28/09/2026
🤝 COURTESY CALL NG BATCH 2002 ALUMNI
Isang mainit na pagtanggap at makabuluhang pagpupulong ang naganap sa ginawang Courtesy Call ng ating mga alumni mula sa Batch 2002, sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Renato A. Carasco Jr., kasama sina Marlon Capillanes, Marvin Bungcaras, Bryan L. De Luna, at Jayson Quilicol, at alumnus Mark Garcia.
Mainit silang tinanggap ng ating School Head, Mr. Jose L. Catanes, katuwang ang mga SPTA Officers sa pangunguna ni Rosalinda Nacionales, ang Faculty President na si Mr. Edwin Cruz, at ang Grade 10 Grade Level Chairman (GLC) na si Mr. Jhon Ray Catalan.
Maraming salamat sa Batch 2002 sa inyong patuloy na pagsuporta, pagmamahal, at pagbabalik-tanaw sa ating paaralan! Saludo kami sa inyong pakikiisa para sa ikauunlad ng ating pamayanan!