San Jose Romblon Pantawid Pamilya

San Jose Romblon Pantawid Pamilya This page includes updates about the Pantawid Pamilya program and activities in the municipality of San Jose.

📍P2 2021 Cash Grants Withdrawals 📍POS: St. Vincent COOP & Palawan Pawnshop📍July 27-28,2021Matagumpay na naisagawa sa bay...
03/08/2021

📍P2 2021 Cash Grants Withdrawals
📍POS: St. Vincent COOP & Palawan Pawnshop
📍July 27-28,2021

Matagumpay na naisagawa sa bayan ng San Jose, lalawigan ng Romblon ang pagwiwithdraw ng ating mga benepisyaryo ng 4Ps para sa regular grants nila sa buwan ng Abril at Mayo taong 2021.
Mahigpit naman na pinatupad sa mga payment venues ang social distancing at palagiang pagsuot ng facemask at face shield alinsunod narin sa protocol ng LGU IATF para maiwasan narin ang pagkalat ng kaso ng COVID sa isla.

Salamat muli sa mga partners natin na walang sawang sumusuporta at nagpapahintulot sa mga aktibidad ng departamento tulad ng ganito.

Hataw Isla De Carabao! 💙

  9: PAGIGING RESPONSABLENG NETIZENIkaw ba ay gumagamit ng Internet para maglibang, makipag-usap, magbasa ng balita o ku...
01/02/2021

9: PAGIGING RESPONSABLENG NETIZEN

Ikaw ba ay gumagamit ng Internet para maglibang, makipag-usap, magbasa ng balita o kung ano pa man? Kung oo, "netizen" ang tawag sa'yo!

Sa topic natin ngayon, aalamin natin kung paano ba tayo maging isang responsableng "netizen". Kung inyong maaalala, ang topic natin noong nakaraang eFDS 8 ay tungkol sa pagiging . Kaugnay din nito ang ating pag-uusapan ngayon. Aalamin natin kung paano ba tayo magiging responsable sa pag-share ng tamang balita lalung-lalo na tungkol sa COVID-19 at kung paano magiging ligtas ang ating sarili sa mga pinopost natin at sa pakikipag-usap online.

Handa na ba kayo? Simulan na natin ito!

(Ang e-FDS na ito ay isang alternatibong pagsasagawa ng Family Development Session (FDS) ng Pantawid
Pamilya hatid sa mga benepisyaryo ng programa upang patuloy na makapagbigay-kaalaman sa panahon
ng krisis pangkalusugang dulot ng COVID-19)

Unconditional Cash Transfer 2020 Cash grant withdrawalsDay 1: Barangay Poblacion, Combot & BusayWalang hanggang pasasala...
14/12/2020

Unconditional Cash Transfer 2020 Cash grant withdrawals
Day 1: Barangay Poblacion, Combot & Busay

Walang hanggang pasasalamat sa lahat ng mga partners ng ating programa maging sa pamunuan ng POS providers (Palawan Pawnshop & St. Vincent Cooperative MPC) sa suporta sa bawat aktibidad ng DSWD Pantawid Pamilya.

Marami ding salamat sa LGU, BLGU, DOH, at PNP sa tulong upang matagumpay na maisagawa ang pag-withdraw ng ating mga mahal na benipisyaryo ng kani-kanilang mga ayuda.

May we find united in these hard times. 🙂
God bless us all. ♥️

San Jose MPS Marky Escarilla Alma Capidos Emz Reovoca Mae Caringal Sangkate

📍 P4 2020 Cash grants withdrawals 📍 December 2, 2020Bagama’t masama ang panahon sa ating bayan, matagumpay paring naisag...
02/12/2020

📍 P4 2020 Cash grants withdrawals
📍 December 2, 2020

Bagama’t masama ang panahon sa ating bayan, matagumpay paring naisagawa ang pag-withdraw ng kani-kanilang cash grants para sa buwan ng Agosto at Setyembre 2020 ang ating mga benepisyaryo mula sa mga barangay ng Busay, Lanas at Pinamihagan.

Nais po magpasalamat ng departamento sa lahat ng partner agencies at stakeholders tulad ng DOH, LGU San Jose, PNP at pamunuan ng Palawan Pawnshop at St. Vincent Coop. sa patuloy na pag-suporta sa lahat ng aktibidad ng DSWD Pantawid Pamilya; isa na rito ang cash grant payment para sa ating mga 4Ps beneficiaries.

♥️

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGKUHA NG CASH GRANT O AYUDA NGAYONG MAY PANDEMYA Upang masiguro ang kaligtasan ng mga benepisyary...
26/11/2020

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGKUHA NG CASH GRANT O AYUDA NGAYONG MAY PANDEMYA

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayong may pandemya, narito ang ilang mga paalala sa pagkuha ng cash grant o ayuda:

1. Hintayin ang opisyal na abiso mula sa DSWD. Itatakda at ia-anunsyo ng mga Municipal Roving Bookkeepers (MRBs) at City/Municipal Links (C/MLs) ang mga detalye ng pagkuha ng ayuda.

2. Ilang araw bago ang pagkuha ng ayuda, siguraduhin ang iyong kahandaan. Kung wala pa, nawala, nagkaroon ng sira ang cash card, o nakalimutan ang PIN CODE, makipag-ugnayan sa inyong MRB o C/ML upang agad itong matugunan at matulungan sa pagpi-fill out ng update form.

