Barangay San Isidro Montalban

Directions

Barangay San Isidro Montalban Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay San Isidro Montalban, Sitio Tanag, San Isidro, Rodriguez.
(3)

Nagpaabot ng pakikiramay si Kapitan Jose Eric D. Ching sa pamilya ng yumaong si Librada "Baday" Cruz, kasama sina Kagawa...
09/10/2026

Nagpaabot ng pakikiramay si Kapitan Jose Eric D. Ching sa pamilya ng yumaong si Librada "Baday" Cruz, kasama sina Kagawad Elisa Gumarang, Kagawad Lloyd Gonzaga, Kagawad Joel Mauhay, at Sec Charlie Boy Labez, bilang pakikiisa sa pagdadalamhati ng pamilya sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay.

Sa ngalan ng Pamahalaang Barangay ng San Isidro, taos-puso po kaming nakikiramay sa pamilya at mga naulila ni Lola Baday. Nawaโ€™y maging matatag kayo sa pagharap sa pagsubok na ito at pagkalooban ng Panginoon ng lakas at kapanatagan ng loob sa panahong ito ng pagdadalamhati.

๐ŸŽ‰ MALIGAYANG KAARAWAN, KAGAWAD ELISA GUMARANG! ๐ŸŽ‚๐ŸŽˆTaos-pusong pagbati ng isang maligayang kaarawan sa ating minamahal na ...
09/10/2026

๐ŸŽ‰ MALIGAYANG KAARAWAN, KAGAWAD ELISA GUMARANG! ๐ŸŽ‚๐ŸŽˆ

Taos-pusong pagbati ng isang maligayang kaarawan sa ating minamahal na si Kagawad Elisa Gumarang!

Nawaโ€™y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, kaligayahan, at masaganang mga biyaya. Dalangin namin ang patuloy ninyong tagumpay at lakas sa paglilingkod para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

Mula sa inyong pamilya sa Barangay San Isidro, maraming salamat sa inyong dedikasyon at pakikiisa sa paglilingkod sa ating komunidad.

Muli, maligayang kaarawan, Kagawad Elisa! ๐Ÿฅณ๐Ÿ’

Pagbati mula sa inyong Barangay San Isidro Family! ๐Ÿ’š

Naging abala ngayong araw si Kapitan Jose Eric D. Ching sa pagtanggap at pakikipag-ugnayan sa mga bumisita sa Barangay S...
06/10/2026

Naging abala ngayong araw si Kapitan Jose Eric D. Ching sa pagtanggap at pakikipag-ugnayan sa mga bumisita sa Barangay San Isidro.

Sa kabila ng pagiging abala, patuloy siyang nagbibigay ng oras upang personal na pakinggan ang mga concerns, kahilingan, at ibaโ€™t ibang pangangailangan ng ating mga kabarangay at mga panauhin.

Patuloy ang ating Kapitan sa pagiging bukas at handang makipag-ugnayan sa bawat isaโ€”dahil sa Barangay San Isidro, serbisyong may malasakit at agarang aksyon ang laging isinusulong.

๐Ÿ“๐Ÿ’™โค๏ธ Regular Session ng Sangguniang BarangayNgayong araw ay ginanap ang Regular Session ng Sangguniang Barangay, na pina...
05/10/2026

๐Ÿ“๐Ÿ’™โค๏ธ Regular Session ng Sangguniang Barangay

Ngayong araw ay ginanap ang Regular Session ng Sangguniang Barangay, na pinangunahan ni Kapitan Jose Eric D. Ching sa kanyang tanggapan, kasama sina Barangay Secretary Charlie Boy Labez at Barangay Treasurer August Manuel.

Nakiisa at aktibong nakibahagi sa sesyon ang ating mga Barangay Kagawad na sina Kag. Lloyd Gonzaga, Kag. Noel Masigla, Kag. Clarisse Labez, Kag. Elisa Gumarang, Kag. Tomas Gallanosa, Kag. Joel Mauhay,Kag. Louisa Azarcon, at Kagawad Jhun Jhun Mitra. kasama si SK Chairperson Joanne Apao.

