FITS Rizal Municipal Agriculture Office

FITS Rizal Municipal Agriculture Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from FITS Rizal Municipal Agriculture Office, Government Organization, Arban Street Brgy. Pauli-II, Rizal.

Enero 30, 2026Ngayong araw ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga pangulo ng lahat ng samahan ng mag-gugulay sa bayan ng Ri...
30/01/2026

Enero 30, 2026

Ngayong araw ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga pangulo ng lahat ng samahan ng mag-gugulay sa bayan ng Rizal Laguna. Tinalakay dito ang mga sumusunod:

• UPDATED ACTIVE MASTERLIST PER FARMER’S COOPERATIVE ASSOCIATION
• AGRICULTURAL AREA AND PLANTED CROPS PER BARANGAY
• STATUS OF INTERVENTION RECEIVED FROM DA-SAAD REGION 4-A
• HIGH VALUE CROP MONTHLY REPORT (AREA PLANTED, AREA HARVESTED & AREA PRODUCTION)
• PEST AND DISEASE MONITORING
• TECHNOLOGY FARM DEMONSTRATION
• MARKET SUPPLY REQUEST (MS FORM, MASTERLIST AND SATISFACTION)
• PRICE MONITORING (FARMGATE PRICE)
• GULAYAN SA BAYAN (SNAFAI)
• BARANGAY LAGUAN ASSOCIATION
• STATUS OF ROTARY COMPOSTER AND SHREDDER (PAULE 2, TALAGA, TALA, RRC)
• FCA OF BARANGAY PAULE DOS
• FCA OF BARANGAY ANTIPOLO (URARO FARMERS)
•COMPULSORY SOIL TESTING TO EVERY HVC FARMERS
•PCIC



𝗖𝗥𝗢𝗣 𝗜𝗡𝗦𝗨𝗥𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗠𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗛𝗘𝗤𝗨𝗘 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 Enero 30, 2026 ay nagsagawa ng pamamahagi ng crop insurance indemnity chequ...
30/01/2026

𝗖𝗥𝗢𝗣 𝗜𝗡𝗦𝗨𝗥𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗠𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗛𝗘𝗤𝗨𝗘 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡

Enero 30, 2026 ay nagsagawa ng pamamahagi ng crop insurance indemnity cheque ang Municipal Agriculture Office sa ilalim ng pamumuno ng ating butihing Punong Bayan Kgg. Vener Muñoz , Pangalawang Punong Bayan Kgg. Antonino Aurelio sampu ng Sangguniang Bayan ng Rizal. Ito ay pinangasiwaan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa pangunguna ni G. Marialyn T. Rey, kasama ang Pambayang Agrikultor Dr. Aldwin Sumague Subijano.

Bilang kabayaran sa ating apektadong mag-aalaga ng baboy ay tinanggap ni G. Rodwin Formales ang Indemnity Cheque na may kabuuang halaga na P13,050 pesos.

Ang Philippine Crop Insurance Corporation ay layuning magbigay tulong sa mga lokal na magsasaka, mag-aalaga ng hayop at magngingisda laban sa natural na kalamidad, mga sakit sa halaman, mga peste o mga nakakahahawang sakit sa hayop.



𝗖𝗥𝗢𝗣 𝗜𝗡𝗦𝗨𝗥𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗠𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗛𝗘𝗤𝗨𝗘 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 Enero 29, 2026 ay nagsagawa ng pamamahagi ng crop insurance indemnity chequ...
29/01/2026

𝗖𝗥𝗢𝗣 𝗜𝗡𝗦𝗨𝗥𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗠𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗛𝗘𝗤𝗨𝗘 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡

Enero 29, 2026 ay nagsagawa ng pamamahagi ng crop insurance indemnity cheque ang Municipal Agriculture Office sa ilalim ng pamumuno ng ating butihing Punong Bayan Kgg. Vener Muñoz , Pangalawang Punong Bayan Kgg. Antonino Aurelio sampu ng Sangguniang Bayan ng Rizal. Ito ay pinangasiwaan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa pangunguna ni G. Marialyn T. Rey, kasama ang Pambayang Agrikultor Dr. Aldwin Sumague Subijano.

