Kapitan Geraldo Episioco

Kapitan Geraldo Episioco "Devoted to serving the community with heart and soul!"

General Assembly Day – 1st Quarter 💚Isang pagtitipon para magkaisa, magplano, at mas pagbutihin pa ang mga susunod na ha...
29/03/2026

General Assembly Day – 1st Quarter 💚
Isang pagtitipon para magkaisa, magplano, at mas pagbutihin pa ang mga susunod na hakbang.
Stronger together tayo this year!

(pero lowkey umaasa manalo sa raffle draw 🤔😂)

Good luck, sa ating mga players ng SALVACION!Hindi ko kayo tinitingnan bilang simpleng players lang, kundi bilang mga ka...
29/03/2026

Good luck, sa ating mga players ng SALVACION!

Hindi ko kayo tinitingnan bilang simpleng players lang, kundi bilang mga kabataan na may pangarap, determinasyon, at puso para sa lugar na pinanggalingan niyo. Ang bawat pawis na tumulo sa training, bawat pagod na tiniis niyo hindi ‘yan nasayang. Lahat ‘yan dala niyo sa laban na ‘to.

Hindi man kami kasama sa loob ng court, pero ang bawat dribble, bawat pasa, bawat tira niyo ramdam namin. Kasama niyo kami sa bawat laban. At hindi lang pangalan niyo ang dala niyo, kundi buong barangay na naniniwala sa kakayahan niyo.

Manalo man o matalo, ang importante ay ipinaglaban niyo nang buong puso, walang pagsisisi, walang iwanan. Ipagmalaki niyo kung sino kayo at saan kayo nanggaling.

At tandaan niyo kahit anong mangyari, panalo pa rin kami kasi kayo ang kumakatawan sa amin.

Laban lang, mga anak. Nandito lang kami, sumusuporta, naniniwala, at sobrang proud sa inyo. ❤️

-Tatay Kap❤️

Address

Salvacion
Rizal

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapitan Geraldo Episioco posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category