Edgardo "Umpek" Sison

Edgardo "Umpek" Sison Pantay na Serbisyo sa Bayan ng Montalban
(2)

YELLOW WARNING | RIZALAyon sa DOST-PAGASA, ang Lalawigan ng Rizal ay nasa YELLOW WARNING dahil sa epekto ng Tropical Cyc...
06/08/2026

YELLOW WARNING | RIZAL

Ayon sa DOST-PAGASA, ang Lalawigan ng Rizal ay nasa YELLOW WARNING dahil sa epekto ng Tropical Cyclone Maymay.

PAALALA SA LAHAT:

• Patuloy na subaybayan ang lagay ng panahon at mga opisyal na abiso.
• Maging mapagmatyag sa posibilidad ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar.
• Iwasan ang pagtawid sa mga baha at huwag maglakbay kung hindi kinakailangan.
• Ihanda ang mga emergency kit at maging handa kung sakaling lumala ang panahon.

Maging alerto at laging unahin ang kaligtasan.

Nakiramay ang inyong lingkod sa pamilya ng mga naging biktima ng rockfall sa Sitio Wawa, Brgy. San Rafael sa pamamagitan...
06/08/2026

Nakiramay ang inyong lingkod sa pamilya ng mga naging biktima ng rockfall sa Sitio Wawa, Brgy. San Rafael sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang burol.

Sa ganitong panahon ng matinding pagdadalamhati, nawa’y magsilbi itong munting pagpapakita ng ating pakikiisa at pakikiramay sa kanilang mga naiwang mahal sa buhay. Patuloy nating ipinapanalangin ang kapayapaan ng kanilang mga kaluluwa at ang lakas at pag-asa ng kanilang mga pamilya sa pagharap sa napakabigat na pagsubok.

Patuloy rin nating ipagdasal ang kaligtasan ng bawat isa at manatiling nagkakaisa bilang isang komunidad sa oras ng pangangailangan.

SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSES | PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS – ALL LEVELSDahil sa pabugso-bugsong paglakas ng ulan na...
06/08/2026

SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSES | PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS – ALL LEVELS

Dahil sa pabugso-bugsong paglakas ng ulan na dulot ng Habagat na maaaring maging sanhi ng pagbaha at pagguho ng lupa, at alinsunod sa DepEd Order No. 14, s. 2026, suspendido muli ang lahat ng FACE-TO-FACE CLASSES sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Montalban bukas, Agosto 07, 2026.

Sa panahong ito, magpapatuloy ang klase sa pamamagitan ng ALTERNATIVE DISTANCE LEARNING modalities upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga mag-aaral.

Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling ligtas, maging mapagmatyag, at sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan at ng mga kinauukulang ahensya.



FACE-TO-FACE CLASS SUSPENSION | ALL LEVELS (PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS)

Suspendido muli ang FACE-TO-FACE CLASSES sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Montalban, bukas, Agosto 07, 2026, dahil sa pabugso-bugsong paglakas ng ulan na dulot ng Habagat na maaaring maging sanhi ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Magpapatuloy naman ang klase sa pamamagitan ng ALTERNATIVE DISTANCE LEARNING MODALITIES upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.

Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling ligtas, maging mapagmatyag, at sundin ang mga opisyal na abiso ng lokal na pamahalaan at ng mga kinauukulang ahensya.

Mag-ingat sa mga FAKE FB PAGES na nagpapalaganap ng maling impormasyon. Maging mapanuri at manatiling naka-follow sa opisyal na Bayan ng Montalban page.



PUBLIC ADVISORYSa kabila ng umiiral na suspensyon sa Pamahalaang Bayan ng Montalban, bukas at may pasok ang Tanggapan ng...
06/08/2026

PUBLIC ADVISORY

Sa kabila ng umiiral na suspensyon sa Pamahalaang Bayan ng Montalban, bukas at may pasok ang Tanggapan ng Bise Alkalde upang patuloy na makapagbigay ng kinakailangang serbisyo sa ating mga kababayan.

Maaaring magtungo ang publiko sa tanggapan para sa mahahalagang transaksyon at iba pang kaugnay na serbisyo. Hinihiling lamang ang pang-unawa ng lahat dahil maaaring magkaroon ng kaunting pagkaantala sa pagproseso ng ilang transaksyon bunsod ng limitadong bilang ng mga kawani.

Maraming salamat po at manatiling ligtas ang lahat.

05/08/2026

Ayon sa inilabas na Memorandum Circular No. 122, s. 2026, sa lahat ng klase, ALL LEVELS (Public & Private) pati na rin ang trabaho sa lahat ng GOVERNMENT OFFICES sa buong Lalawigan ng Rizal bukas, August 6, 2026 (Thursday) dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan na dulot ng Tropical Storm Maymay at ng Habagat.

