30/08/2026
CLEARING OPERATIONS
Matapos ang Habagat, mula sa direktiba ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), agad na isinagawa ang clearing operation sa Mount Oro, Brgy. Mascap; Riverside, Brgy. San Jose; at 1K2 Kasiglahan Village, Brgy. San Jose upang alisin ang putik, basura, sanga at iba pang debris na humarang sa mga kalsada at daluyan ng tubig.
Tuloy-tuloy naman ang clearing operations upang maibalik ang maayos, malinis, at ligtas na mga daanan para sa mga Montalbeño.