Sa isinagawang sesyon, tinalakay ang iba't ibang mahahalagang usapin, programa, at mga panukalang may kaugnayan sa patuloy na pagpapabuti ng serbisyo at pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kabarangay.

Patuloy ang sama-samang pagkilos ng ating pamunuan upang mapanatili ang maayos na pamamahala, bukas na pag-uusap, at responsableng pagdedesisyon para sa kapakanan ng buong Barangay San Isidro.

Sama-sama sa paglilingkod, sama-sama para sa bawat San Isidreรฑo. ๐Ÿ’™โค๏ธ

๐Ÿ‘‘โœจ SEARCH FOR SUPER LOLO AT SUPER LOLA โ€“ KING & QUEEN OF THE NIGHT 2026 โœจ๐Ÿ‘‘Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Filipino Elder...
05/10/2026

๐Ÿ‘‘โœจ SEARCH FOR SUPER LOLO AT SUPER LOLA โ€“ KING & QUEEN OF THE NIGHT 2026 โœจ๐Ÿ‘‘

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Filipino Elderly Week 2026, naging matagumpay ang ginanap na Search for Super Lolo at Super Lola โ€“ King & Queen of the Night 2026 sa Sitio Tanag Covered Court, Barangay San Isidro.

Tunay na kahanga-hanga ang ipinamalas na talento, kumpiyansa, kagwapuhan at kagandahan ng ating mga minamahal na lolo at lola. Ipinakita nila na ang edad ay hindi hadlang upang patuloy na maging aktibo, masigla at inspirasyon sa ating komunidad. โค๏ธ๐Ÿ‘

Ang programa ay pinangunahan ng Barangay San Isidro Senior Citizens Affairs Office (OSCA), sa pangunguna at buong suporta ni Kapitan Jose Eric D. Ching kasama ang mga Barangay Kagawad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta at naging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang na ito.

Congratulations sa lahat ng nagwagi at sa lahat ng ating Super Lolo at Super Lola! ๐Ÿ†๐ŸŽ‰

Patuloy nating pahalagahan, respetuhin at ipagdiwang ang ating mga nakatatandaโ€”dahil sila ay mahalagang bahagi ng ating pamilya at komunidad. ๐Ÿ’™

Mabuhay ang ating mga Lolo at Lola! ๐Ÿ‘‘โค๏ธ

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ FLAG RAISING CEREMONY | UNANG LUNES NG OKTUBREPinangunahan ni Kapitan Jose Eric D. Ching, kasama ang buong Sanggunian...
05/10/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ FLAG RAISING CEREMONY | UNANG LUNES NG OKTUBRE

Pinangunahan ni Kapitan Jose Eric D. Ching, kasama ang buong Sangguniang Barangay ng San Isidro, ang Flag Raising Ceremony ngayong unang Lunes ng buwan ng Oktubre.

Nakiisa rin sa makabuluhang pagtitipon ang mga opisyal at kawani ng Barangay San Isidro, mga department heads, iba't ibang organisasyon ng barangay, at ang Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni SK Chairperson Joanne Apao.

Ang seremonyang ito ay nagsilbing pagpapakita ng pagkakaisa, disiplina, pagmamahal sa bayan, at sama-samang paglilingkod para sa kapakanan ng ating komunidad.

Sa pagsisimula ng panibagong buwan, muli nating pinagtitibay ang ating pangako na maghatid ng tapat, maayos, at mahusay na serbisyo publiko para sa bawat residente ng Barangay San Isidro.

Patuloy tayong magtulungan, magkaisa, at kumilos nang sama-sama upang maisakatuparan ang mga programang magbibigay ng mas maayos, ligtas, at maunlad na kinabukasan para sa ating barangay.

