28/05/2026
๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐ข ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ ๐๐๐ฅ๐ข๐ฐ๐๐ง๐๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ! โจ
Isang malaking karangalan ang maging bahagi at makapagbahagi ng kaalaman sa isinagawang Not Attending School (NAS) Symposium noong May 14, 2026 sa Multi-Purpose Building, Brgy. Capaclan, Romblon, Romblon, na inorganisa ng DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Field Office MIMAROPA.
Sa paksang โChild Work Prevention Through Education,โ binigyang-diin natin ang kahalagahan ng paggabay, pag-unawa, at paghikayat sa ating mga kabataan na manatili at bumalik sa pag-aaral. Dahil ang edukasyon ay hindi lamang karapatan ng bawat bataโito rin ay pag-asa, proteksyon, at daan tungo sa mas magandang kinabukasan.
Maraming salamat sa buong pamunuan ng Romblon DSWD 4Ps sa pangunguna ni Ms. Camille V. Faa, sa pagkakataong makapagbahagi ng inspirasyon at suporta para sa kabataang Romblomanon.
Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon, pangalagaan ang karapatan ng bawat bata, at patuloy na magbigay-liwanag sa kanilang mga pangarap.
Shine, Kabataang Romblomanon! โจ