06/08/2026
Taos-puso nating ipinapahayag ang ating pasasalamat sa lahat ng magsasakang Pilipino na patuloy na nagsisikap upang matiyak ang sapat na pagkain sa bawat hapag. Ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ang nagsisilbing pundasyon ng ating komunidad at ng ating bansa.
Bilang kabataan, kinikilala natin ang mahalagang papel ng agrikultura sa pag-unlad ng ating pamayanan. Kasabay nito, isinusulong natin ang adbokasiya ng agriturismo—isang hakbang upang mapahalagahan ang ating mga sakahan, maipakita ang ganda ng ating kultura at kalikasan, at makalikha ng mas maraming oportunidad para sa ating mga magsasaka at sa susunod na henerasyon.
Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na nagbibigay-pugay sa ating mga magsasaka at patuloy na sumusuporta sa pag-unlad ng agrikultura at agriturismo.
Mabuhay ang mga magsasakang Pilipino—ang tunay na bayani ng ating bayan! 💚🌱
– Sangguniang Kabataan ng Macabud
Photocredits: SK Chairman Harold John Feo
SK Secretary Ryan Sernal