Kung nais malaman ang kabuuang halaga ng ayuda, makipag-ugnayan sa inyong MRB o C/ML ilang araw o sa mismong araw ng pagkuha ng ayuda.

3. Sa araw ng pagkuha ng ayuda, siguraduhing protektado ang sarili at handa bago tumungo sa lugar ng withdrawal. Magsuot ng facemask o/at face shield at huwag kalilimutang dalhin ang cash card na siyang gagamitin sa pagkuha ng ayuda.

Hinihikayat ang lahat na sundin ang iskedyul na itatakda ng MRB o C/ML. Ito ay upang masigurong agad na matutugunan ng MRB o C/ML kung sakali mang magkaroon ng aberya sa pagkuha ng ayuda.

Paalala: Kung hindi makakakuha ng ayuda sa itinakdang oras at araw, agad itong ipagbigay-alam sa inyong MRB o C/ML.

4. Sa oras ng pagkuha ng ayuda, laging panatilihin ang physical distancing. Panatilihin ang isang metrong pagitan habang nakapila sa ATM o POS.

Kung sakaling magkaroon ng aberya o nalilito sa pagwi-withdraw, humingi lamang ng tulong o gabay mula sa DSWD staff na nasa lugar.

Paalala: Kung may paglilinaw sa kabuuang halaga ng ayuda, direktang makipag-ugnayan sa inyong Grievance Officer.

5. Pagkakuha ng ayuda, gamitin ito nang wasto. Gamitin lamang ang ayuda sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan ng pamilya at edukasyon ng mga anak lalo na ngayong may pandemya.

---

Para sa mga katanungan o reklamo, ipadala ang iyong mensahe sa Grievance Redress System (GRS) Hotline ng 4Ps sa 0918-912-2813 kalakip ang mga sumusunod na detalye: 4PsPangalan/lugar/mensahe. Maaari rin makipag-ugnayan sa pinakamalapit ng opisina ng 4Ps.



Inaanyayahan po ang lahat na manuod at makinig bukas, November 19, 2020 sa ganap na 10 am to 12pm sa inyong mga telebisy...
18/11/2020

Inaanyayahan po ang lahat na manuod at makinig bukas, November 19, 2020 sa ganap na 10 am to 12pm sa inyong mga telebisyon at radyo upang inyo pong malaman ang tungkol sa RA 8972: Solo Parents' Welfare Act of 2020.

Para po sa may mga telebisyon, ito po ay mapapanuod sa GSAT cable Channel 37 at sa radyo naman po ay sa Power J FM 107.1. Wag pong kalimutang isulat ang inyong mga natutunan sa Notebook o Talaarawan. Huwag din pong kalimutang kunan ng larawan ang sarili o ang inyong grupo habang nanonoud ng telebisyon o nakikinig sa radyo. Panatilihin po ang pagsout ng Facemask at Social Distancing ng grupo habang nananonoud Maari din po kayong Mag comment sa ibaba ng inyong mga natutunan.

Ating alamin ang mga karapatan, benepisyo at mga tulong para sa ating mga mahal na Solo Parents..

Maraming Salamat po.

PAGLILINAW MULA SA DSWD:Ang mga pangalang nakapaskil sa inyong barangay ay ang mga sambahayang natukoy na mahihirap bata...
13/11/2020

PAGLILINAW MULA SA DSWD:

Ang mga pangalang nakapaskil sa inyong barangay ay ang mga sambahayang natukoy na mahihirap batay sa isinagawang malawakang interbyu o household assessment ng DSWD LISTAHANAN noong 2019.

HINDI po ito listahan o payroll ng mga benepisyaryong tatanggap ng pera o ayuda mula sa DSWD tulad ng Unconditional Cash Transfer (UCT) Program. Hindi rin awtomatikong mapapasama sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang mga pangalang nasa listahang nakapaskil.

Ang pagsasapubliko ng nasabing listahan ay bahagi ng proseso ng balidasyon ng DSWD LISTAHANAN upang makita ng komunidad at maberipika at maitama ang datos ng mga natukoy na mahihirap na sambahayan, pamilya at indibidwal.

Ang LISTAHANAN ay isang pamamaraan ng ating pamahalaan upang kilalanin at tukuyin kung sino at nasaan ang mahihirap sa bansa.

Ngayong buwan ng Oktubre, muling sisimulan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang pagmo-monitor sa pagsunod ng...
21/10/2020

Ngayong buwan ng Oktubre, muling sisimulan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang pagmo-monitor sa pagsunod ng mga benepisyaryo sa LAHAT ng kondisyon ng programa sa edukasyon, nutrisyon at kalusugan, at Family Development Session (FDS) na siyang magiging batayan sa pagkuha ng kanilang cash grants o tulong-pinansyal.

Narito ang mga kondisyon na kinakailangang sundin ng mga benepisyaryo alinsunod sa mga panukala at panuntunan na ipinatupad kasabay ng transisyon patungo sa "new normal".

Para sa karagdagang inpormasyon: https://pantawid.dswd.gov.ph/2020/10/dswd-resumes-monitoring-of-compliance-for-4ps-beneficiaries/

Address

Romblon
5510

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Jose Romblon Pantawid Pamilya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share