SBM Raul "989" Flores

SBM Raul "989" Flores Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SBM Raul "989" Flores, Public & Government Service, Rosario.

Kaninang umaga, tayo ay bumisita sa isang pamilyang labis na naapektuhan ng sunog sa Purok 4 Brgy. Tanglag. Kasama sina ...
19/05/2025

Kaninang umaga, tayo ay bumisita sa isang pamilyang labis na naapektuhan ng sunog sa Purok 4 Brgy. Tanglag. Kasama sina Brgy. Kgwd Elizabeth Balanon at Brgy. Kgwd. Wennie Santiago, ang aming pamilya ay nakapaghatid ng kaunting tulong. Hindi man kalakihan, sana’y makatulong kahit paano sa kanilang unti-unting pagbangon. Sa mga ganitong panahon, higit nating pinapahalagahan ang pagkakaisa at malasakit sa kapwa.

15/05/2025

Ngayong araw, muli na naman po tayong nakapaghatid ng munting tulong sa ating mga kapatid sa Pentecostal Missionary Church of Christ para sa pagpapabakod. Ang pangako sa panahon ng kampanya ay hindi dapat manatiling salita. Ito ay dapat maisakatuparan sa gawa. Nagbigay ng tulong, hindi para sa papuri, kundi para sa bayan. Walang hinihintay na kapalit, ganito ang serbisyong nais kong ipabatid: “Trabaho, hindi salita”.

12/05/2025
10/05/2025

Magandang araw po sa inyong lahat, mga mahal kong kababayan sa Bayan ng Rosario. Ako po si 989 Raul Flores, at ako po’y buong kababaang-loob na humihiling ng inyong suporta at tiwala.

Muli po akong kumakandidato bilang Sangguniang Bayan Member hindi para sa kapangyarihan, hindi para sa pangalan kundi para sa patuloy na paglilingkod na tapat, totoo, at taos sa puso.

Sa bawat sulok ng ating bayan, sa bawat pamilyang aking nasalubong at nakausap, ramdam ko ang inyong mga pangarap at yan din ang dahilan kung bakit patuloy akong nagsusumikap. Hindi po ako perpekto, pero ang puso ko ay para sa Rosario, para sa inyo.

Mahal na mahal ko po ang ating bayan. At sa darating na halalan, sana po’y muli ninyo akong pagkatiwalaan upang maipagpatuloy ko ang laban para sa tunay na pagbabago at pag-unlad.

Maraming salamat po, at nawa’y patuloy tayong gabayan at pagpalain ng Poong Maykapal. Para sa bayan, para sa inyo Action Man 989Raul Flores, #9 sa balota.

Address

Rosario
2506

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SBM Raul "989" Flores posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share