Bilang kabayaran sa ating mga apektadong mag-aalaga ng baboy, kalabaw at pananim na gulay ay tinanggap nila ang Indemnity Cheque na may kabuuang halaga na P32,300 pesos.

Ang Philippine Crop Insurance Corporation ay layuning magbigay tulong sa mga lokal na magsasaka, mag-aalaga ng hayop at magngingisda laban sa natural na kalamidad, mga sakit sa halaman, mga peste o mga nakakahahawang sakit sa hayop.



LIBRENG AGRI INSURANCE PARA SA MAGSASAKA AT MANGINGISDA, MAS PINALAWAK NGAYONG 2026Mas malaki na ang agricultural insura...
28/01/2026

LIBRENG AGRI INSURANCE PARA SA MAGSASAKA AT MANGINGISDA, MAS PINALAWAK NGAYONG 2026

Mas malaki na ang agricultural insurance coverage ng mga magsasaka at mangingisda ngayong 2026 dahil sa pinalakas na budget ng Philippine Crop Insurance Corporation sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act (GAA).

Umabot sa ₱6.5 bilyon ang inilaan na pondo para sa programa, 45% na mas mataas kumpara sa budget noong nakaraang taon.

Dahil dito, tumaas sa P25,000 ang maximum insurance cover para sa palay at mais, at tinatayang 2.93 milyong magsasaka at mangingisda na ang mai-insure sa ilalim ng libreng programa.



ctto. Sec. Laurel

𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗞𝗢 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔, 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔-𝗞𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗘-𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗢𝗬 ⚠️🐖“BaBay A...
17/12/2025

𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗞𝗢 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔, 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔-𝗞𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗘-𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗢𝗬 ⚠️🐖

“BaBay ASF PROGRAM IN THE MUNICIPALITY OF RIZAL LAGUNA”
ORDINANCE NO. 006-2024

Magandang araw po muli!

Mag ingat po sa pagbili ng karne sa hindi awtorisadong bilihan ng karneng baboy lalo na kung walang ANIMAL HEALTH CERTIFICATE na maipakita , frozen na karneng baboy na maaring galing sa ibang bayan na infected ng African Swine Fever. Kasama na dito ang online selling , kinatay sa tabing bahay o angkat na karne o produktong karne (tapa, longganisa atbp) mula sa ibang bayan.

Ang mga ganitong gawain ay maaring mag dulot ng lalong pag kalat ng sakit tulad ng African SWINE FEVER o ASF at makapaminsala sa ating mga mag aalaga ng baboy sa ating bayan.

Tanging ang PAMILIHANG BAYAN NG RIZAL lang po ang awtorisadong lugar na pwede nating pagkunan o bilhan ng prokuktong karneng baboy upang tayo ay maging ligtas at protektado laban sa ASF. Ugaliing mag tanong ng ANIMAL HEALTH CERTIFICATE na inyong karapatan bilang mamimili.

Sa ilalim ng ordinansa bilang 006-2024 ng BaBay ASF program Section 20 ay nakasaad dito, kung sinoman po ang magbebenta ng baboy na apektado ng ASF ay maaaring mag multa ng P2,500 pesos at makulong ng hanggang (6) anim na buwan.

Magka-isa tayong labanan ang ASF, maging mapanuri at mapag-matyag laban sa mga pasaway na gumagawa ng illegal patungkol dito.

Narito po ang sample ng ANIMAL HEALTH CERTIFICATE na dapat niyong hanapin dito sa Bayan ng Rizal kung sila ay may tindang produkto mula sa baboy. Dapat original.

PAALALA: Libre po ang ANIMAL HEALTH CERTIFICATE. Documentary stamp at Official Receipt po na kalakip ng dokumentong ito ang kailangan bilhan o bayaran kung sa labas ng Rizal magbebenta ng baboy. Mangyari lamang na kumuha na po ng Animal Health Certificate mula Lunes hanggang Biyernes (8 am to 5 pm).