Mananatiling bukas ang mga tanggapan na nagbibigay ng serbisyong medikal, disaster at emergency response at iba pang basic and essential services na kinakailangan sa panahon ng sakuna.

Ipinauubaya naman ang suspension ng trabaho sa mga pribadong kumpanya sa kanilang management.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatiling nakaantabay sa mga official announcements. Mag-ingat ang bawat isa! 🙏🏻



SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSES | PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS – ALL LEVELSDahil sa pabugso-bugsong paglakas ng ulan na...
05/08/2026

SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSES | PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS – ALL LEVELS

Dahil sa pabugso-bugsong paglakas ng ulan na dulot ng Habagat na maaaring maging sanhi ng pagbaha at pagguho ng lupa, at alinsunod sa DepEd Order No. 14, s. 2026, suspendido muli ang lahat ng FACE-TO-FACE CLASSES sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Montalban bukas, Agosto 06, 2026.

Sa panahong ito, magpapatuloy ang klase sa pamamagitan ng ALTERNATIVE DISTANCE LEARNING modalities upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga mag-aaral.

Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling ligtas, maging mapagmatyag, at sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan at ng mga kinauukulang ahensya.



Anuman ang panahon, tayo ay patuloy at mananatiling handang maglingkod at tumugon sa pangangailangan ng bawat Montalbeño...
05/08/2026

Anuman ang panahon, tayo ay patuloy at mananatiling handang maglingkod at tumugon sa pangangailangan ng bawat Montalbeño.

Patuloy po tayong mag-ingat at manatiling mag antabay sa mga importanteng anunsyo ng ating bayan tungkol sa lagay ng panahon.

Lubos ang ating pakikiramay sa pamilya ng nasawi sa insidente ng rockfall sa Sitio Wawa, Brgy. San Rafael.Agad tayong na...
05/08/2026

Lubos ang ating pakikiramay sa pamilya ng nasawi sa insidente ng rockfall sa Sitio Wawa, Brgy. San Rafael.

Agad tayong nagtungo sa lugar upang personal na alamin ang sitwasyon at makipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya para sa agarang pagtugon at pagtulong sa mga naapektuhan.

Patuloy nating ipanalangin ang kapayapaan ng kaluluwa ng ating yumaong kababayan at ang kalakasan ng kanyang naiwang pamilya sa pagharap sa mabigat na pagsubok na ito. Nawa’y manatili ring ligtas ang ating mga kababayan, lalo na sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng patuloy na pag-ulan at pagguho ng lupa.

Patuloy tayong mag-ingat, maging mapagmatyag, at makiisa sa mga hakbang na isinasagawa para sa kaligtasan ng ating komunidad.

SUSPENSION OF FACE-TO-FACE AFTERNOON CLASSES | PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS – ALL LEVELSAnunsyo mula sa Pamahalaang Bayan ...
05/08/2026

SUSPENSION OF FACE-TO-FACE AFTERNOON CLASSES | PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS – ALL LEVELS

Anunsyo mula sa Pamahalaang Bayan ng Montalban ang suspensyon ng lahat ng face-to-face afternoon classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan, ngayong Agosto 5, 2026.

Ang suspensyon ay bunsod ng patuloy na pabugso-bugsong malakas na pag-ulan dulot ng Habagat, na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa, alinsunod sa DepEd Order No. 14, s. 2026.

Samantala, magpapatuloy ang mga klase sa pamamagitan ng Alternative Distance Learning Modalities (ADLM) upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling mapagmatyag, unahin ang kaligtasan, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Montalban at ng mga kinauukulang ahensya.

YELLOW WARNING ang kasalukuyang umiiral sa Lalawigan ng Rizal.Pinapayuhan ang lahat ng residente na patuloy na mag-monit...
04/08/2026

YELLOW WARNING ang kasalukuyang umiiral sa Lalawigan ng Rizal.

Pinapayuhan ang lahat ng residente na patuloy na mag-monitor sa lagay ng panahon at sa mga opisyal na anunsyo mula sa mga kinauukulang ahensya. Bagama't hindi pa ito nangangahulugan ng agarang paglikas, may posibilidad ng tuloy-tuloy na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha sa mga mababang lugar at pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar.

Paalala sa Lahat:
✅ Patuloy na i-monitor ang mga weather updates.
✅ Ihanda ang emergency go bag at mahahalagang dokumento.
✅ Iwasang tumawid sa baha o rumagasa na tubig.
✅ Maging mapagmatyag lalo na kung nakatira sa flood-prone at landslide-prone areas.
✅ Sundin ang mga abiso ng inyong Barangay at Lokal na Pamahalaan.

Manatiling kalmado, maging handa, at unahin ang kaligtasan ng bawat isa.

Address

JP. Rizal Barangay Balite, Philippines
Rodriguez
1860

Telephone

+639752476025

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Edgardo "Umpek" Sison posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Edgardo "Umpek" Sison:

Shortcuts

Share