22/04/2025
PAG-IBIG FUND ORIENTATION AND INTRODUCTION ON PRACTICAL WAYS TO START YOUR OWN URBAN GARDENS FOR ISF/WOMEN BELONGING TO MARGINALIZED SECTORS, SENIOR CITIZENS, AND PWDs.
Noong April 10-11, 2025, nagsagawa ng orientation/seminar ang Housing and People's Development Office (HPDO) sa tulong ng Gender and Development Office (GAD) at Municipal Agriculture Office (MAO) upang magbigay ng karagdagang kaalaman kaugnay sa urban gardening, at Pag-Ibig Fund, para sa mga informal settler families (ISFs), kababaihan, senior citizens at person with disabilities (PWDs).
Layunin ng isinagawang orientation ang maipaalam sa mga participants nito ang mga programa mula sa Pag-ibig Fund, at magbigay kaalaman ukol sa mga pamamaraan kung paano makapag simula ng kanilang sariling urban gardens.
Pinangunahan naman ito ng OIC ng HPDO Mr. Alberto P. Carasco, ang naturang aktibidad, sa pamumuno ni Mayor Gen. Ronnie S. Evangelista (Ret.)