MABEO - Quezon Palawan

Directions Website

MABEO - Quezon Palawan Dedicated to advancing sustainable agriculture, efficient biosystems, and resilient communities.

We provide technical support, innovative solutions, and engineering services to enhance local food security, environmental management, and rural development.

Alam mo ba na sa kabuoang lupang sakahan (total rice production area) ng Quezon ay hindi man lang umabot sa kalahati o 5...
10/10/2026

Alam mo ba na sa kabuoang lupang sakahan (total rice production area) ng Quezon ay hindi man lang umabot sa kalahati o 50% ang may pa tubig /may irigasyon (irrigated)

Maliban sa mga Irrigation Project (Dam & SPIS) ng NIA ay mayroon din ang DA - Bureau of Soils and Water Management (BSWM). Ito ang Solar Powered Irrigation System (SPIS) sa Brgy. Calumpang sitio Looc na kayang magpatubig ng hanggang 30 hektaryang sakahan.

Malaking tulong at kaginhawaan para sa ating mga magsasaka🌾

SOWANGAN-TAGUSAO DIVERSION DAM nasa Project Briefing na! Malapit na malapit nang masimulan ang pagtatayo ng Sowangan-Tag...
21/07/2026

SOWANGAN-TAGUSAO DIVERSION DAM nasa Project Briefing na!

Malapit na malapit nang masimulan ang pagtatayo ng Sowangan-Tagusao Diversion Dam na isa sa maglulutas ng kahirapan sa patubig sa mga sakahan ng Barangay Sowangan at Tagusao.

Pinangunahan ang Project Briefing ng Bureau of Soil and Water Management (BSWM) at Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office- Quezon Palawan (MABEO-Quezon Palawan). Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng Sowangan-Tagusao Small Water Irrigation System Association na magbebenepisyo sa nasabing diversion dam at siya ring magmamanage ng dam pag ito'y operational na. Sasailalim sa training ang mga miyembro ng nasabing organisasyon tungkol sa tamang pag operate ng dam at pagmemaintain nito upang masigurado ang maayos na operasyon nito at mahabang buhay ng serbisyo.

Totoong pinagpala ang Quezon dahil isa ito sa iilang mabibigyan ng ganito kalaking proyekto. Bago maapruba ang isang lugar para pagtayuan ng isang Diversion Dam, ay dumaan dapat ito sa masusing pagaaral sa Geological Stability at Hydrological Condition ng lugar. Tinitingnan din dito ang Environmental Impact ng istraktura at hindi dapat makakasira sa kapaligaran. Kinukonsidera rin dito ang interes ng mga stakeholder kagaya ng mga farmers at environmental organizations para masig**o ang totoo at kapakipakinabang na tulong sa mga magsasaka at masig**o rin ang masigla at ligtas na konstruksyon. At sa huli mahigpit ding imomonitor ang pagsunod nito sa mga nakatagda nang batas at patakaran ng munisipyo at bansa.

Kaya sa susunod na mangyari uli ang delobyong dala ng mga nakaraang El Niño. Sigurado na na may laban na ang Barangay Tagusao at Sowangan. May laban na ang bayan ng Quezon!

Sa ngayon, inaasahang masisimulan na ang konstruksyon ng dam ngayong taong 2026!

Kahapon, July 3, 2026, nagsagawa kami kasama ang isa sa mga interesadong BSWM contractors ng site visitations upang aktw...
03/07/2026

Kahapon, July 3, 2026, nagsagawa kami kasama ang isa sa mga interesadong BSWM contractors ng site visitations upang aktwal nilang makita ang existing buildings na paglalagyan ng proposed cistern (rain water collection system) sa apat na napiling paaralan - Magara Elementary School at Odyong Elementary School sa Brgy. Panitian; Quezon National High School sa Brgy. Alfonso XIII at Marnek Elementary School sa Brgy. Aramaywan. Dito naipaliwang ng bawat head ng mga paaralan ang mga pangangailangan nila na dapat matugunan ng mga contractor once ito ay makarating na sa installation phase. Sa ngayon naghihintay nalang kami ng advise ng iba pang interesadong kompanya para din sa kanya kanyang pagbisita sa mga site. Ang pagbisita sa mga sites ay isa sa mga requirements ng BSWM sa mga interesadong kompanya bago ang aktwal na bidding process.

Project Briefing sa (4) na Paaralan sa Quezon Palawan na tatanggap ng Cistern Project mula sa Bureau of Soils and Water ...
17/06/2026

Project Briefing sa (4) na Paaralan sa Quezon Palawan na tatanggap ng Cistern Project mula sa Bureau of Soils and Water Management (BSWM).

