07/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด
Patuloy na inilalapit ng ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐๐จ๐ง๐ฎ๐ญ ๐๐ฎ๐ญ๐ก๐จ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ (๐๐๐) โ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐, ๐๐, & ๐๐๐ ang serbisyong pangkalusugan sa mga magsasakang magniniyog at kanilang mga kwalipikadong dependent sa pamamagitan ng ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ข๐๐ฅ ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐๐๐ฏ๐ข๐๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ข๐๐ข๐ง๐๐ฌ na isinagawa noong Hulyo 27- 29 at 31, 2026 sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ข๐๐๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ (๐๐๐) ๐ง๐ ๐๐จ๐๐จ๐ง๐ฎ๐ญ ๐
๐๐ซ๐ฆ๐๐ซ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ฅ๐๐ง (๐๐
๐๐๐), bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapabuti ang kalusugan, kapakanan, at kalidad ng buhay ng mga rehistradong magsasakang magniniyog at kanilang mga pamilya.
Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga assistive devices tulad ng wheelchairs, walkers, tungkod, at elbow crutches, natutulungan ang mga benepisyaryo na magkaroon ng mas maayos na paggalaw, kalayaan, at kakayahang maisagawa ang kanilang pang-araw-araw na gawain nang mas ligtas.
Samantala, ang pamamahagi ng gamot ay nagbibigay ng dagdag na suporta sa mga benepisyaryong nangangailangan, lalo na sa mga may limitadong kakayahang pinansyal, upang makatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kanilang kalusugan.
Katuwang ng PCA sa paghahatid ng serbisyo ang mga coconut farmers, PCA Satellite Offices, Local Government Units (LGUs), at Health and Medical Division (HMD).
๐ด๐๐ ๐๐๐๐ข๐ ๐ข๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐๐ ๐๐ฆ ๐๐โ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐โ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ก๐๐ก๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ข๐๐ก๐๐๐, ๐๐ก ๐๐๐ ๐๐๐ข๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ข๐ ๐ก๐๐๐ฆ๐ ๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐.