03/09/2026
π’ PAUNAWA SA PUBLIKO π’
π LISTAHAN NG POTENSYAL NA BENEPISYARYO NG 4Ps
Ipinababatid po sa ating mga kabarangay na narito ang Listahan ng Registration para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
π MAHALAGANG PAALALA:
Ang listahang ito ay HINDI ginawa, pinili, o binuo ng Barangay. Ang mga pangalan na nakapaloob dito ay mga POTENSYAL PA LAMANG NA BENEPISYARYO at hindi nangangahulugang awtomatikong kwalipikado o tiyak na magiging benepisyaryo ng programa.
Ang listahan ay nagmula sa mga datos na nakalap sa pamamagitan ng Community-Based Monitoring System (CBMS), na isinasagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA), kabilang ang house-to-house validation upang matukoy ang kalagayang sosyo-ekonomiko ng mga pamilya.
π Walang kinalaman ang Barangay sa pagpili, pagsasama, o pagtanggal ng mga pangalan sa listahan. Ang tungkulin lamang po ng Barangay ay tumulong sa pagpapabatid at paghahanap sa mga indibidwal na nakalista upang sila ay makapaghanda ng kinakailangang dokumento at makadalo sa itinakdang registration at validation activity.
π MGA DOKUMENTONG MAAARING DALHIN:
Hinihikayat ang mga potensyal na benepisyaryo na magdala ng kinakailangang dokumento ng bawat miyembro ng pamilya, gaya ng:
β’ Birth Certificate
β’ Marriage Contract β para sa mga kasal
β’ Death Certificate β para sa mga yumaong miyembro ng pamilya
β’ PhilSys ID o patunay ng PhilSys Registration
β’ School Attendance Certificate o Valid School ID/Form 138 β para sa mga nag-aaral na bata
β’ Health Attendance Certificate β para sa mga buntis at batang edad 0β5 taong gulang
β’ PWD ID o Medical Certificate β para sa mga miyembrong may kapansanan
π
REGISTRATION / COMMUNITY VALIDATION
π Petsa: September 11, 2026
π Oras: 8:00 AM β 3:00 PM
π Lugar: Barangay Geronimo Hall
π Ang listahan ng mga pangalan ay ipinaskil para sa kaalaman ng mga potensyal na benepisyaryo at para sa isasagawang Community Validation.
Kung mayroon pong katanungan, reklamo, o paglilinaw tungkol sa listahan o proseso ng pagpili, hinihikayat ang mga concerned individuals na dumalo sa nasabing validation activity at makipag-ugnayan sa kinauukulang ahensya na nangangasiwa sa programa.
π Hinihiling po namin ang inyong kooperasyon, pakikiisa, at pang-unawa.
Maraming salamat po!
Barangay Geronimo