MENRO Quezon, Quezon

MENRO Quezon, Quezon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MENRO Quezon, Quezon, Government Organization, U. Camacho Street, Quezon.

23/05/2025

TARA NA SA BEACH!

Maging bayani ng kalikasan ngayong tag-init! Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Beach Clean-Up Drive bukas, Mayo 24, 2025 (Sabado), 8:00 AM mula sa Brgy. 6 hanggang sa Brgy. Silangan Coastal Area.

Bukas ito para sa lahat ng nais tumulong at magmalasakit sa ating baybayin. Isang hakbang tungo sa mas malinis at ligtas na kapaligiran.





28/04/2025
27/01/2025

Sa paggunita ng ika-111 taong pagkakatatag ng ating mahal na bayan, inaanyayahan namin kayong lahat na maging bahagi ng isang espesyal na talakayan na pinamagatang "QUEZON: HIs STORY (Talk of the Hour)." Ito ay isang natatanging pagkakataon upang higit nating maunawaan at maipagmalaki ang makulay na kasaysayan ng ating bayan, sa pangungunani Dr. Randy Nobleza, Associate Professor mula sa Marinduque State University.

Gaganapin ito sa Quezon Municipal Training Center bukas, Enero 28, 2025 ganap na ika-9 ng umaga. Para sa mga hindi makakadalo nang personal, maaari ninyong mapanood ito nang live sa Quezon Municipal Tourism, Culture & Arts page.

Ang programang ito ay higit pa sa simpleng pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ito ay isang mahalagang paalala kung paano ang ating kkultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan ang nagsisilbing ugat at pundasyon ng pag-unlad ng ating turismo. Sa pamamagitan ng pag-alala sa mga aral ng nakaraan, pagkilala sa ating mayamang kultura, at pagpapahalaga sa sining, nagiging mas matibay ang ating pagkakakilanlan bilang isang bayan.

Ang ating layunin ay hindi lamang balikan ang nakaraan kundi gawing inspirasyon ito upang patuloy na umunlad ang ating bayan sa larangan ng turismo, kultura, at sining. Ang inyong pakikiisa ay mahalaga upang mas maipagmalaki natin ang Quezon hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo.






27/01/2025

Quezon, Quezon – Nag-uumapaw sa mga gawaing pangkultura at panturismo ang bayan ng Quezon sa lalawigan ng Quezon. Pinasinayaan ang ika-111 taong pagkakatatag ng Bayan ng Quezon noong Enero 13 at magkakaroon ng pagpipinid na programa sa Enero 31. Nagkaroon ng ng motorcade at kick-off ceremony noon

22/01/2025
14/01/2025
Isang 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 mula po sa Pambayang Tanggapan ng Kalikasan at Likas na Yaman.𝗠𝗔𝗚-𝗦𝗘𝗚𝗥𝗘𝗚𝗔𝗧𝗘! 𝗜𝗦𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔!...
29/12/2024

Isang 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 mula po sa Pambayang Tanggapan ng Kalikasan at Likas na Yaman.

𝗠𝗔𝗚-𝗦𝗘𝗚𝗥𝗘𝗚𝗔𝗧𝗘! 𝗜𝗦𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔!

𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗵𝗮𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘀𝘂𝗿𝗮 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝘂𝗻𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘄𝗮𝗻𝗶 𝘀𝗮 𝗶𝗹𝗮𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗴 𝗦𝗼𝗹𝗶𝗱 𝗪𝗮𝘀𝘁𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗧𝗲𝗮𝗺 (𝗦𝗪𝗠𝗧).

Simulan po natin sa ating mga tahanan, sa paaralan, mga tanggapan, at mga establisyemento ang tamang paghihiwalay at pagreresiklo ng basura.

Huwag ilabas ang mga basura sa kalsada kung hindi araw ng koleksyon.

Maraming Salamat po.


27/12/2024

Address

U. Camacho Street
Quezon
4332

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MENRO Quezon, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to MENRO Quezon, Quezon:

Share