03/07/2026
Mga Kabarangay,
Pinag-iingat po ang bawat kabarangay natin sa mga kahina-hinalang tao na umiikot sa ating barangay. Nakarating po sa amin na may mga umiikot na nagtitingin ng mga gas stove at nag-aalok ng produkto. Huwag po natin silang papasukin sa ating mga bahay. I-report po sa ating mga Barangay Officials para maaksyunan.
Maraming salamat po!