24/08/2026
𝗣𝗔𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗟𝗚𝗨-𝗟𝗘𝗗, 𝗡𝗮𝗴𝗵𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗻𝗴 𝗟𝗶𝘃𝗲𝗹𝗶𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝘀𝗮 𝗣𝗲𝗼𝗽𝗹𝗲'𝘀 𝗢𝗿𝗴𝗮𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝘆𝘀𝗮𝗻
ROSARIO, Batangas – Nakiisa ang 16th Infantry “Maglilingkod” Battalion sa isinagawang PAMANA LGU-LED Awarding of Livelihood Assistance para sa People's Organizations na Maguinhawang Pag-asenso PLP Association ng Brgy. Guinhawa, Taysan, Batangas ngayong Agosto 24, 2026.
Pinangunahan ang programa ng Pamahalaang Bayan ng Taysan sa pamumuno ni Hon. Brigido “Dong” A. Villena, Municipal Mayor, bilang bahagi ng pagsusulong ng kabuhayan at pangmatagalang kaunlaran sa komunidad. Tumanggap ang nasabing People’s Organization ng ₱300,000.00 na livelihood assistance upang mapalakas ang kanilang kabuhayan at makalikha ng mas maraming oportunidad para sa kanilang mga miyembro. Ipinakita rin ng 16IB ang patuloy nitong suporta sa mga programang nagpapatibay ng kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran sa komunidad.