Matagumpay na isinagawa ang Project Briefing sa apat (4) na paaralan bilang bahagi ng programang pinondohan ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM).

Layunin ng briefing na ipabatid sa mga g**o, mag-aaral, at iba pang mga stakeholder ang mahahalagang detalye ng proyekto, ang mga layunin nito, at ang inaasahang benepisyong maidudulot sa bawat paaralan at komunidad.

📍 Geo-Resistivity Survey Conducted at Brgy. Isugod, Quezon, PalawanIsinagawa ang Geo-Resistivity Survey sa Barangay Isug...
16/06/2026

📍 Geo-Resistivity Survey Conducted at Brgy. Isugod, Quezon, Palawan

Isinagawa ang Geo-Resistivity Survey sa Barangay Isugod bilang bahagi ng paghahanda para sa pagpapatupad ng Solar Powered Irrigation System (SPIS) Groundwater Development Project ng National Irrigation Administration (NIA) katuwang ang MABEO.

Layunin ng pagsusuring ito na matukoy ang potensyal na lokasyon at lalim ng groundwater na magsisilbing pinagkukunan ng tubig para sa irigasyon ng mga sakahan sa lugar. Ang aktibidad na ito ay isang mahalagang hakbang upang matiyak ang sapat at maaasahang suplay ng tubig para sa pagpapalakas ng produksyon ng agrikultura at pagpapabuti ng kabuhayan ng mga magsasaka sa komunidad.

Sama-sama nating isulong ang mas matatag at masaganang sektor ng agrikultura para sa Barangay Isugod at karatig na mga lugar. 🌾💧

Pagpupulong para sa Organisasyon ng Sitio Malinao na bagong benepisyaryo ng Solar Powered Irrigation System (SPIS) .Mata...
16/06/2026

Pagpupulong para sa Organisasyon ng Sitio Malinao na bagong benepisyaryo ng Solar Powered Irrigation System (SPIS) .

Matagumpay na isinagawa ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM) sa pakikipagtulungan ng Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office (MABEO) at Municipal Agriculture Office (MAO) ang Organizational Meeting sa Sitio Malinao, Barangay Calumpang, Quezon Palawan.

Sa naturang pagpupulong, pormal na nabuo ang samahang "Malinao Calumpang Farmers Association" na magsisilbing pangunahing katuwang sa pagpapatupad, pangangasiwa, at pagpapanatili ng proyekto.

Ang SPIS ay inaasahang makapagbibigay ng sapat at maaasahang suplay ng tubig para sa mahigit 30 ektaryang sakahang lupa, na magpapataas sa produksiyon ng mga pananim, magpapalakas sa kabuhayan ng mga magsasaka, at mag-aambag sa seguridad sa pagkain ng komunidad.

Noong Ika-4 hanggang ika-5 ng Nobyembre ay nagsagawa kami ng training tungkol sa "Soil Health Restoration / Adaptive Bal...
06/11/2025

Noong Ika-4 hanggang ika-5 ng Nobyembre ay nagsagawa kami ng training tungkol sa "Soil Health Restoration / Adaptive Balanced Fertilization Strategy" sa tulong ng DA-Bureau of Soils and Water Management kung saan magalak na dinaluhan ng ating mga magsasaka sa Barangay Malatgao. Sa training na ito, tinuruan natin ang ating mga magsasaka sa tamang pagtetest ng lupa gamit ang Soil Testing Kit ng BSWM upang malaman ang iba't ibang nutrients na meron ito. Mula sa datos tulad ng Acidity Level, Nitrogen content, Potassium at Phosphorus ay makukuha na agad ng mga magsasaka ang saktong klase at dami ng abono na kailangan natin i-aplay sa ating mga palayan sa ibat ibang stage ng paglaki.

Puno ng pasasalamat ang ating mga magsasaka na lumahok sa training dahil sa wakas hindi na sila manghuhula sa dami at klase ng pagaaplay ng abono. Napakalaki raw ng tulong nito upang mas makatipid sa inputs dahil saktong dami nalang ng abono ang ilalagay nila ngayon base sa nutrient content ng kanilang mga lupa.

Asahan pa natin mga ka-MABEO na marami pang mga training ang gagawin natin sa susunod upang wakasan ang mga maling practices na ginagawa parin ng ilang mga magsasaka. Ang mga training na gagawin pa natin sa susunod ay iyong mga talagang may malaking impact sa kabuhayan ng ating mga magsasaka at napapanahon.

Kaya tara na! Sumabay na sa pagunlad ng kaalaman sa Makabagong Agrikultura!

Address

MABE Office, Rural Agriculture Center, Jacinto Street, Reservation, Brgy. Alfonso XIII (Beside Quezon Water District)
Quezon
5304

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MABEO - Quezon Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share