24/08/2026
๐๐๐ ๐๐ฌ๐๐๐๐ฅ๐, ๐๐ข๐ง๐๐ฌ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐๐ง๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ง๐๐ง๐๐ ๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐๐ณ๐จ๐ง, ๐๐ฌ๐๐๐๐ฅ๐
Pinalawak ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela Provincial Office, sa pamamagitan ng Negosyo Centers ng Quezon at Roxas, ang kaalaman at kasanayan sa pagnenegosyo ng mga miyembro at opisyal ng Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) sa pamamagitan ng Entrepreneurial Development Training na isinagawa noong Agosto 19, 2026 sa Gavino P. Gascon Coliseum, Samonte, Quezon, Isabela.
Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office II, sa pamamagitan ng SLP, na kinatawan ni Ms. Jennielyn G. Oplay, Project Development Officer II. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa 10 SLPAs sa bayan.
Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa pagnenegosyo at mapaunlad ang kanilang kakayahan sa wastong pamamahala ng negosyo.
Sa unang bahagi ng programa, tinalakay ni Jacklyn Joy Quedding, Business Counselor ng Negosyo Center Quezon, ang Personal Entrepreneurial Competencies (PECs). Sa pamamagitan ng isang interactive na aktibidad, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong matukoy ang kanilang mga kalakasan at mga aspetong maaari pa nilang paunlarin bilang mga indibidwal at negosyante.
Kasunod nito, tinalakay ang Modules 1 at 2 ng BDO x BSP, na nakatuon sa Understanding Yourself at Identifying Opportunities. Sa mga paksang ito, natutuhan ng mga kalahok kung paano mas makilala ang kanilang sarili, ang kanilang mga kakayahan at interes, at kung paano matukoy ang mga oportunidad na maaaring maging daan sa pagsisimula o pagpapaunlad ng kanilang negosyo.
Samantala, nakatuon naman ang sesyon sa hapon sa Basic Bookkeeping at Financial Literacy na pinangunahan ni Sheen Lei Aliling, Business Counselor ng Negosyo Center Roxas. Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng maayos na pagtatala at pagsubaybay sa mga kita, gastos, puhunan, at iba pang transaksyon upang magkaroon ng mas malinaw na pag-unawa sa kalagayang pinansyal ng isang negosyo at maging batayan sa paggawa ng mga desisyong pangnegosyo.
Kasama rin sa sesyon ang talakayan tungkol sa ILO AI Modules, kung saan ipinakilala sa mga kalahok ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) bilang isang tool na maaaring makatulong sa iba't ibang gawaing pangnegosyo, kabilang ang pagbuo ng mga ideya at pagpapadali ng ilang proseso. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagiging mapanuri at responsable sa paggamit ng AI, lalo na sa pagtiyak sa katumpakan at wastong paggamit ng impormasyong nalilikha nito.
Sa kabuuan, naging makabuluhan ang Entrepreneurial Development Training, dahil nabigyan ang mga miyembro at opisyal ng SLPAs ng praktikal na kaalaman at kasanayan na maaari nilang magamit sa pamamahala at pagpapaunlad ng kanilang mga negosyo at kabuhayan. Patuloy na nakikipagtulungan ang DTI Isabela sa DSWD-SLP upang maihatid ang mga programang naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga benepisyaryo sa pagnenegosyo at kabuhayan.