๐Ÿ’™๐Ÿ’› Serbisyong Totoo, Serbisyong May Puso para sa bawat San Isidorian! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐ŸŽ‰ Maligayang Kaarawan, SK Kagawad A***n Bait! ๐ŸŽ‚๐ŸŽˆTaos-puso po ang aming pagbati ng isang maligaya, masagana, at pinagpala...
05/10/2026

๐ŸŽ‰ Maligayang Kaarawan, SK Kagawad A***n Bait! ๐ŸŽ‚๐ŸŽˆ

Taos-puso po ang aming pagbati ng isang maligaya, masagana, at pinagpalang kaarawan sa ating masipag na SK Kagawad ng Barangay San Isidro! ๐Ÿ’™

Nawaโ€™y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, lakas, at tagumpay upang patuloy na makapaglingkod at maging katuwang ng ating kabataan at buong pamayanan.

Enjoy your special day, Kagawad A***n! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚
Happy Birthday! ๐ŸŽ‰

05/10/2026

ABISO PUBLIKO | REAL PROPERTY TAX (RPT)

Sa mga Montalbeรฑong nais magbayad nang maaga, tumatanggap na ang Municipal Treasurerโ€™s Office ng advance payment para sa 2027 Real Property Tax (RPT) o amilyar.

May 20% discount para sa advance payment, para sa updated RPT lamang. Magbayad nang maaga upang makaiwas sa abala at maayos na mapaghandaan ang inyong obligasyon.


๐ŸŽถ HIMIG NI LOLO AT LOLA 2026 ๐ŸŽค๐Ÿ‘ต๐Ÿ‘ดBilang bahagi ng pagdiriwang ng Filipino Elderly Week 2026, naging matagumpay ang isinag...
05/10/2026

๐ŸŽถ HIMIG NI LOLO AT LOLA 2026 ๐ŸŽค๐Ÿ‘ต๐Ÿ‘ด

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Filipino Elderly Week 2026, naging matagumpay ang isinagawang โ€œHimig ni Lolo at Lola 2026โ€ sa Sitio Tanag Covered Court, Barangay San Isidro.

Tampok sa programa ang kahanga-hangang talento ng ating mga minamahal na lolo at lola ng Barangay San Isidro, na buong sigla at husay na nagtagisan sa larangan ng pag-awit.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Barangay San Isidro Senior Citizens Affairs Office (OSCA), sa pangunguna at buong suporta ni Kapitan Jose Eric D. Ching kasama ang mga Barangay Kagawad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at naging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang na ito. Higit sa kompetisyon, ipinakita natin na walang edad ang talento, saya, at inspirasyon. โค๏ธ

Congratulations sa lahat ng nagwagi at sa lahat ng ating lolo at lola na buong tapang na ipinamalas ang kanilang talento! ๐Ÿ†๐Ÿ‘

Mabuhay ang ating mga senior citizen! โค๏ธ
May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan.

๐Ÿšจ MISSING PERSON ๐ŸšจMga kabarangay, makikiusap po kami sa inyong tulong sa paghahanap kay Rodireck Buan, 56 years old, na ...
02/10/2026

๐Ÿšจ MISSING PERSON ๐Ÿšจ

Mga kabarangay, makikiusap po kami sa inyong tulong sa paghahanap kay Rodireck Buan, 56 years old, na naiulat na nawawala simula October 2, 2026.

Huling nakita sa Phase 1, Blk. 1, Lot 3, East Meridian Row House. Siya ay may puting buhok, nakasuot ng blue shorts, brown jacket, at yellow na tsinelas, at may dalang payong.

Siya ay may mental disability.

๐Ÿ™ Kung mayroon po kayong anumang impormasyon o nakakita sa kanya, mangyaring makipag-ugnayan agad sa kanyang pamilya o sa pinakamalapit na barangay/pulisya.

๐Ÿ“ข Paki-share po ang post na ito. Malaking tulong ang bawat share para mas mabilis natin siyang mahanap.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa. ๐Ÿ™

Address

Sitio Tanag, San Isidro
Rodriguez
1860

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay San Isidro Montalban posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share