Mga araw na walang pasok ngayon g Disyembre 2025:
🗓️ December 19
🗓️ December 25
🗓️ December 30
🗓️ December 31
- mangyari lamang na kumuha na ng Animal Health Certificate bago ang mga araw na ito
Maraming salamat po!

YOUNG FARMERS CHALLENGE (YFC) PROGRAM 2025 REGIONAL AWARDING CEREMONY AND YFC SUMMIT 𝙏𝙝𝙞𝙨 𝙢𝙤𝙢𝙚𝙣𝙩𝙤𝙪𝙨 𝙚𝙫𝙚𝙣𝙩 𝙞𝙨 𝙖 𝙧𝙚𝙢𝙞𝙣𝙙𝙚𝙧 ...
16/12/2025

YOUNG FARMERS CHALLENGE (YFC) PROGRAM 2025 REGIONAL AWARDING CEREMONY AND YFC SUMMIT

𝙏𝙝𝙞𝙨 𝙢𝙤𝙢𝙚𝙣𝙩𝙤𝙪𝙨 𝙚𝙫𝙚𝙣𝙩 𝙞𝙨 𝙖 𝙧𝙚𝙢𝙞𝙣𝙙𝙚𝙧 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙮𝙤𝙪𝙣𝙜 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚 𝙝𝙖𝙫𝙚 𝙖 𝙥𝙡𝙖𝙘𝙚 𝙞𝙣 𝙖𝙜𝙧𝙞𝙘𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙚. 𝙏𝙝𝙚𝙮 𝙖𝙧𝙚 𝙣𝙤𝙩 𝙟𝙪𝙨𝙩 𝙩𝙝𝙚 𝙛𝙪𝙩𝙪𝙧𝙚—𝙩𝙝𝙚𝙮 𝙖𝙧𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝙥𝙧𝙚𝙨𝙚𝙣𝙩. 𝘼𝙣𝙙 𝙩𝙝𝙚𝙮 𝙖𝙧𝙚 𝙧𝙚𝙖𝙙𝙮 𝙩𝙤 𝙡𝙚𝙖𝙙, 𝙞𝙣𝙣𝙤𝙫𝙖𝙩𝙚, 𝙖𝙣𝙙 𝙜𝙧𝙤𝙬. 🌱☘️💚🪏

Meet the future of farming! Congratulations to Mr. Mc Rovie Encabo of the Young Farmers Challenge 2025! He has secured a spot out of 62 YF challengers and has won the provincial scale category with a business name: RIZAL AGRI-VENTURES DRAGON FRUIT FLAVOR. Your dedication to sustainable agriculture is inspiring. Keep growing, keep learning and keep innovating! The Municipal Government of Rizal, Laguna Municipal Agriculture Rizal Laguna is beaming with pride! Your hard work and dedication to farming have paid off!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-107 daang taon na pagkakatatag ng bayan ng Rizal, inaanyayahan ng Lokal na Pamahalaa...
08/12/2025

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-107 daang taon na pagkakatatag ng bayan ng Rizal, inaanyayahan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Rizal sa ilalim ng Pamumuno ng ating butihing Punong Bayan Kgg. Vener Muñoz ang lahat ng mga magsasaka at lokal na producer na makiisa at magtinda ng kanilang mga produktong pang-agrikultura tulad ng bigas, gulay, prutas, isda, livestock products, at mga by-products ng agrikultura sa gaganaping 2025 YEAR-END LOCAL KADIWA: Agricultural and Veterinary Service na magtatampok ng 1). Local Farmer's Food Gala 2). Rabies Vaccination and Consultation for Companion (Cats & Dogs) & Large Animals.

