Bicol News and Updates

Bicol News and Updates The latest news from the Bicol Region.

ALAN CAYETANO AT ROBIN PADILLA, NAMATAAN SA SENADONamataan sina Senators Alan Peter Cayetano at Robin Padilla sa loob ng...
04/06/2026

ALAN CAYETANO AT ROBIN PADILLA, NAMATAAN SA SENADO

Namataan sina Senators Alan Peter Cayetano at Robin Padilla sa loob ng Senate plenary hall sa Pasay City nitong Huwebes, bago ang inaasahang muling pagdinig ng Blue Ribbon Committee.

Gayunman, nilinaw ni Senate President Pro Tempore Win Gatchalian na walang nakatakdang pagdinig ng Blue Ribbon Committee ngayong araw.

03/06/2026

STORYTELLING NI PANGULONG BONGBONG MARCOS

Nakiisa si Pangulong Bongbong Marcos sa isang storytelling activity sa Kapitbahayan Elementary School sa Navotas City bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga mag-aaral na mahilig sa pagbabasa at palakasin ang kanilang interes sa pagkatuto.

video courtesy: rtvm

'KAOGMACHELLA': BINI AT 153K BLOOMS, NIYANIG ANG KAOGMA FESTIVAL 2026Literal na niyanig ng Nation’s Girl Group na BINI a...
31/05/2026

'KAOGMACHELLA': BINI AT 153K BLOOMS, NIYANIG ANG KAOGMA FESTIVAL 2026

Literal na niyanig ng Nation’s Girl Group na BINI at ng tinatayang 153,000 na manonood ang CamSur Uptown noong May 30 para sa Day 5 ng Kaogma Festival 2026.

Ang itinuturing na "Kaogmachella" ay ang unang major performance ng P-pop sensation sa bansa matapos ang kanilang makasaysayang Coachella stint. Todo-rampa ang mga Blooms sa kanilang Coachella-inspired outfits, at "Pantropiko" ang init ng salubong nang kantahin ng grupo ang kanilang mga hit songs gaya ng "Salamin, Salamin," "Unang Kilig," "Blush," at "Bikini" na nagpayanig sa buong Cam Sur.

Bukod sa BINI, naging solid din ang gabi dahil sa world-class performance ng New:ID, sa pambansang sing-along kasama ang Six Part Invention, at sa mainit na debut ng homegrown group na CamSur Pop para sa Dance Revo.

Ito ay isang full-house at legendary night na nagpakita sa buong bansa kung paano magsaya ang probinsya. Napatunayan ng makasaysayang gabing ito na walang kapantay ang energy ng CamSur kapag nagsama na ang musika at kultura.

Dahil sa tindi ng hiyawan, mas maliwanag na mga ilaw, at bilyun-bilyong emosyon, opisyal nang pumasok sa kasaysayan ng festival ang gabing ito bilang isa sa pinakamalaki at pinaka dinagsang free concert ng Kaogma.

Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng lalawigan ng CamSur sa lahat ng nakiisa, naging disiplinado, at nagpanatili ng mataas na energy mula simula hanggang dulo. Ang tagumpay ng Day 5 ay hindi lamang tagumpay para sa P-pop kundi isang patunay ng nagkakaisang puso at kultura ng mga Bicolano.

30/05/2026

"I have never turned up the political heat. I have never attacked anyone."

WATCH: President Marcos said he should not be blamed for the current political tensions in the country, stressing that he has never declared political war nor launched attacks against anyone.

(Video courtesy of RTVM)

29/05/2026

Lumitaw sa Sandiganbayan si dating DPWH Secretary na si Manuel Bonoan kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanya.

Matatandaang kabilang si Bonoan sa mga iniuugnay sa imbestigasyon kaugnay ng umano’y iregularidad sa flood control projects.

📹 Video courtesy: Contributed

29/05/2026

Netizens react: “Game na game si Gov!” 😆 Opening number ni Gov. LRay Villafuerte, viral vibes agad

🔻 Kaogma Festival • Province of CamSur
🎪 Catch the action live at: Kaogma Festival Grounds, CamSur Uptown, Cadlan, Pili, Camarines Sur

video courtesy: The Pageant Awards Philippines

ATTENTION, KAOGMA-GOERS  | Kaogma VIP tickets are NOT FOR SALE.The Provincial Government of Camarines Sur wishes to info...
28/05/2026

ATTENTION, KAOGMA-GOERS
| Kaogma VIP tickets are NOT FOR SALE.

The Provincial Government of Camarines Sur wishes to inform the public that the Kaogma Festival is a People’s Festival — and as such, admission is absolutely FREE for everyone.

We have received reports of individuals online claiming to sell VIP tickets to the Kaogma Festival. There are NO VIP tickets for sale.

We urge the public to be vigilant and refrain from transacting with anyone selling supposed festival tickets online or in person.

If you have any information of Kaogma VIP ticket sellers, please screenshot their posts and share it here so we can act on them accordingly.

📅 Until May 31, 2025
📍 CamSur Uptown, Pili, Camarines Sur
🎟️ FREE Admission — No tickets required

Source: Province of CamSur

25/05/2026

MARCOS, NAGPAHATID NG TULONG SA MGA NASUNUGAN SA MAYNILA

Bumisita si Pangulong Bongbong Marcos sa Delpan Sports Complex at Delpan Evacuation Center sa Maynila nitong Lunes upang kumustahin ang kalagayan ng mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Parola Compound.

Ayon sa Pangulo, namamahagi ang pamahalaan ng hygiene kits, family cooking kits, food packs, at tig-P10,000 financial assistance para sa mga biktima.

Dagdag pa niya, magbibigay rin ang National Housing Authority (NHA) ng P30,000 assistance para makatulong sa muling pagbili ng mga gamit at pagbangon ng mga naapektuhang pamilya.

23/05/2026

‘PARANG WALANG NANGYARI? HINDI PO.’

Itinanggi ni Senate President Alan Peter Cayetano ang pahayag ni Sen. Risa Hontiveros na “parang walang nangyari” sa Senado matapos ang insidente ng putukan noong Mayo 13.

Ayon kay Cayetano, hindi nila binabalewala ang insidente at dapat itong tugunan nang may propesyonalismo.

Nilinaw naman ni Hontiveros na ang kaniyang naging pahayag ay tumutukoy sa mga naging aksyon ng Senado matapos ang habulan at barilan.

‘IT WAS NOT ABOUT EXTRAJUDICIAL KILLINGS’Inilarawan ni Senate President Alan Peter Cayetano bilang isang “pro-life campa...
23/05/2026

‘IT WAS NOT ABOUT EXTRAJUDICIAL KILLINGS’

Inilarawan ni Senate President Alan Peter Cayetano bilang isang “pro-life campaign” ang war on drugs ng dating pangulong Rodrigo Duterte.

“It really destroys families and communities, so for many of those who were on the side of declaring war on drugs, it was not about extrajudicial killings because we do not excuse that. Ang sinasabi nga natin, you have to do it the right way,” saad ni Cayetano sa isang Facebook Live.

Address

Ragay
4410

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bicol News and Updates posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share