08/04/2026
📢 MAHALAGANG PAALALA SA PUBLIKO
Mahigpit na ipinapaalala sa lahat ng mga developer:
❗ BAWAL magbenta ng lote
❗ BAWAL magpa-reserve
❗ BAWAL mag-advertise
kung wala pong kaukulang License to Sell (LTS) mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Alinsunod sa Presidential Decree No. 957 “Subdivision and Condominium Buyers’ Protective Decree”, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta, pag-aalok, o pag-aadvertise ng subdivision lots at condominium units nang walang lisensya mula sa DHSUD. Ang sinumang lalabag ay maaaring patawan ng kaukulang parusa at multa ayon sa umiiral na batas.
Ang pagsunod sa batas ay para sa proteksyon ng mamimili at upang matiyak ang maayos at legal na transaksyon sa pagbili ng lupa. Inaanyayahan ang publiko na maging mapanuri at tiyaking lehitimo ang inyong ka-transaksyon sa pamamagitan ng pag-verify sa Municipal Planning and Development Office na matatagpuan sa 2nd Floor, Municipal Annex Bldg. – LGU Rizal.
Ang paalalang ito ay upang magsilbing proteksyon ng mamimili at maiwasan ang posibleng pananamantala ng mga hindi rehistradong developer.