24/08/2026
DOH: ALAMIN ANG MGA ALTERNATIBONG PARAAN KUNG WALANG N95 MASK
Sa huling ulat ng DOST-PHIVOLCS, nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon, na nangangahulugang may patuloy na pag-aalboroto ng bulkan at maaaring magkaroon ng ash emissions.
Kung may ashfall sa inyong lugar, iwasang lumabas kung hindi kinakailangan. Ngunit kung kinakailangang lumabas at wala kang N95 mask, may mga alternatibong paraan upang mabawasan ang paglanghap ng volcanic ash.
Bukod sa pagsusuot ng mask, tandaan din ang mga sumusunod:
โ
Protektahan ang mga mata. Magsuot ng salamin o goggles upang maiwasan ang iritasyon dulot ng abo.
โ
Magsuot ng damit na may mahabang manggas. Makakatulong ito upang mabawasan ang direktang pagkakadikit ng abo sa balat.
โ
Manatili sa loob ng bahay kung maaari. Isara ang mga pinto at bintana upang mabawasan ang pagpasok ng ash particles.
โ
Pagkatapos ma-expose sa ashfall, maglinis agad. Hugasan ang mukha at kamay at magpalit ng damit upang maalis ang abo na maaaring dumikit sa katawan.
Makinig at sundin ang mga abiso ng DOST-PHIVOLCS at ng inyong lokal na pamahalaan, lalo na tungkol sa mga lugar na dapat iwasan at mga kinakailangang paglikas.