12/06/2025
Maligayang Ika-127 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas!
Ngayong ginugunita natin ang higit isang siglo ng kalayaan, hindi lamang natin inaalala ang mga bayani ng nakaraan, kundi binibigyang-halaga rin natin ang mga modernong bayani ng kasalukuyan.
Ang bolunterismo ay isang buhay na patunay ng tunay na kalayaan. Dahil ang isang pusong malaya ay hindi lamang humihiling ng karapatan, kundi handang magbigay, tumulong, at magsakripisyo para sa kabutihan ng nakararami. Sa bawat hakbang ng isang g**o sa bundok, sa bawat oras ng isang kabataang nagtuturo sa lansangan, sa bawat kamay na nag-aabot ng tulong sa panahon ng sakuna, nabibigyang halaga natin ang diwa ng kalayaan.
Kalayaang hindi makasarili, kundi makatao. Kalayaang hindi lamang ipinaglalaban, kundi ipinagpapatuloy.
Maging boluntaryo. Maging bayani. Para sa bayan, para sa bata, para sa kapwa.