16/01/2026
ALAM MO BA?
MONTALBEÑOS! TAYO AY MAG SEGREGATE!!
Alamin natin kung ano ba dapat ang tamang gawin sa ating basura, upang mabawasan ang dami ng basura na naitatapon sa ating Sanitary Land Fill (SLF) at maiwasan ang ang mga kasanayan tulad ng mga sumusunod;
1.Illegal dumping at water bodies
2. Illegal dumping in open areas
3.Littering
4.Open burning
Ito ang PRESCRIBED COLOR CODING OF WASTE BINS/BAGS ACCORDING TO THEIR CLASSIFICATION.
"BAWASAN ANG BASURANG ITINATAPON! MAG-SEGREGATE"
🟢🗑- NABUBULOK (Compostable Waste)
- Balat ng prutas at gulay, hasang,bituka at tinik ng isda, tuyong dahon, tirang pagkain, atbp;
DAPAT GAWIN
* I-kompos o ibaon sba hardin
* Kung ipakokolekta sa basurero,ilagay sa plastik na supot at italing mabuti
*Salain/Alisin ang tubig
*Huwag isama ang plastik o papel na supot
🔵🗑- NARERESIKLO (Recyclable Waste)
- Papel,Karton,bote,tin cans,Pet bottles,plastic, atbp;
DAPAT GAWIN
*Ihiwalay ang mga puting papel sa may kulay na papel
*Itupi ang karton para makatipid ng espasyo
*Huwag ipakolekta ang mga papel kapag umuulan. Ang papel,kapag nabasa, ay nagiging compostable
*Patuyin ang plastik bago ilagay sa lalagyan ng mga recyclables
*Tupiin o paigsiin ang mga bakal
*Hugasan ang mga plastik at bote upang malinis ang mga basura at hindi ipisin at langgamin.
⚫🗑- PANAPON (Bad Residual waste)
- Sanitary napkins,disposable diapers, at iba pang bagay na hindi na maaaring gawing kompos o iresiklo.
DAPAT GAWIN
*Huwag isama sa mga basurang galing sa kusina at hardin
*Ilagay sa plastik na supot at sako hindi sa karton
-PANAPON (Good Residual Waste)
- Sachet's at balat ng kendi
DAPAT GAWIN
*Gupit gupitin at ilagay sa plastic bottle at gawing eco-brick o gawing unan
SPECIAL WASTE
🔴🗑-NAKAKALASON/MAPANGANIB ( Household Hazardous waste)
- pintura, spray canisters, thinner, baterya(lead-acid/household). Mga sirang gamit tulad ng (sirang aparador, TV, radyo, refrigerator,) atbp.
DAPAT GAWIN
* Ang mga matatalas na bagay ay dapat ilagay sa matigas na karton at itali ng mabuti para di makasugat ng mga palero
*Ibukod at dalhin sa pinakamalapit na MRF (Brgy.MRF o HOA MRF)
🟡🗑- NAKAKAHAWA (Health Care Waste)
- Face mask,Faceshield, gamit na tissue at Gloves4
DAPAT GAWIN
* Tanggalin ang facemask mula sa tali nang hindi hinahawakan ang harap nito
*Gupitin ito sa gitna pati ang tali nito
Gawin ito upang maiwasan ang pagreresiklo ng mask at posibleng pagpulupot nito sa mga hayop
*Ihiwalay ito sa ibang basura
Sulatan ng tanda o pangalan,siguraduhin na matibay at selyado ang lagayan
* Ilagay sa Yellow bag at may labeled "infected waste"