15/02/2025
Pasko
¹"pasko" na ipinagdiriwang tuwing disyembre,
Sama-sama ang mga pamilya,
At tuwing alas dose,
Simula na ng Noche Buena.
"Pasko" pinaka mahabang pagdiriwang ng mga Pilipino.
Nalalapit na naman ang kapaskuhan,
Itoy hinahangad ng karamihan,
Diwa ng pasko'y pagbibigayan at pagmamahalan.
Ito ay panahon ng bigayan ng regalo,
Para sa minamahal mo.
Dito din nauso ang pamasko
Kung saan nagtatago na sila ninang, ninong, tita at tito
Ngunit, para saan nga ba ang pasko??
Ang mga katolíko,
Ay nagdiriwang ng pasko,
Dahil ito'y kapanganakan ng ating panginoong hesukristo.
Ito naman ang rason ng pagdiriwang nito,
Hindi na natin kailangan maghangad ng mamahaling regalo.
Saluhan lamang ng kompleto,
Ay kontento na.
Ang pilipinas ay natatangi sa buong mundo,
bilang may pinakamahabang pagdiriwang ng pasko,
Kung saan ang mga awit pangpasko,
Ay maririnig mo mula Setyembre hangang disyembre.
Tuwing pasko ay may nangangaroling,
Gamit ang pamaskong awitin.
Kung nasiyahan sa iyong kanta,
Mabibigyan ka ng barya.
Oh kaysaya ng pasko,
Lalo na pag kasama ang mga minamahal mo,
halina't sabay-sabay salubungin ang pasko,
tara na tayo'y mag salosalo!