06/08/2026
FACE-TO-FACE CLASS SUSPENSION | ALL LEVELS (PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS)
Suspendido muli ang FACE-TO-FACE CLASSES sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Montalban, bukas, Agosto 07, 2026, dahil sa pabugso-bugsong paglakas ng ulan na dulot ng Habagat na maaaring maging sanhi ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Magpapatuloy naman ang klase sa pamamagitan ng ALTERNATIVE DISTANCE LEARNING MODALITIES upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.
Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling ligtas, maging mapagmatyag, at sundin ang mga opisyal na abiso ng lokal na pamahalaan at ng mga kinauukulang ahensya.
Mag-ingat sa mga FAKE FB PAGES na nagpapalaganap ng maling impormasyon. Maging mapanuri at manatiling naka-follow sa opisyal na Bayan ng Montalban page.