21/07/2026
LOOK: 🤝 BLGU CABUGAO AT CASURECO I, NAGKAISA PARA SA MAS MAAYOS, MAS LIGTAS, AT MAS TRANSPARENT NA SERBISYONG ELEKTRIKAL SA ATING BARANGAY
(Ika-20 ng Hulyo, 2026 @ CASURECO I Main Office, Brgy. Puro-Batia, Libmanan, Camarines Sur)
x~
Patuloy na kumikilos ang Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Cabugao upang matiyak ang mas maayos, mas ligtas, at mas transparent na serbisyo ng kuryente para sa bawat mamamayan at member-consumer ng ating barangay.
Kaugnay nito, nagsagawa ng Consultative at Courtesy Meeting ang BLGU Cabugao sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Melinda B. Camacho, kasama ang mga Kagalang-galang na Miyembro ng Sangguniang Barangay, at ang pamunuan ng Camarines Sur I Electric Cooperative, Inc. (CASURECO I) sa pangunguna ni General Manager, Ms. Edna M. Valerio, kasama ang mga Department Heads ng kooperatiba.
Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang ilang mahahalagang usapin na may direktang epekto sa serbisyo ng kuryente sa ating barangay, kabilang ang:
⚡ Pag-aalis/Pagsasa-ayos ng BAPA (Barangay Association of Power Administration) Status ng Barangay Cabugao at ang paglipat sa direktang serbisyo ng CASURECO I;
📊 Pagsasagawa ng Comprehensive Audit at pagpapatibay ng Financial Accountability;
🌴 Pagbibigay ng Technical Assistance ng CASURECO I para sa pagputol ng mga punong niyog na nakaaapekto sa mga linya ng kuryente upang maiwasan ang mga aberya at mapanatili ang kaligtasan ng publiko;
🔌 Pagtalakay sa isyu ng mga Illegal Attachment ng mga kable ng PisoNet at PisoWiFi sa mga poste ng CASURECO I at ang koordinasyon para sa wastong pag-validate at pagsasaayos nito alinsunod sa umiiral na mga patakaran;
đź’ˇ Mga nakatakdang Future Electrification Projects at iba pang usaping may kaugnayan sa pagpapabuti ng serbisyo ng kuryente sa Barangay Cabugao.
Bilang mahalagang bunga ng pagpupulong, napagkasunduan ang pagsasagawa ng Consultative Meeting, Information Drive, at Field Pre-Membership Seminar (FPMS) sa Agosto 12, 2026 (Miyerkules), ganap na alas-1:00 ng hapon, sa Cabugao People's Covered Court, Zone 1, Barangay Cabugao, Ragay, Camarines Sur.
Inaanyayahan ang lahat ng member-consumers na makiisa at dumalo sa nasabing aktibidad kung saan tatalakayin ang mga sumusunod:
• Reorganization ng BAPA sa Barangay Cabugao;
• Comprehensive Audit at Financial Report;
• Information Drive at Symposium; at
• Iba pang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa serbisyo ng kuryente.
Ang pagpupulong na ito ay isang patunay ng matibay na pagtutulungan ng BLGU Cabugao at CASURECO I upang isulong ang isang mas bukas, responsable, at makataong pamamahala, na nakatuon sa kapakanan ng bawat mamamayan.
"Sa BLGU Cabugao, ang Serbisyong Tapat, Makatarungan at Responsable ay Patuloy na Isinasabuhay. Sapagkat ang Serbisyo-Publiko ay isang Responsibilidad at Sagradong Tiwala at Pananagutan sa ating mamamayan."