18/09/2026
| ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐: ๐ฆ๐๐ก ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฆ ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ฅ๐ฆ, ๐ ๐๐ฌ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐ข๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง๐จ๐ก๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐-๐ง๐ข๐จ๐ฅ๐๐ฆ๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐จ๐๐ง๐ข
Kanina, nakiisa ang San Andres Tourism Office sa Culminating Program ng matagumpay na Coconut Farming Household Upskilling and Enterprise Transformation (Phase 2): ๐๐ง๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ค๐ฃ ๐พ๐ค๐๐ค๐ฃ๐ช๐ฉ ๐๐๐ก๐ช๐-๐ผ๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฃ๐ค๐ก๐ค๐๐๐๐จ ๐๐ค๐ง ๐๐ค๐ฃ-๐๐ค๐ค๐ ๐๐ง๐ค๐๐ช๐๐ฉ ๐ฟ๐๐ซ๐๐ก๐ค๐ฅ๐ข๐๐ฃ๐ฉ, sa ilalim ng COCOHUT Project, na isinagawa ngayong September 14โ18, 2026 sa Brgy. Camflora, San Andres, Quezon na pinangasiwaan ng MOCA Family Farm RLearning Center Inc.
Sa programa, aktuwal na nasaksihan ng mga Tourism Personnel ang ibaโt ibang produktong likha mismo ng ating mga kapwa San Andresin bilang bunga ng kanilang limang araw na pagsasanay.
Aktibong nilahukan ito ng mga coconut farmer mula sa pitong (7) barangay ng San Andres, na naglaan ng panahon, sipag, at dedikasyon upang matuto ng mga bagong kasanayan at ideyang maaaring makatulong sa kanilang kabuhayan.
Sa pamamagitan ng training, natutuhan ng mga kalahok ang ibaโt ibang value-adding techniques sa paglikha ng non-food products mula sa niyogโisang hakbang tungo sa mas malawak na paggamit at pagpapahalaga sa ating lokal na yamang agrikultural.
Mahalaga ang ganitong mga programa dahil nagbubukas ito ng potensyal para sa pagpapaunlad ng local products, dagdag na livelihood opportunities, at pagpapalakas ng community-based tourism sa ating bayan. Sa hinaharap, ang mga produktong likha ng ating mga magsasaka ay maaari ring maging bahagi ng mga lokal na produktong maipagmamalaki at maipakikilala sa ating mga bisita at turista.
Sa ating mga masisipag na magsasaka, saludo kami sa inyong sipag, pakikilahok, at kagustuhang matuto at sumubok ng mga bagong ideya.
Asahan ninyong ang LGU San Andres, katuwang ang Municipal Tourism Office, ay patuloy na makikiisa sa mga programang nagbibigay-halaga sa ating lokal na produkto, ating mga magsasaka, at ating komunidad.
Mula niyog, tungo sa negosyoโat mula sa ating mga magsasaka, tungo sa bagong oportunidad! ๐ดโจ
I ๐ SAN ANDRES