14/05/2026
๐พ๐ HALINAโT MAKIISA SA MASAYANG PAGDIRIWANG NG KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR!
Buong puso po naming inaanyayahan ang bawat isa na makiisa at makisaya sa pagdiriwang ng Kapistahan ng ating mahal na Patron ng mga Magsasaka, si San Isidro Labrador, na gaganapin bukas, MAY 15, 2026.
Bilang bahagi ng selebrasyon, muli po nating pagsasaluhan ang saya at biyaya sa pamamagitan ng ating PABITIN at COMMUNITY PANTRY, na inihanda upang makapaghatid ng kasiyahan at tulong sa ating mga kababayan.
Paalala po na magdala po kayo ng sariling eco-bag!
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sponsors, donors, samahan, at mga indibidwal na walang sawang nagpaabot ng suporta at tulong upang maisakatuparan ang mga gawaing ito at makapagbahagi ng biyaya sa marami.
At para naman po sa mga may bukas-palad na nais pang magbigay ng donasyon para sa ating kapistahan, malugod po namin itong tatanggapin at taos-pusong ipagpapasalamat.
Sama-sama po nating ipagdiwang ang pananampalataya, pagkakaisa, at pagbibigayan sa araw ng kapistahan.
Maraming salamat po at mabuhay ang diwa ng bayanihan!๐