11/08/2026
STATE OF CALAMITY SA BAYAN NG MONTALBAN
Sa bisa ng isang Resolution Blg. 146 S. 2026, idineklara ang State of Calamity sa Bayan ng Montalban dahil sa pinsalang dulot ng mga nagdaang pag-ulan at pagbaha.
Layunin ng deklarasyong ito na mapabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng ating mga kababayang naapektuhan, gayundin ang pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang para sa kanilang kaligtasan at kapakanan.
Patuloy ang pagtutulungan ng ating mga lokal na opisyal, kawani, at mga katuwang na ahensya upang maipaabot ang kinakailangang tulong sa bawat pamilyang nangangailangan.
Sa panahon ng kalamidad, sama-sama tayong umaagapay para sa bawat Montalbeรฑo.
Resolution : https://drive.google.com/file/d/1Y_N-HElKCOEIRLaXNFgMackKvM34nM14/view?usp=sharing