25/07/2022
Pabatid!
Muli na naman nadagdagan ng dalawang bagong kaso ng pasyenteng nagpositibo sa Rapid Antigen Test para sa COVID-19 ang ating bayan.
Si Patient #365 ay 1 taong gulang na lalaki mula sa Barangay Cometa. Siya ay mayroong sintomas ng ubo, lagnat at sipon mula pa noong ika-20 ng Hulyo. Siya ay kasalukuyang nasa Alabat Island District Hospital.
Samantala, Si Patient #366 naman ay 21 taong gulang na lalaki mula sa Barangay 6. Siya ay naswab sapagkat siya ay mayroon sintomas ubo, lagnat at sipon mula pa noong ika-23 ng Hulyo. Ang nasabing pasyente ay kumpleto ng bakuna laban sa COVID-19. Siya ay kasalukuyan nakahome-quarantine.
Sa isinagawang pag-iimbestiga, Si Patient #365 ay may 3 direct contacts at Patient #366 naman ay may 9 na direct contacts. Ang mga nasabing close contacts ay kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19 at walang mga sintomas.
Ideneklara na rin na recovered si Patient #361 kahapon (July 24, 2022). Sa ngayon ay mayroong 5 aktibong kaso sa ating bayan.
Patuloy po ang pagmamatyag ng ating MIATF sa mga posibleng kaso ng COVID-19 sa ating bayan upang maiwasan ang mas malawak na pagkalat nito.
Muli pong pina-aalahanan ang lahat na mag-ingat at sumunod sa ating mga health protocols.
Maraming Salamat po.