESO V. Pasasalamat din ang ipinaabot kay Ma'am Ma. Lourdes C. Cabanag, PSDS ng Sariaya West District at sa iba pang tao na nagpaabot ng mensahe.
Isa sa mga tampok ng programa ay ang inspirational message mula sa panauhing pandangal na si G. Calvin A. Magtibay na nagbigay ng mensaheng puno ng pag-asa, tapang, at inspirasyon para sa mga batang nagsisimula pa lamang sa panibagong yugto ng kanilang edukasyon. Hindi rin nagpahuli ang mga magulang at g**o na nagpakita ng kanilang buong suporta at pagmamalaki sa tagumpay ng mga bata.
Tunay ngang ang pagtatapos ay hindi lamang pagtatapos ng ilang taon ng pag-aaral, kundi simula ng panibagong paglalakbayโbitbit ang mga aral, pangarap, at alaala mula sa ating paaralan.
๐ Mabuhay ang Batch 2026!
Ipagpatuloy ang pag-abot ng pangarap at maging huwaran ng susunod na henerasyon.
๐ธ: AngelMayo Photography