Municipal Health Office - Bayan ng Montalban

Municipal Health Office - Bayan ng Montalban Care beyond service

10/08/2026

Ligtas Tigdas, Suportado ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines

Detalye sa comment section.

10/08/2026

DOH: ALAMIN ANG MGA HAKBANG UPANG MAAGAPAN ANG LEPTOSPIROSIS NGAYONG TAG-ULAN!

Detalye sa comment section.






07/08/2026

LIGTAS TIGDAS AT RUBELLA

Mga nanay at tatay, lolo at lola, siguraduhing ligtas ang inyong mga anak laban sa measles (tigdas) at rubella o tigdas-hangin. Mapanganib ang mga sakit na ito, lalo na sa mga batang wala pang limang taong gulang. Prevention is always better than cure. Ang measles ay maaaring ikamatay ng bata, habang ang rubella naman ay maaaring magdulot ng congenital defects sa mga sanggol na maaaring humantong sa panghabambuhay na kapansanan.

Kaya hinihikayat ko ang lahat ng magulang na makiisa. Mula August 10–28, nakikiisa ang Bayan ng Montalban sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) Campaign kasabay ng Vitamin A Supplementation. Vaccines save lives. Dalhin po ang inyong mga anak na may edad 6 hanggang 59 na buwan sa ating mga health centers o sa mga itinalagang fixed at temporary vaccination sites, nabakunahan man dati o hindi pa, upang mabigyan sila ng karagdagang proteksyon laban sa measles at rubella.

Mag-ingat din tayo sa fake news at maling impormasyon tungkol sa bakuna. Let us rely on facts, not misinformation. Makinig at magtiwala lamang sa mga impormasyong nagmumula sa Department of Health (DOH), sa ating mga lokal na opisyal, at sa ating mga health care workers. Let's protect our children by protecting their health. Huwag nating hintayin na magkasakit pa sila.

Siguraduhing sila ay Ligtas Laban sa Tigdas!

LTGEN RONNIE S EVANGELISTA (Ret.)
Municipal Mayor
Rodriguez (Montalban), Rizal

07/08/2026
07/08/2026

LIGTAS TIGDAS | 3 ARAW NA LAMANG!

Tatlong araw na lamang bago ang Phase 2 ng Ligtas Tigdas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA).

Dalhin ang mga batang edad 6–59 buwan sa mga itatalagang vaccination posts mula Agosto 10–28, 2026 para sa ligtas at libreng bakuna laban sa tigdas at rubella.




07/08/2026
05/08/2026

SIGHT SAVING PROJECT PARA SA MGA MONTALBEÑO

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Sight Saving Month, sinimulan ngayong araw, Agosto 4, 2026, ang tatlong araw na pagpapalista para sa Sight Saving Project, na magtatagal hanggang Agosto 6, 2026. Isinasagawa ang pagpapalista sa pinakamalapit na Rural Health Unit (RHU) sa bawat barangay para sa mga Montalbeñong nagnanais na makilahok sa programa na pinangungunahan ng GMA Kapuso Foundation, katuwang ang Buddhist Tzu Chi Medical Foundation Philippines Inc.

Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Montalban, sa pangunguna ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), katuwang ang Municipal Health Office (MHO), ang pangangalaga sa kalusugan ng mata sa pamamagitan ng pagbibigay ng dekalidad, abot-kaya, at libreng serbisyong medikal para sa bawat Montalbeño


Address

Rodriguez
1860

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639381923590

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office - Bayan ng Montalban posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Health Office - Bayan ng Montalban:

Shortcuts

Share