04/10/2026
π‘π’ ππππ-π§π’-ππππ ππππ¦π¦ππ¦ (October 5, 2026)
Alinsunod sa direktiba ni MAYOR LEOVIGILDO K. MORPE, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Bayan ng Rosario bukas, Lunes, Oktubre 5, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Teachersβ Day.
Kaugnay nito, ipatutupad ang Blended Distance Learning Modality o Modular Distance Learning (MDL), alinsunod sa Learning Continuity Plan ng bawat paaralan upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ang araw na ito ay bilang pasasalamat at pagkilala sa lahat ng mga g**o sa Bayan ng Rosario sa kanilang dedikasyon, malasakit, at sakripisyo sa paglilingkod.
Ang Republic Act No. 10743 ay nagtatakda na ang bawat ika-5 ng Oktubre ng taon ay ipagdiriwang bilang Pambansang Araw ng mga G**o (National Teachersβ Day) bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga g**o at iba pang tagapagturo sa paghubog ng ating bansa.