Drilon, Pet

Drilon, Pet Public Servant

Eid’l fitr al-Mubarak sa ating Muslim brothers and sisters!
30/03/2025

Eid’l fitr al-Mubarak sa ating Muslim brothers and sisters!

Ang inyong lingkod ay walang ibang hangad kundi ang mapagsilbihan ang mga taong napamahal na sa akin at ng aking pamilya...
06/05/2022

Ang inyong lingkod ay walang ibang hangad kundi ang mapagsilbihan ang mga taong napamahal na sa akin at ng aking pamilya, na maipatupad ang aking mga plano para sa ating Bayan.

Makikita ng lahat ng tao sa Rizal ang aking simpleng pamumuhay at naniniwala ako na hindi ang kayamanan ang magpapasaya sa akin, kundi ang mapagsilbihan kayo sa paraan na kung saan mapapaunlad ang buhay ng ating mga pamilya at ng susunod na henerasyon.

Hiling ko lang na mabigyan ninyo ako ng pagkakataon na maipakita ang tunay na paninilbihan na may malasakit sa pinakamababa sa atin, at may takot sa Diyos. Pag ako ang papalarin na maglingkod, titiyakin ko na kayo din ang manananalo at hindi lang ako.

Katulad ng pakisalamuha ko sa organizational meeting ng Naw-naw IP's Farmers Association sa Barangay Iraan na kuha sa larawan sa ibaba, patuloy ko itong gagawin. Mabuhay po tayong lahat!

Para sa inyong lingkod, isang mahalagang papel ang ginagampanan ng bawat opisyal ng gobyerno para masigurado na ang pera...
05/05/2022

Para sa inyong lingkod, isang mahalagang papel ang ginagampanan ng bawat opisyal ng gobyerno para masigurado na ang pera o kayamanan ng bayan ay nagagamit sa maayos at sa paraang walang bahid ng kahit anong korapsyon o duda man ng korapsyon.

Kung papalarin tayo ay magiging bukas ang ating pamamahala sa lahat ng taga Rizal para hilingin na makita ang sitwasyon ng Rizal sa pamamalakad na pinansyal. Magiging open at transparent po tayo sa lahat kung ano at paano nagagamit ang inyong buwis na pinaghirapan ninyong ibayad sa ating pamahalaan.

Ang mga larawan sa ibaba ay Seminar patungkol sa Barangay Fiscal Administration sa Municipal Lagoon para mapaintindi natin ang importansya ng maayos na pagdala ng yaman ng bayan sa munisipyo man o sa barangay.

Iboto ang taong walang bahid ng korapsyon at may takot sa Diyos. Malapit na magbunga ang ating mga pinaghirapan.

Aking titiyakin na kapag ako ay palarin na maging inyong lingkod, na pupuntahan ko kayo at kakausapin isa-isa para marin...
05/05/2022

Aking titiyakin na kapag ako ay palarin na maging inyong lingkod, na pupuntahan ko kayo at kakausapin isa-isa para marinig ang inyong mga suhestiyon at maging mga hinaing sa ating bayan.

Alam ko na ang solusyon ay minsan nanggagaling sa ating mga kababayan. Kailangan lang natin marinig at maisakatuparan ang mga plano na ito. Kayo po ang nakakaranas ng mga problema at pangangailangan kaya diringgin ko kayo nasaan man kayo sa ating Bayan ng Rizal.

Ang mga larawan na ito ay kuha sa Sitio Tubo Farmers Association Regular Meeting sa Barangay Punta Baja.

Isang beses lang po tayo makakapili ng maglilingkod sa atin sa loob ng tatlong taon kaya kailangan pag-isipan ng mabuti ang desisyon natin. Nasa inyong mga kamay ang pag-unlad ng ating bayan.

Ako ay naniniwala na tayong lahat ay magkapatid sa iisang pananampalataya na pag tayo ay nagtulongan at nagbibigay ng re...
05/05/2022

Ako ay naniniwala na tayong lahat ay magkapatid sa iisang pananampalataya na pag tayo ay nagtulongan at nagbibigay ng respeto sa bawat isa, tayo ay sama-samang uunlad at mas maging matiwasay at ating pamumuhay.

Lahat ng ating ginagawa ay nakatuon para sa susunod na henerasyon na sila ay makaranas ng mas maalwan na buhay at masagana at may pag-asa sa pagharap ng mga ibat-ibang hamon.

Kasama ko dito ang ating mga kapatid at kaibigang mga Muslim at isang masayang Eid El Fitr sa panahon ng Ramadan.

