Sangguniang Kabataan Rizal, Nueva Ecija Federation

Sangguniang Kabataan Rizal, Nueva Ecija Federation This is the official page of the Sangguniang Kabataan Rizal, Nueva Ecija Federation.

π—§π—œπ—šπ—‘π—”π—‘ | Bilang Lider ng Kabataang RizaleΓ±os, paano mo maipapakita ang Puso at Galing sa Paglilingkod?Para kay SK Chairp...
30/08/2026

π—§π—œπ—šπ—‘π—”π—‘ | Bilang Lider ng Kabataang RizaleΓ±os, paano mo maipapakita ang Puso at Galing sa Paglilingkod?

Para kay SK Chairperson Steven Michael Catacutan ng Barangay Poblacion Central, hindi kailangang hintayin ang tamang edad upang makapaglingkod. Habang bata pa, may lakas, oras, at kakayahan ang kabataan upang kumilos para sa kapwa at makatulong sa komunidad.

Naniniwala siyang ang kabataan ay hindi lamang dapat mangarap para sa sarili, kundi dapat ding maging bahagi ng mga pagbabago sa kanilang lugar. Sa pamamagitan ng pakikinig sa pangangailangan ng kapwa kabataan at paggawa ng mga programang may tunay na pakinabang, naipapakita ang Puso at Galing sa Paglilingkod.

Patuloy na magsilbing mabuting halimbawa at inspirasyon sa ating mga Kabataang RizaleΓ±os!





29/08/2026

RizaleΓ±os, i-save niyo na ’to sa phone at i-share ang post! πŸ“²πŸ’™

Sa oras ng emergency, bawat segundo mahalagaβ€”kaya dapat alam natin agad kung sino ang tatawagan.

I-screenshot ang ating Emergency Hotline Numbers at pakishare na rin sa inyong profile, sa family GC, barangay GC, kapitbahay at mga kaibigan para mas marami ang may kopya. πŸš‘πŸš’πŸš“

Isang save. Isang share. Malaking tulong para sa mas ligtas na Rizal. Ingat po tayo palagi πŸ™πŸ»πŸ’™

πŸ’«
🩡
πŸ’™

29/08/2026
29/08/2026
LIKHA NG KABATAAN, KUWENTO NG BAYAN!
28/08/2026

LIKHA NG KABATAAN, KUWENTO NG BAYAN!

π‹ππŠ' πŸπŸ”| ππ‘πŽπ‰π„π‚π“ 𝐏𝐬𝐲𝐀𝐂𝐀𝐏: Mental Health First Aid for Community and Youth Leaders Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo...
28/08/2026

π‹ππŠ' πŸπŸ”| ππ‘πŽπ‰π„π‚π“ 𝐏𝐬𝐲𝐀𝐂𝐀𝐏: Mental Health First Aid for Community and Youth Leaders

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, matagumpay na isinagawa ng Local Youth Development Office (LYDO), sa pangunguna ni Local Youth Development Officer Mark Andrew U. Fernandez, ang PROJECT PsyACAP: Mental Health First Aid for Community and Youth Leaders noong Agosto 27, 2026, sa Municipal Conference Hall, Rizal, Nueva Ecija.

Isinagawa ang programa sa pakikipagtulungan ng NEUST Psychology Department, Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Officers, at Health Optimizing Physical Education (HOPE) Club.

Sa pamamagitan ng Project PsyACAP, patuloy nating isinusulong ang kamalayan sa mental health at pinalalakas ang kakayahan ng ating community at youth leaders na magbigay ng nararapat na suporta at malasakit sa kapwa.

Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na nakikinig, umuunawa, at kumikilos para sa kalusugang pangkaisipan ng bawat Kabataang RizaleΓ±o!






π—§π—œπ—šπ—‘π—”π—‘ | Bilang Lider ng Kabataang RizaleΓ±os, paano mo maipapakita ang Puso at Galing sa Paglilingkod?β€œAng tunay na pagl...
28/08/2026

π—§π—œπ—šπ—‘π—”π—‘ | Bilang Lider ng Kabataang RizaleΓ±os, paano mo maipapakita ang Puso at Galing sa Paglilingkod?

β€œAng tunay na paglilingkod ay may tamang layunin, paraan, at epekto.”

Para kay SK Chairperson Jan Noel Balunes ng Barangay Poblacion Norte, ang Puso at Galing sa Paglilingkod ay naipapakita sa pagtiyak na ang bawat programa, proyekto, at aktibidad ng SK ay tunay na kapaki-pakinabang sa mga kabataan at sa buong komunidad.

Para sa kanya, hindi sapat na basta may magawa. Mahalaga ring tiyakin na tama ang layunin, maayos ang paraan, at may positibong epekto ang bawat hakbang sa buhay ng mga taong kanilang pinaglilingkuran.

Bilang SK Chairperson, ipinagkakatiwala niya sa Diyos ang kanyang paglilingkod. Sa Kanya siya kumukuha ng lakas at gabay upang gamitin ang kanyang impluwensya sa paggawa ng mabuti, maging mabuting halimbawa sa kapwa kabataan, at manindigan sa nararapat habang patuloy na naglilingkod nang may malasakit.

β€œAng paglilingkod na ginagabayan ng Diyos ay paglilingkod na may puso, layunin, at tunay na malasakit sa kapwa.”

Patuloy na magsilbing mabuting halimbawa at katuwang sa pag-unlad ng mga Kabataang RizaleΓ±os!





27/08/2026

The province has spoken. The mission has begun. πŸ‡΅πŸ‡­πŸ”₯

MARK IAN REPANCOL is ready to carry the pride, passion, and spirit of Nueva Ecija to the Mr. Philippines 2027 stage.

With every step, every challenge, and every momentβ€”he carries with him the dreams of an entire province.

πŸ‘‘ LABAN, NUEVA ECIJA!
🌾 LABAN, TEAM PALAY!

27/08/2026

WALANG FACE-TO-FACE CLASSES BUKAS, RIZALEΓ‘OS!

Alinsunod sa direktiba ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng Executive Order No. 26, Series of 2026, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, public at private, bukas sa buong Nueva Ecija, Biyernes, August 28, 2026.

Mag-ingat po ang lahat at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na abiso para sa susunod na updates. πŸ™πŸ»

πŸ”—: https://www.facebook.com/share/1BTpDDBbuk/?mibextid=wwXIfr

πŸ’«
πŸ’™πŸŒŸ

Address

Rizal, Nueva Ecija
Rizal

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan Rizal, Nueva Ecija Federation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share