09/03/2026
CHAMPIONS! ππ₯
Isang napakalaking pagbati sa ating Batang Carmen West sa pag-uwi ng Championship! Ipinakita ninyo ang tunay na puso, disiplina, at pagkakaisa sa bawat laro. Hindi naging madali ang laban, pero dahil sa sipag, tiwala sa isaβt isa, at determinasyon ninyo, nakuha natin ang tagumpay na ito. Napakalaki ng ipinagmamalaki namin sa inyo! πͺπ
Isang taos-pusong pasasalamat saating butihing Mayor Liam S. Cezar sa kanyang walang sawang suporta sa ating liga. Kung hindi dahil sa kanyang dedikasyon, at pagmamalasakit sa kabataan at sa sports, hindi magiging posible ang matagumpay na liga na ito.
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga taong naging bahagi ng tagumpay na ito sa ating Team Manager Dr. Adam Arlie Guieb sa walang sawang suporta at pag-aalaga sa team, sa ating Coach Lester Guieb and Asst. Coach Eric Estrada na nagbigay ng gabay, disiplina, at inspirasyon sa mga players.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating Brgy. Captain Katherine F. Jovellanos at sa buong Brgy. Council ng Carmen west pati narin ang SK Council Headed by Sk Chairman Isagani C. Macaraeg Jr. sa patuloy na pagsuporta sa ating kabataan at sa mga programang pang-sports ng barangay.
Ang tagumpay na ito ay hindi lang para sa team β ito ay panalo ng buong Carmen West! π
Muli, congratulations Batang Carmen West Champions! Patuloy kayong maging inspirasyon sa ating kabataan. π