📅 𝐏𝐞𝐭𝐬𝐚: Disyembre 16, 2025
🕗 𝐎𝐫𝐚𝐬: 7 AM - 12 PM
📍 𝐋𝐮𝐠𝐚𝐫: New Evacuation Center, Brgy. Paule 2, Rizal Laguna

Ito ay isang magandang pagkakataon upang ipakita at maibenta ang mga lokal na produkto, makilala ang iba pang magsasaka, at ipagmalaki ang ani ng ating bayan! 💚

Tara na at maging bahagi ng selebrasyon na nagbibigay-pugay sa ating mga magsasaka—ang tunay na bayani ng agrikultura! 🌾👨🏻‍🌾🐤🐄🐖🐟🐴🦆

Para sa mga interesadong lumahok, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng Pambayang Agrikultor bukas alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Turnover Ceremony of the Micro Mill and Biomass Shredder MachineWe express our heartfelt gratitude to the Department of ...
02/12/2025

Turnover Ceremony of the Micro Mill and Biomass Shredder Machine

We express our heartfelt gratitude to the Department of Agriculture Region IV-A CALABARZON and DOST-PCAARRD in the turnover ceremony of the Micro Mill and Biomass Shredder Machine to the Municipal Government of Rizal Laguna. Your presence honored the occasion and highlighted the importance of this milestone.

This equipment will significantly enhance our operations, contributing to sustainable livelihood of our agricultural sector and environmental conservation. We appreciate your support and look forward to continued collaboration.

PAALALA! ⚠️Magandang araw po! Para sa kabatiran po ng lahat, ang bayan ng Rizal ay kasalukuyang PINK ZONE o walang kaso ...
24/02/2025

PAALALA! ⚠️

Magandang araw po!

Para sa kabatiran po ng lahat, ang bayan ng Rizal ay kasalukuyang PINK ZONE o walang kaso ng AFRICAN SWINE FEVER. Bagamat walang kaso, patuloy pa rin po ang pagpa-paalala ng aming tanggapan patungkol sa FREE LIVESTOCK INSURANCE.

Ano ang mga kailangan gawin o dalhin para makapag insurance?
1. Printed picture ng alagang hayop, dapat buong katawan ang kita.
2. 1 photo copy ng valid ID
3. Video ng alagang hayop sa mismong araw ng pagpa-file ng insurance. Katunayang buhay pa ang alagang hayop.

-----
Ano ang mga alagang hayop na pwede ipa-insure ng libre?
BAKA, KALABAW, KABAYO, BABOY, TUPA, KAMBING at MANOK.

Kung may katanungan, mag punta lang po dito sa Municipal Agriculture Office.

Salamat!

ANUNSYO PUBLIKO: Ipinababatid po naming sabihin sa lahat ng mga magsasaka, mag-aalaga ng hayop at mangingisda, simula bu...
08/09/2024

ANUNSYO PUBLIKO:

Ipinababatid po naming sabihin sa lahat ng mga magsasaka, mag-aalaga ng hayop at mangingisda, simula bukas Setyembre 09, 2024 ay narito po bagong pamantayan at polisiya ng Philippine Crop Insurance Corporation kung gaano kalawak at karami ang maaaring maipa-seguro ng bawat indibidwal:

📍LAWAK NG LUPA PARA SA TANIM NA GULAY O PALAY:
0.25 to 1.5 hectares

📍MGA ALAGANG HAYOP:
✓ Baka, Kalabaw, Kabayo = 5 heads
✓ Baboy (breeder) = 5 heads
✓ Baboy (fattener) = 10 heads
✓ Kambing (breeder) = 5 heads
✓ Kambing (fattener) = 10 heads

***************
Anong edad ng hayop ito maaaring ipa-seguro? ⬇️

✓BAKA at KALABAW = 7 months to 17 years old
✓KABAYO = 1 year old to 17 years old
✓ BABOY (breeder) = 6 months to 4 years old
✓ BABOY (fattener) = 45 days to 6 months
✓ KAMBING (fattener & breeder) = 4 months to 7 years old

*************
Ano ang mga requirements na kailangan para makapag-insure ng tanim na gulay at alagang hayop?

✓ GULAY -
photo copy ng valid ID na may 3 pirma

✓ HAYOP -
photo copy ng valid ID na may 3 pirma at printed na larawan ng alagang hayop

Sa mga may katanungan, magtungo po sa Municipal Agriculture Office.