Pumili tayo ng may respeto sa bawat isa na kayang pag-isahin ang ating ibat ibang adhikain at pananampalataya para makamit ang pag-unlad para sa susunod na henerasyon.

Mabuhay po tayong lahat! Eto po ang iyong lingkod Pet Drilon!

Ang kaligayahan ko ay ang makita ang aking kababayan na may ngiti at tuwa dahil nakapag-abot ako ng tulong na mahalaga a...
03/05/2022

Ang kaligayahan ko ay ang makita ang aking kababayan na may ngiti at tuwa dahil nakapag-abot ako ng tulong na mahalaga at magdudulot ng pangmatagalang benepisyo sa ating sambayanan.

Kung papalarin ay lalo nating palalawigin ang tulong na may malasakit lalo na sa mga bagay na sobrang kinakailangan ng ating mga kababayan.

Ito ay ang ating potable water supply community project sa Purok Katutubo.

Maaasahan ninyo na hindi masasayang ang boto ninyo ‘pag si Pet Drilon ang pinili ninyo. Tuloy ang malasakit at tulong, tuloy ang serbisyong may takot sa Diyos.

02/05/2022

Sa lahat ng ating mga Kababayang Muslim, Isang Masaya at Mapagpalang Eid El Fitr.

Patuloy ang aking pasasalamat sa inyong suporta at tulong.

Ang makakaintindi sa mga magsasaka ay ang kapwa magsasaka, at ang mga taong may tunay na malasakit sa kanila. Ang inyong...
02/05/2022

Ang makakaintindi sa mga magsasaka ay ang kapwa magsasaka, at ang mga taong may tunay na malasakit sa kanila. Ang inyong lingkod ay titiyakin na lahat ng tulong ay maibibigay natin sa mga taong nagbibigay ng ating pagkain.

Hindi natin mabibili ang lahat ng bagay. Hindi natin makakain ang pera kaya napakahalaga ng papel ng ating mga magsasaka. Layunin natin na sila ay mabigyan ng suporta sa lupa na sasakahin, sa binhi na itatanim, sa pataba, sa patubig, sa teknolohiya at kaalaman, at tulong sa mga gastusin ng pagtanim at pag-ani, maging ang pagbenta sa merkado sa halagang hindi sila malulugi.

Ang pag-unlad ng magsasaka ay pag-unlad ng bayan ng Rizal at ng buong Pilipinas.

Ang mga larawan ay kuha sa meeting sa municipal agriculture office kasama ang Rizal Farmers Federation.

Aasahan ng ating mga mamamayan sa Rizal na ako ay mananatili na madaling kausap, madaling lapitan, at kasama ninyo sa pa...
02/05/2022

Aasahan ng ating mga mamamayan sa Rizal na ako ay mananatili na madaling kausap, madaling lapitan, at kasama ninyo sa pangaraw-araw na buhay. Dito ko nakikita ang tunay na saya ng ating mga kababayan, ang tawanan at pakikisalamuha ng tunay.

Maging ano man ang posisyon natin sa lipunan alam natin na tayong lahat ay tao at dapat may respeto sa karapatan ng bawat isa. Dito nagkakaroon ng tunay na ugnayan.

Kasama ko dito mag-coffee ang mga purok leaders sa Purok Katutubo ng Bgy. Punta Baja.

Ilang araw na lang at tayong lahat ay muling boboto. Humihingi po ako sa inyo ng tulong na ipanalo ang isang matapat, may malasakit, may paninindigan at may takot sa Diyos na pamamahala sa ating bayan.

Ang inaasam natin ay ang gobyerno na marunong makinig na may malasakit at simpatiya sa mga nararamdaman ng kanyang mga n...
01/05/2022

Ang inaasam natin ay ang gobyerno na marunong makinig na may malasakit at simpatiya sa mga nararamdaman ng kanyang mga nasasakupan.

Makakaasa kayo kung papalarin tayo sa inyong tulong na pag-isahin ang mga opisyales simula sa munisipyo hanggang sa pinakamababang kawani ng gobyerno ng Rizal, maging ang mga kapitan o mga tanod man, na tutugunan natin ang mga issue at problemang kinakaharap natin para sa tuluyang pagunlad ng ating bayan.

Lagi tayong makikinig at lagi tayong gagawa ng paraan para sa ikabubuti ng lahat.

Ang mga larawang ito ay kuha sa pakikipagpulong natin sa mga kapitan ng ating bayan.

Address

Rizal
5323

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Drilon, Pet posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Drilon, Pet:

Share

Category