10/03/2022
❓ Anong mangyayari pagkatapos ng Step 2 Registration? Bakit ang tagal ma-deliver ng National ID ko?
➡ Matapos ang iyong Step 2 registration, ang iyong data ay isasailalim sa standard verification process tulad ng deduplication upang masiguro na ang iyong registration ay natatangi bago ma-generate ang iyong PhilSys Number (PSN).
Kapag na-generate na ang iyong PSN, ang iyong PhilID ay dadaan sa personalization at quality checks.Ang iyong PhilID ay ilalagay sa isang sobre kalakip ng iyong PSN letter na siyang idedeliver ng PHLPost. Sa pamamagitan ng mga prosesong ito, natitiyak na maayos at secure ang datos na nasa PhilID. Sa kabila ng limitasyon na dala ng pandemya, tinitiyak ng PSA ang patuloy na produksyon at delivery ng PhilID sa milyon-milyong Pilipino na matagumpay nang nakatapos ng kanilang PhilSys Step 1 and Step 2 registration. Hiling namin ang inyong pag-unawa at suporta. Kasalukuyan naming prayoridad ang paghahatid ng PhilID sa mga low-income families na nairehistro mula noong 2020 at mga unang buwan ng 2021. Samantala, antabayanan ang paglulunsad ng PhilSys mobile ID, ang alternatibo at digital na bersyon ng PhilID na maaari nang gamitin habang naghihintay sa inyong aktwal na card.
❓ Bakit hindi ko pa natatanggap ang National ID ko samantalang ang mga kasabay ko magparehistro nakuha na ang kanilang ID?
➡ Matapos ang iyong Step 2 registration, ang data ng mga registrants ay isasailalim sa standard verification process na karaniwang naka-grupo base sa petsa ng registration. Posible itong maantala o mahuli mula sa inyong mga kasabay na nag-register dala ng mga sumusunod na dahilan:
1. Sa proseso ng identity verification, natukoy na kailangang sumailalim sa manual verification at/o manual adjudication upang makasiguro na unique o walang kapareho ang iyong data sa PhilSys Registry.
2. Ang iyong PhilID card ay maaaring hindi nakapasa sa quality check at kailangang
i-print muli.
3. Ang iyong PhilID ay naisama sa susunod na batch ng PhilID na ide-deliver ng PHLPost
Maraming Salamat po!