Maraming salamat po!

Paalala po sa lahat ng mga magsasaka, mangingisda o may alagang hayop, mangyari po lamang na magtungo sa Municipal Agric...
01/09/2024

Paalala po sa lahat ng mga magsasaka, mangingisda o may alagang hayop, mangyari po lamang na magtungo sa Municipal Agriculture Office upang mag-ulat patungkol sa mga nasirang pananim, namatay na hayop o isda.

Ang inyong agarang tugon sa pag uulat ng nasalanta ng anomang kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha at iba pa na nakasira sa ating mga pananim, nagdulot ng pagkasawi ng ating alagang hayop at pagkasalanta ng ating pangisdaan ay malaking tulong para matugunan namin ang pangunahing kailangan upang makabawi muli sa ating kabuhayan sa bukid.

Ang pag papatala bilang magsasaka sa Registry System for Basic Sector in Agriculture at pagkuha ng libreng insurance ng ating pananim at alagang hayop ay malaking tulong para mabigyang seguridad ang inyong kabuhayan sa bukid.

Magtungo sa ating tanggapan ng Agrikultura sa ating Munisipyo mula Lunes hanggang Biyernes (9 am to 4 pm).

📍TANDAAN: 3 ARAW MULA PAGKASIRA LAMANG PO ANG PALUGIT SA PAG-UULAT NG MGA NAPINSALANG PANANIM, HAYOP AT ISDA

📍KUNG ANG INYONG PANANIM NA NASIRA O HAYOP NA NAMATAY AY INSURED, PWEDE NA PO ITO GAWAN NG REPORT PARA I-CLAIM

MARAMING SALAMAT PO!

“BaBay ASF PROGRAM IN THE MUNICIPALITY OF RIZAL LAGUNA” ORDINANCE NO. 006-2024Magandang araw po muli!Mag ingat po sa pag...
23/08/2024

“BaBay ASF PROGRAM IN THE MUNICIPALITY OF RIZAL LAGUNA”
ORDINANCE NO. 006-2024

Magandang araw po muli!

Mag ingat po sa pagbili ng karne sa hindi awtorisadong bilihan ng karneng baboy lalo na kung walang ANIMAL HEALTH CERTIFICATE na maipakita , frozen na karneng baboy na maaring galing sa ibang bayan na infected ng African Swine Fever. Kasama na dito ang online selling , kinatay sa tabing bahay o angkat na karne o produktong karne (tapa, longganisa atbp) mula sa ibang bayan.

Ang mga ganitong gawain ay maaring mag dulot ng lalong pag kalat ng sakit tulad ng African SWINE FEVER o ASF at makapaminsala sa ating mga mag aalaga ng baboy sa ating bayan.

Tanging ang PAMILIHANG BAYAN NG RIZAL lang po ang awtorisadong lugar na pwede nating pagkunan o bilhan ng prokuktong karneng baboy upang tayo ay maging ligtas at protektado laban sa ASF. Ugaliing mag tanong ng ANIMAL HEALTH CERTIFICATE na inyong karapatan bilang mamimili.

Sa ilalim ng ordinansa bilang 006-2024 ng BaBay ASF program Section 20 ay nakasaad dito, kung sinoman po ang magbebenta ng baboy na apektado ng ASF ay maaaring mag multa ng P2,500 pesos at makulong ng hanggang (6) anim na buwan.

Magka-isa tayong labanan ang ASF, maging mapanuri at mapag-matyag laban sa mga pasaway na gumagawa ng illegal patungkol dito.

Narito po ang sample ng ANIMAL HEALTH CERTIFICATE na dapat niyong hanapin dito sa Bayan ng Rizal kung sila ay may tindang produkto mula sa baboy. Dapat original.

Maraming salamat po!

Address

Arban Street Brgy. Pauli-II
Rizal
4003

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FITS Rizal Municipal Agriculture Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to FITS Rizal Municipal Agriculture Office:

Share